Seizures Gift
Aphrodite's POV:
Pag tapos namin tumambay sa tusok-tusok na nasa kabilang kanto lang nila Manang umuwi na rin kami
Tulad ng dati sari-sariling uwi kami kasi ang iba naka condo tapos and iba naman sa'min may bahay na inuuwian
Pagka-uwi ko dumiretso na agad ako sa kwarto at kinuha sa bag ko ang binigay ni Seizures kanina. Maganda ang pagkaka balot niya sa box at maganda rin ang pinang balot niya
Binuksan ko na ang box at may chocolates na bumungad sa'kin "Gusto ko 'to!" sabi ko sa sarili ko at may letter sa likod isang malaking chocolate at tinignan ko ito
'I know you like sweets'
Wow alam niya? Pano?
Tinanggal ko na ang mga chocolates na naka harang sa maliit na box
Bakit may box ulit?
Binuksan ko ito at nakita ko may mga pictures ko 'yon. Hindi ko alam kung saan galing o saan niya nakuha 'yung mga 'yon kaya tinuloy ko nalang ang pag titingin ko sa mga pictures ko. Pero nagulat ako sa pinaka huling picture
Si Kio...
Si Kio ang nakita ko sa huling picture na prinint niya 'yung panahon na hinalikan ako ni Kio sa noo bago siya umuwi
Saan galing 'yon?
Halos ang dami kong tanong kung saan niya nakuha 'yung picture at sino ang nag picture para akong kinabahan na ewan dahil alam kong nasaktan siya
Pero napapa isip ako na baka nilagay niya lang 'yon para kabahan ako? O kiligin?
Hindi! Hindi pwedeng kiligin sa kumag!
Pero hindi mawala sa isip ko na kung sino ang nag picture sa'min ni Kio para kasing stalker ang datingan non
Si Seizures kaya nag picture non?
Pag tapos ko tignan ang mga litrato may napansin akong naka sulat sa likod ng picture namin ni Kio
'Sweet. How I wish I could kiss you like that without any worries'
Halos mabagsakan ako ng lungkot sa sulat na 'yon kasi ramdam ko na nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil hindi niya magawa 'yon ng walang halong pag-aalala
Alam niyang hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya sa'kin pero parang nag bibigay siya ng motibo na sigurado siya sa'kin
Naka titig lang ako sa sulat niya para akong nasaktan na ewan dahil don
Bakit? Bakit ako nalulungkot? Bakit ako nasasaktan? Hindi naman kita gusto...
Tinabi ko nalang ang mga pictures pero may umagaw ng atensyon ko may sulat nanaman pero sa likod ng picture ko
'You're so pretty here:)'
Napa ngiti ako sa sulat niya dahil may smiley face pa. Tuluyan ko ng tinabi ang mga pictures at may napansin akong mas kinasaya ko. Picture ko nung maliit pa 'ko pero may kasama akong lalaki na parang kapatid ko
Sino 'to? Hindi ko siya maalala
Mukhang masaya kami sa picture nung lalaki at may sinulat ulit si Seizures sa likod
'Adeva Siblings'
Nagulat ako dahil alam niya ang middle name ni Mama. Pero mas naguluhan ako dahil sa sulat na 'Siblings' wala naman akong kapatid at wala rin akong maalala na may kapatid ako
Sino 'yung lalaki?
Ang ngiti ko kanina napalitan ng pag tataka bukod sa wala akong maalala na may kapatid ako. Bakit alam niya ang middle name ni Mama? Hindi ko alam kung sino 'yung lalaki dahil hindi siya pamilyar sa'kin pero 'yung sa picture naming dalawa mukha talaga kaming mag kapatid
Tinabi ko na ang box sa pinag lalagyan ko at nilagay ang mga chocolate sa ref. Bumalik agad ko sa kwarto ko para i-text si Seizures
To : Seizures
Message : Sino 'yung kasama ko sa picture? Kapatid ko ba siya?From : Seizures
Message : malalaman mo rin, Aphrodite.Ang alin? Anong malalaman ko?
Marami man akong gustong itanong sa'kanya pero pinigilan ko nalang ang sarili ko mag tanong sa'kanya
From : Seizures
Message : Anyway, nagustuhan mo?To : Seizures
Message : Seizures.. Yung sa'min ni Kio, saan galing 'yon?From : Seizures
Message : It's not important, don't mind it.From : Seizures
Message : Goodnight. See you tomorrow :)Hindi na ako nag reply sa huli niyang text sa'kin at nilapag nalang ang selpon ko sa gilid. Bumalik ako sa pagkaka-higa ko at ipinikit nalang ang mga mata ko
++Don't forget to vote, comment and share++
Fb Page : Tambayan ni Heneral Siopao
Fb Group : Mga Tambay sa Lugawan ni Manang
Instagram : @tambayanniheneralsiopao

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Novela JuvenilThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...