Tent Pair
Aphrodite's POV:
Ilang oras ang inabot ng biyahe namin para maka punta sa destination. Parang gubat ang pinuntahan namin dahil sa kalalakihan ng puno
Na traffic pa kasi kami kaya inabot kami ng ilang oras. 6pm na kami ng hapon gumayak dahil ang ibang mga estudyante late na naka balik
Madilim na rin ng lumabas kami sa Bus. May pumunta sa'ming isang lalaki na may dalang flag na red
Para saan kaya 'yon?
Kinuha na namin ang mga gamit namin at tumingin-tingin sa paligid
"Feel ko anytime may sasakmal sa'kin dito" ani ni Sebio
"Sino?" tanong ko
"Ha? Sino naman?" tanong naman ni Kael
"Ikaw. Wag ka ngang dikit nang dikit!" iritang sabi ni Sebio habang naka tingin kay Kael at natawa ako
"Sige tawa ka Aphrodite. Ikaw unahin kong sakmalin" rinig ko kay Kael kaya tumigil ako. Naka tingin kasi sa'min si Kio
Nakakatakot so much!
"Blue Jays follow me" rinig namin sa isang lalaki at nag simula na kaming mag lakad
Sa bawat lakad namin may nag tutunugan na dahon. Crispy much! Hindi sa kalayuan may natanaw akong ilog kaya kinalabit ko si Sebio
"May ilog don" turo ko sa'kanya
"What if maligo tayo mamaya?" aya niya at parehas kaming ngumiti
"Baka bawal" ani ko at sabay kaming nawala ang ngiti
"Oo nga noh.. Ediii pag naka alis na 'yung guide natin ayain natin sila. Ano game ka?" sabi niya at tumango ako
"Sige sige!" ani ko at ngumiti kami sabay apir na mahina
Biglang huminto ang guide namin at nauntog ako sa likod ni Seizures. Lumingon naman ito sa'kin at napa titig ako sa mga mata niya.. Nakita ko kung pano kuminang ang mga mata niyang pula
Ang ganda..
"Are you okay?" tanong niya at tumango ako
"Oo. Sige na lakad na" sabi ko at lumakad na siya
Ilang minuto lang huminto nanaman ang guide buti nalang hindi ulit ako nauntog sa likod niya baka sabihin niya sinadya ko na e
"This is your spot. Linisin niyo nalang at walisin. Bibigyan ko kayo ng mga gagamitin niyo sa pag linis" ani ng guide namin at tumango kami
"Pag tapos niyo linisin 'tong spot niyo. Ilatag niyo na ang mga tent niyo, sa isang tent dalawang tao." dagdag niya at bigla kong hinablot si Sebio
"Te mag lilinis pa tayo" ani niya
"Partner tayo!" sabi ko at tumango siya
Yes!
"Oo na! Hali kana mag lilinis na tayo" aya niya at sumunod na 'ko sa'kanya
Biglang inabot ng guide namin kay Kio ang flag na red at nag salita "Hold it. Ayan ang palatandaan niyo. Red sa Section niyo, Blue sa Asteroids, Yellow sa Unibersidad, Green sa Blossoms. Understand?" ani niya at tumingin kay Kio
Parang mga krayola lang ang atake ha
"Yeah, you can leave now." sabi ni Kio at umalis na ang guide namin

YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Roman pour AdolescentsThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...