Chapter 82

357 9 0
                                    

Aphrodite's POV:

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ko inaya na mag-usap kami ni Seizures. Gusto ko talaga malaman kung totoo 'yung sinasabi ni Kio at Kuya Jay. Naniniwala naman ako pero gusto ko malaman mismo kay Seizures

Sa'kanya mismo..

"Seizures..." tawag ko sa'kanya "may itatanong sana ako" dagdag ko sa'kanya

"Go ahead. I'm listening" ngiting sabi niya

"Yung sa camping kahapon.. Totoo ba lahat 'yon? Yung sinabi ni Kio?" tanong ko rito. Bigla naman nag laho ang ngiti niya

"Maging si Kuya Jay ayun din ang sinasabi sa'kin.. Gusto ko sa'yo mismo malaman kung totoo lahat ng sinabi nil-" na tigilan ako nang bigla siyang nag salita na pagalit

"Stop talking!" sigaw nito sa'kin na agad akong napa atras "Look, Aphrodite. Alam ko mahirap paniwalaan lahat ng sinasabi nila but..." bumuntong hininga siya at nag salita

"It's.. It's true" halos mawalan ako ng balanse sa kinatatayuan ko ng bitawan niya ang salitang 'yon

"I'm selfish. I'm womaniser." dagdag nito, na hindi ko namalayan na naka hawak na ako sa bibig ko na gulat na gulat

Totoo lahat ng nalaman ko... Totoo..

"Seizures.. Akala ko hindi totoo lahat ng 'yon.." sabi ko habang naka tingin ng diretso sa mga mata nito

Nakaka.. Durog

"Eh yung pag amin mo sa'kin... Yung nasa Samgyupsal tayo.. Totoo ba lahat ng 'yon?" tanong ko rito at sandali siyang nanahimik

"Sumagot ka! Please, kailangan ko ng sagot mo." dagdag ko

"I don't know.. Naguluhan lang siguro ako kaya nasabi ko 'yung mga 'yon" sabi niya at para akong manlulumo

"A-anong ibig mong sabihin?.. Minahal mo ba talaga ako?" diretso kong tanong dito

"I don't know, Aphrodite. Gulong-gulo lang ako kaya nasabi ko 'yon" ulit niya

"Hindi 'yan ang gusto kong marinig! I-explain mo naman ng maayos! Paulit-ulit ka!" sunod-sunod na sigaw ko sa'kanya

"Hindi talaga kita gusto! Hindi talaga kita minahal! Nakipag pustahan ako sa mga kaibigan ko sa Japan! Ayan! Ayan ba 'yung gusto mong marinig ha!?" sigaw niya rin sa'kin

"T-tangina m-mo!.. Kung kailan ikaw na sana pipiliin ko sa'inyo ni Kio.. Dun ka pa nag labas ng baho mo! Pa'no mo natiis 'yon!?" sigaw ko

"Akala ko maganda intensyon mo sa'kin.. Hindi pala!.. Ginawa mo lang akong tanga! May pa regalo-regalo ka pang bwiset ka!" hindi ko na namalayan na tumulo na ang mga luha ko

"I'm... Sorry.. I didn't mean-" hindi ko siya pinatapos at nag salita

"You mean it, Seizures! Sinadya mong saktan ako!... Kung kailan hulog na hulog na 'ko tsaka mo sasabihin na hindi mo pala talaga ako mahal.. No, hindi mo talaga ako minahal." sunod-sunod kong salita na may bawat patak na dumadaloy sa aking mga mata

"Gusto mo rin si Kio diba?" natigilan ako "Gusto mo kaming dalawa diba? Pero magulo pa nararamdaman mo sa'kanya" dagdag nito

"H-hindi! Kahit kailan man hindi ko siya magugustuhan!" pag tanggi ko

"Liar. Parehas mo kaming gusto, mas lamang lang ako kasi hindi kita tinatrato na katulad sa pag trato niya sa'yo." ani nito na agad ko siyang tinignan na parang nandidiri

"Ulol! Ano 'tong ginagawa mo ngayon!? Hindi pa ba kayo magka-tulad ni Kio!? Lakas ng amats mo gago!" sigaw ko sa'kanya

"Trust me. Yukio Gavin Montero can treat you right.." ani nito na biglang sabay-sabay ang pag tibok ng puso ko

Tangina...

"Talaga! Another man will! Another man can treat me right!" sabi ko at bigla kong napansin ang maliit niyang ngiti na ika-inis ko

"And It's Yukio." sabi niya at tinignan ko siya na masama

"Manahimik ka nga! Wag mong banggitin 'yang kumag na 'yan!" sigaw ko

"Aphrodite.." tawag niya sa'kin at akmang hahawakan ang kamay ko

Umiwas agad ako at tumalikod "Wag mo na nga akong kausapin! Salamat sa mga regalong galing sa pustahan niyo! Tandaan mo, ito na ang huli nating pag-uusap kahit nag kikita tayo araw-araw!" ani ko at nag lakad papalayo. Tumigil ko at tinawag siya pero hindi ako lumilingon

"Seizures!" tawag ko rito

"Yes?" sagot niya

"Putangina mo!" sigaw ko at tumuloy na sa pag lalakad

Habang nag lalakad ako 'di ko maiwasang maluha, na parang inagawan ako ng laruan. Naka yuko ako na wala sa sarili

Na may biglang humarang sa'kin at nag salita ito

"Your words, woman." sabi nito sa malalim na boses

Bigla akong natingala at nakita si... Kio






















++Don't forget to vote, comment, share and follow!++

Ang Mutya ng Section Blue Jays Where stories live. Discover now