Chapter 39

732 17 1
                                    

Didn't regret choosing the right choice

Aphrodite's POV:

Tapos naming mag usap ng mga Altheinstan gustong-gusto ko na agad puntahan si Sir Yvo para maaga niyang malaman ang desisyon ko

Hindi na sila tahimik maingay na kami, nagagalit nanaman ang mga teacher sa'min pero ngayong araw hindi kami na guidance

Iwas record muna ngayon baka matuluyan akong palipatin e

Nag susulat ako nang mag salita si Kael "Aphrodite mamayang uwian mo pa sasabihin?" tanong niya at tinignan ko siya

"Oo.. Para isang pasadahan nalang at para maka lugaw pa" sabi ko at ngumiti siya

"Pag hindi nalipat si Aphrodite.. May isa sa'ting mang lilibre! Ano game?" sigaw ni Sebio at tumingin kami sa'kanya

"Sino naman?" tanong ni Seojun

"Tutal mag uuwian naman na.." sabi niya at tumayo may kinuha siyang bote sa gilid at pina-ikot

Naka pa-ikot kami kasi tinanggal 'yung mga upuan namin may event kasi kaya 'yung sa'min ang kinuha

Event event pa kulang kulang naman sa upuan

Sinimulan niya na itong paikutin at tumapat kay.. KIO!

Sa kumag pa talaga!

Lahat kami tumingin sa'kanya pero naka tingin lang siya sa'kin

May ginawa ba 'ko? Wala naman ata diba?

"Libre ni Papi Kio!" sigaw ni Sebio

"Libre! Libre! Libre!" sigaw naman nila dahilan para matawa ako

"Busog tayo mamaya pag-uwi!!" sigaw ni Singco

Ang kukulit!

"Payag ba si Kio?" tanong ko at napa kamot sila ng batok

"Yun nga e.. Hindi namin alam" sabi ni Seizures

Tumingin ako kay Kio at nag tanong "Payag ka? Libre mo kami? Payag ka na!" sabi ko pero walang ekspresyon ang mukha niya ang Altheinstan naman naka ngiti

Mga pabebe ang atake

"Hmm.." rinig namin kay Kio at tumingin kami

Dalian mo sumagot!

"Okay.. My treat gorgeous" sabi niya at nag hiyawan sila

"Si Aphrodite lang ililibre ko" dagdag niya at biglang umiba ang mukha nila at sumigaw.. Kanya-kanyang dahilan sila para lang masama sa libre

"Ano!? Hindi pwede!" sigaw ni Sebio

"Anong si Aphrodite lang!? Mas nauna kami sa'kanya!" sigaw ni Kael

"Ang OA mo! Libre tayo ni Kio bilis niyo mag inaso" sabi ko sa'kanila

"Sabi niya ikaw lang daw lilibre niya" sabi naman ni Singco

"Naniwala naman kayo?" tanong ko at tumahimik sila

Oh diba!

"Libre tayo niyan, hindi pwedeng ako lang" sabi ko at nag hiyawan nanaman sila tumingin naman ako kay Kio at kinindatan niya ako kaya umiwas agad ako ng tingin

Hayop! Nakakainis!

Naramdaman ko ang init sa pisngi ko at alam kong namumula ako

Hayop talaga 'tong kumag na 'to!

Ang Mutya ng Section Blue Jays Where stories live. Discover now