The Only Girl in Section Blue Jays
Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama.
Problema mo, problema rin namin!
Walang iwanan hanggang...
Balak ko ng tapusin 'to T^T.. Update ko kayo pag itutuloy ko 'yung Book 2 ng AMNSBJ ^.^
Comment and vote if y'all want na gawan ko ng Book 2 'to :) More plots tayo para exciting!
++ new cover for AMNSBJ
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
CampPlaning
Serj's POV:
Nag lalakad kami ngayong tatlo nina Soren at Aphrodite hindi ko maiwasang ngumiti at sumaya dahil 'yung matagal ko ng hinahanap.. Dati pa palang nandito
Sobrang saya ko lalo na 'yung sinabihan niya 'ko ng "Namisskita Doy"...
Gusto ko pa siyang yakapin hanggang sabihan niya na "bitaw na" sobrang namiss ko siya, sobra pa sa sobra.
I want to hug her like my whole world.. My Sol
Nakarating na kami sa room at maingay sila, wala pa si Sir Panot mukhang late. Minsan hindi siya nag tuturo sa'min dahil naiinis siya sa kakulitan namin
Hindi naman namin siya masisisi dahil ganon kami kahit nung first day pa lang
"Aphrodite! Hello" rinig kong tawag ni Sebio kay Aphrodite
Naupo na 'ko sa tabi ni Aphrodite at Sebio dahil naka hiligan na namin na mag tabi na tatlo. Gusto ko munang matulog dahil may palagi akong binabantayan tuwing gabi..
Pag tapos ko maupo, yumuko nalang muna ako baka dumating kasi si Sir Panot.
Aphrodite's POV:
Nang makarating na kami sa room nina Soren at Serj, binati naman agad ako ni Sebio.
"Aphrodite! Hello" bati niya sabay ngiti
"Hello" bati ko rin at naupo na kami
Napansin kong pag upo ni Serj nayuko na agad siya
Puyat nanaman kaya 'to?
Hindi ko maiwasang mag isip sa tuwing papasok siya nakaka tulog agad siya. Para siyang may duty tuwing gabi na parang may binabantayan para mapuyat ng lubos
Hindi nag turo sa'min si Sir Panot. Biglang bumukas ang pinto at lahat kami nag tinginan, si Sir Liam..
"Good Morning Sir!" bati namin at ngumiti siya
"I have good news.. But I have a bad news also" sabi niya at nag tinginan kami
"Unahin mo po good news Sir Liam" ani ni Seon
"We will have a Camping" sabi ni Sir at nag hiyawan sila