Seizures's Confession
Seizures's POV:
Gusto kong kausapin si Aphrodite kung ano nangyare o ano pinag usapan nila ni Kio pero hindi naman ako maka bwelo kasi naka bakod si Kio
Nasa Samgyup na kami syempre hindi pa rin nababago maingay pa rin kami.
Habang pinag mamasdan ko si Aphrodite na tumatawa at ngumingiti. Umiba bigla ang pakiramdam ko. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko ngayon. Naka tulala lang na ewan
I think I like her..
Wala pa kasi 'yung order kaya maingay kami
Maya-maya lang dumating na ang mga order namin. Nag simula na kami kumain may mga bardagulan pa nga
"Akin nalang 'yang bacon mo Kael!" sigaw ni Sebio
"Ayoko!" pag tanggi naman ni Kael
Silang dalawa ang pinaka makulit sa'ming lahat lagi nag babangayan sa maliliit na bagay. Sanay naman na kami kaya okay lang sa'min
Kukunin na dapat ni Sebio ang bacon na nasa pinggan ni Kael ng tapikin ni Kael ang kamay niya
"Akin sabi 'yan! mag luto ka ng iyo" sabi ni Kael
"Ingay niyo nanaman" sabi ni Guwon
"Ito kasi ayaw mamigay" pag susumbong ni Sebio naka nguso pa
"Mag luto ka kasi" sabi naman ni Kael
"Oh sa'yo na bacon ko" sabi ni Aphrodite sabay lapag ng bacon sa plato niya
Parang bata naman kasi
"YAY! SALAMAT APHRODITE!" sigaw niya ngumiti naman si Aphrodite sa'kanya
Ang ganda...
Aphrodite's POV:
Habang nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan at kainan ng sari-sariling luto napa tingin ako kay Seizures para kasing kanina pa siya naka tulala
"Seizures? Ayos ka lang ba?" tanong ko sa'kanya napa tingin naman sila sa gawi ni Seizures
"Kanina ka pa naka tulala jan" sabi naman ni Magnus
"Ayos lang ako" sabi niya pero naka tingin pa rin ako sa'kanya
Para kasing may mali. Parang may gusto siyang sabihin sa'min o kung kanino
"Aphrodite.. Pwede ba tayo mag usap?" dagdag niya tumingin naman agad sila
"Pwede naman. Sa labas tayo" pag aya ko at tumango naman siya. Bumalik na ulit ang Sagpro sa pagkain nila at lumabas na kami ni Seizures
"Bakit? May gusto ka bang sabihin? Tulala ka kasi e" bungad ko sa'kanya pero hindi siya nag sasalita
"Sei.. Ayos lang ba tayo? May problema ba sa 'ting mag kakaibigan? Sabihan mo ako para naman mapag usapan natin habang kumpleto pa tayo.." dagdag ko
"Kasi Aphrodite.. Hindi ko alam kung pano ko masasabi sa'yo 'yung nararamdaman ko..." sabi niya
Sabihin mo na please nagugutom na ako!
"Sei?" tawag ko sa'kanya
"Aphrodite.. Parang Gusto na kita..." Sabi niya ng ika-laki ng mga mata ko
Baliw ba 'to? O may aning sa utak?
"A-anong sinasabi mo?"
"Hindi ko alam.. Pero kasi tuwing nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko.."
Syempre buhay ka pa!
"Tapos hindi ko alam gagawin ko tuwing nakikita kita parang natutuliro ako na ewan.."
"Sa tuwing pinag mamasdan kita.. Lalo akong nahuhulog sa'yo. Sa mga ngiti at tawa mo tumitiklop na ako.."
"Diba ang weird?" dagdag niya
Weird talaga Sei!!
"P-paanong--" naputol ang pag sasalita ko ng mag salita siya
Bakit ang hilig niyo 'kong hindi patapusin sa pag sasalita!?
"Ewan. Hindi ko alam. Okay lang kahit i-reject mo 'ko. Okay lang kahit wala kang masagot basta alam mo 'yung nararamdaman ko sa'yo.. Hindi pa naman kita ganon kagusto.. Siguro ganon lang talaga kasi ngayon lang kami nagka kaibigan at kaklase ng babae. Kaya ganon ang dating sa'kin"
"Wag mo nalang isipin 'yung mga sinabi ko.. Hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko kaya pwede pa ma-iba 'to.."
"I just want to tell you that.. I like you.. I like you because you are not only beautiful. I like you because I like you. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon pero kasi.. Iba ka sa kanila. Aphrodite..." dagdag niya
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya hindi ko alam kung bakit..
"Seizures.." 'yun nalang ang huli kong nasabi sa dami-dami ng sinabi niya dahil bigla niya ako hinalikan sa labi
Nagulat ako ng halikan niya ako pero nung minulat niya ang mga mata niya habang naka dikit ang labi niya sa labi ko nakita ko na iba rin ang kulay ng mata niya..
May lahi ba silang tatlo nila Kio at Serj?
Yung kay Kio grey. Yung kay Serj naman blue . Tapos 'yung kay Seizures red ang mata niya hindi halata kasi medjo dark ang pagka red pero pag nasa malapitan napaka ganda
Confirmed iba-iba lahi nila!
Tinaggal niya na ang labi niya na nakalapat sa labi ko. Naka tingin pa rin ako sa mga mata niya
"S-sorry.. Nadala lang ako ng emosyon ko" sabi niya
"Sei.. Ang gulo" sabi ko pero ngumiti lang siya at tinapik ang ulo ko
"Magulo ngayon pero pag tumaggal maiintindihan mo rin kami.." sabi niya
Kami? Alam niya rin 'yung kila Kio? Ang gulo gago! Pinag lalaruan ata ako ng tatlong 'to
"Tara na baka nag aalala na sila" pag aaya niya at tumango nalang ako
Bakit ako lagi ninanakawan nila ng halik? Dati ba silang mag nanakaw?--- respect my opinion Santa.. Ang gulo po kasi
Nawala gutom ko sa'yo hayop!
Bumalik na kami sa table namin na parang walang nangyari kanina.. Nag simula na akong kumain sinabayan ko nalang ang katuwaan nila para hindi ako mahalata
Halos mag ilang oras na rin kami rito. Hindi naman agad sila nag papa alis kahit ilang oras pa basta raw mag babayad at ubos ang pagkain
Kawawa talaga nag d-date sa mga gantong lugar.. Para silang patay gutom..--- opinion ko po 'yan ha!
Nag simula na kaming magsi-ayos dahil uuwi na kami ganon pa rin kahit sa pag uwi maiingay at nag babardagulan
🎀++Don't forget to vote chulsooyeo!++🎀
YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...