Bonding with Boss/Manong
Aphrodite's POV:
Habang nasa kalagitnaan kami ng klase biglang nag salita si Ethan
"Hoy mga brad! Tusok-tusok tayo! Sarado nanaman si Manang e. Kay Boss muna tayo" ani ni Ethan at tumingin kami sa'kanya
"Sige mamaya tapos ng klase. Tambay na rin tayo sa gilid" sabi ni Zade at tumango kami
Tusok-tusok ulit!!
"Hoy! KKP!" sigaw ni Sebio
KKP?-- hayop!
"Ha!? Kiff---" naputol ang pag sasalita ni Ace ng batukan siya ni Solomon
"Bastos!" sabi ni Solomon at nag tawanan kami
"Ayusin mo kasi Sebio! Parang gago ka rin sumigaw.. Anong---- ano KKP na 'yan?" dagdag niya at lalo kaming natawa
Pina-ikli niya ata Solomon!
"Kanya-Kanyang Pera kasi! Bastos ng utak niyo" ani ni Sebio habang nakamot sa batok
"Wag mo kasing paikliin! Pwede naman buo-in nalang 'yung sentence!" sabi ni Phoenix at tumawa kami
Bumalik na kami sa ginagawa namin at nag focus muna last subject na namin ngayon. Lagi kaming naka focus sa klase at sa pinapagawa ni Sir Liam sa'min dahil siya lang ang may tyagang turuan kami
"Blue Jays! Finish or not finish pass your papers!" ani ni Sir Liam at nagsi-pasahan na kami sa table
"Okay this is for today! Thank you and goodbye Blue Jays! See you tomorrow" dagdag ni Sir at umalis
Nag ayos na kami at nagsi-labasan na sa room. Paalis na kami sa School at papunta na sa tusok-tusok ni Manong lagi pa naman kaming natambay don kapag wala si Manang pero kahit nandyan si Manang pumupunta pa rin kami kay Manong
Manong ang tawag ko sa'kanya pero ang Altheinstan "boss" ang tawag sa'kanya
Bakit kaya?
Nakarating na kami kung saan natambay si Manong at biglang sumigaw si Singco
"Boss! Nandito ulit kami!" sigaw niya at kitang-kita kay Manong ang bakas ng masaya niyang ngiti sa mga labi nito
Saya ni Manong ah!
"Lugi nanaman Boss!" ani ni Manong at nagsi-tawanan kami
Lugi talaga si Manong sa Altheinstan lagi ba naman natawad kay Manong!
"Boss sampung kikiam tapos limang pisong fishball" ani ni Magnus at binigyan siya ni Manong
"Akin naman Boss benteng squid ball" sabi ni Zade
"Ako rin Boss parehas kay Zade" sabi naman ni Ethan
"Boss ang pait ng suka mo ah. Bago?" rinig namin kay Zade
"Boss babaran ng sandok 'yan bakit jan ka sumawsaw" ani ni Manong at natawa kaming lahat. Except kay Kio
Ang seryoso ng kumag! Ang lalim ng kasiyahan!
"Tanga mo pala kahit sa labas" sabi ni Sebastian habang natawa
"Bobo hindi tinitignan sinasawsawan" ani naman ni Javier
"Ginagawa mo pre HAHAHA" sabi ni Gio
"Boss naman hindi agad sinabi.. Isa pa ngang order!" ani ni Zade at lalo kaming natawa
"Zade sumawsaw sa babaran ng sandok" ani ni Gabo at tumawa nanaman kami
"A-ang sakit na ng tiyan ko! Hayop kayo!" sabi ko sa'kanila habang nakatawa
Ilang minuto lang naka order na kaming lahat at may kinakain na. May mga taong nadaan pero 'yung iba lang ang bumibili kay Manong
Bigla nalang nasamid si Seojun ng ikagulat namin
"Oy! Oy! Palamig Boss!" ani ni Seon at binigyan ni Manong si Seojun ng palamig
Anyare ron?
"Hindi ka na nga nag sasalita jan nasamid ka pa" sabi ni Seizures at tumawa kami
"Nasobrahan sa anghang nalagay ko e" ani naman ni Seojun
Bigla namang nag salita si Singco at alam kong may kalokohan nanaman siyang gagawin
"Kanta tayo! Kantahan natin si Boss para may mabenta!" ani niya at tumingin kami sa'kanya
"Pano?" tanong ni Guwon
"Kael give me a beat!" sigaw ni Singco at nag bigay naman ng beat si Kael
Ano nanaman 'to jusko!
"Kikiam liam! Fishball lima! Palamig lima! Bayad bente sukli lima! Kung 'di ka bibili umalis ka na!" kanta ni Singco at napa sapo ako sa noo at tumatawa naman sila
"Eyyy, ohhh!" sigaw naman ni Sebio
Sumali pa talaga!
"Kael ikaw na!" ani ni Singco at siya naman ang nag bigay ng beat
"Ice pop, lollipop! Pag natunaw palpak! Yelo malamig pag natunaw tubig!" kanta ni Kael
"OHHHHWWWW!!!" sabay-sabay nilang sigaw at napatawa si Manong
Wala pang asin 'yan ha!
Nagulat kami ng may mga taong pumunta sa tusok-tusok ni Manong kaya gumilid muna kami. Marami na ngayong bumibili kay Manong siguro naaliw sila sa kanta ni Kael at Singco
Hanep! Gagaling e!
"Ayos ba Boss?" tanong ni Singco at nag thumbs up si Manong
"Ayos! Salamat sa'inyo marami na rin akong mauuwing pang gastos sa pamilya ko" ani ni Manong at ngumiti kami
"Mauna na kami Boss! Bukas ulit!" paalam ni Kael at nag umpisa na kaming lumakad pauwi
Nakarating naman agad kami sa mga bahay namin at condo. Nahiga na agad ako dahil nabusog ako sa kinain kong tusok-tusok. Ilang minuto lang nag half bath ako at nanood saglit
Ilang minuto lang natapos na ang pinapanood ko at nag simula na akong ayusin ang higaan ko at natulog na
++Don't forget to vote, comment and share++
Fb Page : Tambayan ni Heneral Siopao
Fb Group : Mga Tambay sa Lugawan ni Manang
Instagram : @tambayanniheneralsiopao
YOU ARE READING
Ang Mutya ng Section Blue Jays
Teen FictionThe Only Girl in Section Blue Jays Masaya mapunta sa isang Section na puno ng saya, pagkaka-isa at mga hindi mapaliwanag na mga nangyayari sa isa't-isa, na pwede namang pag-usapan ng sama-sama. Problema mo, problema rin namin! Walang iwanan hanggang...