Allow or not?
Aphrodite's POV:
Para akong binugahan ni Elsa dahil hindi ko manlang matapak ang dalawa kong paa sa diretsong tanong ni Kuya Jay
"Sasama ka?" pag ulit niya at tumango ako
"Gusto kong sumama Kuya" ani ko
"May pang entrance ka?" tanong niya
"Meron naman. May natira pa sa allowance ko" sabi ko at tumango siya
"I won't allow you, Sol." ani niya at parang bumagsak ang katawan ko sa sinabi niya
"Bakit Kuya..??" mahinang tanong ko
"Kasama mo sila Kio e.." tipid niya sagot
Ano bang mali kila Kio?..
"May mali ba sa'kanila Kuya Jay? Parang sobra naman ata trust issues mo sa'kanila" ani ko
"Dahil ba ron sa Samantha? Yung sinasabi nilang maland--" hindi natapos ang sinasabi ko ng bigla niya 'kong sigawan
"Shut up!" sigaw niya at narinig ko ang pag baba ni Enzo at Kuya Jofre
"Bakit mo sinisigawan si Sol?" tanong ni Kuya Jofre sabay lapit sa'kin
Para akong nanlumo ng sigawan ako ni Kuya Jay. First time niya 'kong sigawan ng ganon kalakas
"Kay Samantha nanaman ba Kuya?" diretsong tanong ni Enzo sa'kanya at tinignan siya ng masama ni Kuya Jay
"Enzo.. Ako na, ituloy mo na ang pag impake mo ron. Dalin mo na rin ang pag lalagyan ni Sol ng gamit" utos ni Kuya Jofre at bago sundin ni Enzo binalik niya ang tingin kay Kuya Jay
"Lagi nalang Samantha" ani ni Enzo bago umakyat
"Kuya alam naman nating sobrang lala ng trust issue mo kila Kio e, dahil sa nangyare sa'inyong tatlo nila Seizures.. Oo sabihin na nating nag iisang babae lang si Sol sa'kanila. Pero hindi ibig sabihin non katulad na siya ni Samantha, ibang-iba si Sol kay Samantha Kuya" sabi ni Kuya Jofre at hinawi naman ni Kuya Jay ang buhok niya
Kasama si Seizures??...
"It's not like that Jofre" ani ni Kuya Jay
"Ganon din 'yon Kuya" rinig ko kay Enzo na kakababa lang "Malamang iisipin mo na matutulad si Sol don kasi nga kasama niya sila Kio. Tingin mo parehas din takbo ng utak ni Sol at Samantha? Mag isip ka nga!" dagdag niya
"Manahimik ka Enzo. Pag ako napuno sa'yo" ani ni Kuya Jofre
"Oh ano gagawin mo? Sasaktan mo 'ko? Sige saktan mo 'ko. Ito lang tatandaan mo Kuya Jay, hindi katulad ni Sol 'yang punyetang Samantha na 'yan!" ani ni Enzo at biglang sumigaw si Kuya Jofre
"Enzo! Sabing tama na diba!" sigaw ni Kuya Jofre at lumabas si Enzo na dala-dala ang gamit namin para sa camping
Hindi pa nga ako pinapayagan, inampake na mga gamit ko
"Tama na Kuya.. Kung ayaw niyong sumama ako sana sinabi niyo ng maayos hindi 'yung idadamay niyo pa sila Kio at sigawan pa 'ko" sabi ko at nag lakad papalayo si Kuya Jay
"Hindi Sol. Sasama ka, alam kong dati mo pa gusto sumali sa mga Camping na 'yan. Ito na 'yung chance mo sige na mag bihis kana ako na kakausap kay Kuya Jay mo" ani ni Kuya Jofre sabay gulo ng buhok ko at umakyat na ako
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon sobrang bigat ng nararamdaman ko. Bigla nalang may tumulong luha sa mata ko kaya kaagad ko itong pinunasan
Mawawala rin 'tong bigat ng nararamdaman ko. Pag kasama ko na ang mga nag papasaya sa'kin..
Nag simula na akong mag bihis at dalhin ang nga idadagdag kong gamit sa inimpake ni Enzo
Ilang minuto lang bumaba na ako at nag paalam kay Kuya Jofre. Pag labas ko nakitang kong nag aantay si Enzo kaya tumakbo na 'ko para maka-alis na kami
Sinimulan niya nang paandarin ang kotse at lumarga na kami
"Hayaan mo si Kuya Jay.. Wag kang makikinig sa'kanya pag pinag-uusapan na 'yung Samantha, walang madudulot 'yon sa'yo.." ani niya tanging tango nalang ang nasagot ko dahil sa bigat rin ng nararamdaman ko
Salamat unggoy...
++Don't forget to vote, comment and share++
Fb Page: Tambayan ni Heneral Siopao
Fb Group: Mga Tambay sa Lugawan ni Manang
Instagram: @tambayanniheneralsiopao

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...