Aphrodite's POV:
Nag simula na kaming mag lakad papalayo sa spot namin. Medjo may kalayuan ang ilog sa spot naminDahan-dahan ang galaw at yapak namin dahil baka mahuli kami ng guide. Para kaming mag nanakaw sa bangko dahil may mga naka yuko pa
Sa ilang minuto naming pag lalakad bigla may bumagsak natigilan kami at napa tingin sa likod. Si Guwon, naka subsob sa mga dahon
Ano nangyare rito?
Halos mawalan na kami ng hininga sa pag pigil ng tawa namin. Baka kasi pag tumawa kami mahuli kami ni guide
"Ginagawa mo hoy" ani ni Gio
"Oh ano yuko-yuko ka pa kasi" sabi ni Solomon
"Si Gabo! Tinuhog 'yung pwet ko! Edi sumubsob ako" ani ni Guwon
Gusto man namin tumawa pero mas gusto naming maligo
Tumayo na siya at nag simula na ulit kami lumakad. Malapit-lapit na kami sa ilog masyadong maiingay lang ang mga natatapakan naming dahon dahil lahat sila crunchy
Ilang minuto na ang naka lipas natanaw na namin ang maikling tulay na papunta sa ilog
"Dahan-dahan kayo kasi marupok na raw 'yung tulay" sabi ko at tumango sila
"Parehas pala kayo ng tulay e" ani ni Sebio at tinignan ko siya ng masama
"Salbahe!" sabi ko at bahagya silang tumawa
"Tara na" ani ni Serj at paunti-unti kaming tumawid sa tulay
Nang maka tawid na kaming lahat natanaw na namin ng ilog
"Ayan na! Ayun na 'yung ilog!" ani ko sabay turo
"Okay kiddo. let's go" rinig ko kay Kio
"Hindi ako bata" sabi ko
"Yes you are. My baby. My kid" sabi niya at para akong sasabog
Sasabog sa inis, sa kilig!
"Hindi na ulit siya gumagalaw guys" rinig ko kay Kael
"Naka ilan na si Kio today ha" ani naman ni Magnus
Bigla nalang may humawak sa kamay ko.. Si Seizures
"Agaw eksena ang second lead" ani ni Singco
"Tama na. Bawal ang away ngayon, hali na kayo." ani ni Serj at lumakad na kami
"Stop holding her hand. Hindi naman siya mawawala" sabi ni Kio habang naka tingin sa mga mata niya
Lalong hinigpitan ni Seizures ang pag hawak sa kamay ko. Bigla naman din ni Kio hinawakan ang isa ko braso
"Let. Her. Go. Now" ani ni Kio na parang nang-gigigil
Halos natahimik kami dahil sa nangyayari
"No. Bakit ko siya bibitawan? Para ma-solo mo si Aphrodite? Selfish nga naman" ani ni Seizures
Lord...
"Wala ka pa rin pinag-bago Seizures" ani ni Kio at binigyan si Seizures ng sarcastic na tawa at nag salita ulit "Kung maka sabi ka ng "selfish" sa'kin e ikaw nga 'tong selfish sa'ting dalawa. Kung sa tingin mo na isosolo ko si Aphrodite.. Bakit hindi? Ikaw nga laging nananalo sa mga nagugustuhan nating babae. Hindi ka pa rin marunong mag paubaya ng babae noh?.. Such a womaniser" sabi ni Kio
Bahagya akong tumingin kila Sebio maging sila hindi rin maka-galaw sa pwesto nila
"I'm not a womaniser" ani ni Seizures "Sa'ting dalawa ikaw 'tong lapitan ng babae" dagdag niya
"Lapitan lang ako pero hindi ako pumapatol kung kani-kanino" sabi ni Kio
... Hindi kaya? Totoo 'yon...??
Biglang sinuntok ni Seizures si Kio nang ikagulat ko. Biglang akong hiniltak ni Sebio
"Dito ka lang" ani niya
"Sebio.. Ano nangyayare? Bakit-" natigilan ako nang mag salita siya
"Wag mo nang alamin dahil maiipit ka rin. Katulad sa'min" ani niya na mas lalo akong naguluhan
Gusto kong malaman..
Bigla nalang sila nag kagulo at pilit na inaawat sila Kio. Para akong statwa sa sitwasyon ko hindi maka-galaw, hindi maka salita at hindi sila maawat
Para akong binuhusan ng power ni Elsa
"Tama na napuruhan mo na Kio!"
"Tama na Sei!"
"Awat na gago! Lagot tayo neto kay guide!"
"Tama na hoy!" sabay-sabay nilang sigaw habang inaawat sina Kio at Seizures
Biglang nalang may nag pito at do'n lang ako natauhan. Yung guide...
Lagot!
Bigla silang tumigil sa pag-awat maging sila Kio at Seizures na nag-aaway tumigil
"Anong kaguluhan 'to Blue Jays!?" sigaw ng guide at natahimik kami
"Bumalik nga kayo sa spot niyo!" dagdag ng guide namin at nagsi-ayos na kami
Nag simula na kaming mag lakad pabalik sa spot namin. Tahimik kaming nag lalakad dahil nasa unahan namin ang guide
Ilang minuto lang naka balik na kami sa spot namin at umupo
"Alam niyo ng bawal ang gulo dito diba? Ang kulit niyo! Pati 'yung tigas ng mga ulo niyo dinadala niyo pati dito!" galit na sabi ng guide namin
"Last day niyo na bukas ganto pa kayo!? Ano bang pinag-aawayan niyo?" tanong niya
"Nag bibiruan lang po tapos nagka-pikunan" ani ni Singco
Nag sinungaling nanaman siya
"Ayusin niyo 'tong gulo na ginawa niyo baka mapa-uwi kayo ngayong gabi pag nalaman ng ibang istriktong guide 'to. Maiwan ko na kayo" ani niya sabay alis
Ilang minuto kaming natahimik dahil sa nangyare at pinagalitan din kami ng guide
"Gabi na" pag basag sa katahimikan ni Javier "Tulog na tayo.. Bukas nalang natin pag-usapan 'to" dagdag niya at nagsi-tayo na kami
"Sebio tara na" aya ko sa'kanya
"Mauna kana Aphrodite, susunod na 'ko." ani niya at tumango ako
Pumunta na 'ko sa tent namin at binuksan ko na ang zipper para maka pasok ako sa loob. Nahiga na 'ko at ipinikit nalang ang mga mata ko
Ilang minuto lang naramdaman kong bumukas na ang tent, alam kong si Sebio 'yon dahil sabi niya susunod siya
Tumabi na ang pumasok sa tent namin at bigla akong niyakap. Lalo ako nakumbinsi na si Sebio 'yon dahil lagi niya 'kong niyayakap
Pero parang hindi siya Sebio.. Masyadong malaki ang braso at iba pa ang perfume na naaamoy ko
SINO 'TO!?
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at pilit na natulog
++Don't forget to vote, comment, share and follow!++
Fb Page: Tambayan Ni Heneral Siopao
Fb Group : Mga Tambay sa Lugawan ni Manang
Instagram: @tambayanniheneralsiopao

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Ficção AdolescenteThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...