Confrontation with Sage
Yukio's POV:
7am na ako nagising binilisan ko nanaman ang kilos ko 8am start ng klase namin. Ano oras na rin ako naka tulog kagabi kaka isip kay Aphrodite kaya napuyat ako
Nag motor nalang ako para mabilis masyadong malaki kapag kotse hindi maka singit sa traffic
Hindi na ako naka suklay ang gulo tuloy ng buhok ko, nakarating na ako sa school lumakad nalang ako papunta sa Section namin
Wag na tumakbo late naman na
Nakita kong wala pa si Sir Panot kaya naginhawaan ako
Hinanap ko agad si Aphrodite nakita ko naman siya nag n-notes may long quiz kami kay Panot 'yung iba maingay 'yung iba nagkaka gulo tas 'yung iba nag r-review
Umupo ako sa tabi niya diretso pa rin tingin niya sa nirereview niya
Hinawakan ko ang hita niya "Busy?" sabi ko at tinignan niya ako
"Sobrang busy.. Exam na next week kaya kailangan may notes" sabi niya kaya tinapik-tapik ko ang ulo niya
"Kio.. Si Sage.." sabi niya sa mahinang boses
"After class.. Pupunta tayo sa café na pinuntahan namin last time nung nag meet kami kasama ang Sagpro" sabi ko at tumango siya binaling niya na ang tingin niya sa notes. Nireview ko na rin ang sarili ko para may masagot mamaya
Dumating na si Panot kaya nag simula na kaming mag sagot hindi maiwasan mag kopyahan sa'min may mga sign language kasi sila
"Serj number 10?" mahinang tanong ni Zade nag wacky pose naman ang gago
"Cute ah" pang aasar ni Sebio
"Gago!" sabi niya natawa naman sila
Pogi pose - letter A
Wacky pose - letter B
Gang pose - letter C
Heart pose - letter DGanyan ang posting nila kapag may nanghihingi ng sagot na palihim kaya natatawa kami kapag heart at wacky nag mumukha silang baliw
After 1hr natapos na rin kami kaya umalis na rin si panot
Aphrodite's POV:
4pm na uwian na namin 'yung ibang Blue Jays umuwi na at kami ng mga Altheinstan nalang natitira sa room namin
Sinabihan na rin sila ni Kio na pupunta kami sa café na pinuntahan nila last time
Palabas na kami halos wala ng lumalabas na studyante kasi ang iba naka uwi na
"Aphrodite.. Tayong dalawa lang kakausapin ni Sage pero 'yung Altheinstan sa labas nalang muna" sabi ni Kio at tumango naman sila
Nakarating na kami sa café kung saan gusto makipag kita sa'min ni Sage. Pumasok na kaming dalawa ni Kio hawak-hawak niya ang kamay ko habang papasok kami
Kala mo naman mawawala ako!
"Nandon siya, tara" sabi niya kaya sinundan ko siya
Naka upo si Sage habang naninigarilyo
Wow sa café pa talaga nanigarilyo ang hayop
"Oh nandyan na pala kayo. Have a sit" sabi niya tinignan ko si Kio at umupo na
"Can you please say sorry to her?" bungad ni Kio ng ikinagulat ko tumawa naman si Sage
Dapat hindi na ako sumama.. Bumabalik nanaman mga naaalala ko
Tahimik pa rin ako kahit marami na silang pinag usapan
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Hahaha" sarkastikong niyang sabi
"Just say sorry para tapos na" seryosong sabi ni Kio sa'kanya tumawa naman ang hayop
Hinawakan ko ang kamay ni Kio at tumingin siya sa'kin "U-umuwi na tayo" mahinang sabi ko pero umiling siya
Lion naman!
"Si Aphrodite.." sabi ni Sage at napa lingon ako "Nakaraang gabi nakita ko sila ni Serj mukhang nag grocery date hahaha" sabi niya
Seryosong-seryoso ang mukha ni Kio parang pinapatay niya si Sage sa titig niya
"Hinalikan pa nga siya ni Serj sa noo.. Diba Aphrodite?" dagdag niya habang naka ngisi biglang tumingin si Kio sa'kin
Yari!
"Totoo 'yon?" seryosong tanong ni Kio "K-kio ano kasi" sabi ko naman
"What? Did he actually kiss you?"
"O-oo dahil sa cupcake 'yon" sagot ko bigla niyang hinampas ang lamesa lahat ng tao tumingin sa'min
"Damn it!" sigaw niya at tumayo bigla naman tumawa si Sage
"Hindi pa tayo tapos Sage." huling sabi niya at mabilis na nag lakad papalayo sinundan ko agad siya. Malakas niyang binuksan niya ang pinto
Pumunta agad siya sa direksyon ni Serj at hinawakan ang kwelyo niya
"Hoy anong nangyayare!?" tanong ni Seizures
"Bitawan mo si Serj hoy!" sigaw naman ni Singco
"Ano meron!?" tanong ni Guwon
"You kissed her!?" seryosong tanong ni Kio habang naka hawak ng mahigpit sa kwelyo niya. Tumingin ang Altheinstan sa'kanila na nag tataka pero naka tingin lang si Serj sa mga mata niya at tumingin siya sa'kin pero ngumiti
Tangina naman!
"I said you kissed her!? I need the fucking answer Serj!" sigaw niya halos ng tao sa café nag silabasan nawala nalang si Sage na parang bula
"Yes I kissed Aphrodite.. Pero sa noo lang 'yon Kio" sagot niya at isang malakas na suntok ang binigay ni Kio sa'kanya para mapa upo siya
"Hoy hibang kana ba Kio!? Bakit mo sinuntok si Serj!?" sigaw ni Soren at sinuntok niya rin si Kio pero hindi natumba si Kio may dugo sa gilid ng labi niya
Ang ibang Altheinstan naka tingin sa'kin halos umiyak na ako sa mga nangyayare
Ano ba 'to!
"Aphrodite.. Hinalikan ka ni Serj sa noo?" tanong ni Seizures tumango naman ako tinapik niya nalang ako sa ulo at ngumiti
"That's why you want Seizures and I to go home first because you saw Aphrodite.. Awesome Serj." sarkastikong sabi ni Kio
Halatang nag tataka ang Altheinstan sa mga nangyayare
Kasalanan ko 'to.. Dapat hindi na ako nagpa sama non kay Serj
"Anong--anong ginawa niyo sa grocery?" tanong ni Sebio
"Bumili lang kami pagkain" sagot ni Seizures
May dugo sa gilid ng labi ni Kio at Serj galit pa rin si Soren pero hinawakan siya ni Serj sa balikat
Mag kapatid nga sila
"Come with me." maotoridad na sabi ni Kio at hinila ang kamay ko
"Hoy saan mo dadalhin si Aphrodite!" sigaw ni Gabo
"Hoy Kio!" sigaw ni Kael
"Pag may nangyare jan ikaw malalagot" sabi ni Seojun pero walang pake si Kio sa'kanila
Ano ba nangyayare? Bakit nanapak bigla 'tong kumag na 'to.. Anong pumasok sa isip niya!?
Halos andaming tanong sa isip ko na gusto kong sagutin ni Kio pero hinihila niya pa rin ako
🎀++Don't forget to vote chulsooyeo!++🎀

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...