Tharnalie from years ago..
"Damn! Bakit need ko pang pumunta doon, Dad?" naiinis na turan ko sa harap ni Daddy na ngayon ay pinapangaralan ako.
"Because that's your punishment for not obeying me, Tharnalie Nize." Kalmado ang kaniyang boses ngunit seryoso ang kaniyang mukha.
Napabuntong-hininga ako dahil nanumbalik sa'kin ang ginawa kong kasalanan.
Nakulong ako pansamantala dahil nakisali ako sa isang motorcycle racing na hindi ko naman alam na illegal pala dahil napakadaming hiningi na dokumento bago makasali. Na-tripan ko lang namna yun dahil bored na bored na ako sa buhay ko! Pero hindi ko ine-expect na mapapahamak pa 'ko. Yung mga kalaban ko, wala ayun, tumakas. Tanging ako lang ang nahuli dahil litong-lito ako sa nangyari. Hindi ko rin naman inakalang ikukulong ako ng mga pulis na 'yon. Nalaman kaagad nila Daddy na nakulong ako sa presinto dahil kilala ang aming pamilya at apelyido.
Kaya ngayon ay pinapangaralan niya ako dahil lagi niya akong binibilinan na huwag mag-overspeed at huwag na huwag akong makikipag-karerahan sa daan.
"Daddd!! Kahit saan huwag lang doon, Pleaseeee!" pagmamakaawa ko ngunit mukhang hindi ko na mababago ang kaniyang isip. Mukhang desidido na talaga siyang papuntahin ako doon.
Sa isang underground association na ini-sponsoran niya.
'Ano ba kasing mayro'n do'n at inisponsoran pa ni Daddy!'
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na parang business nila 'yon na magkakaibigan. Hindi ko lang alam kung bakit ako ang pinapapunta ni Daddy do'n?
"If hindi mo ko susundin, I'll get rid of your Ducati and I'll split your allowance in half." dugtong niya kaya naman nanlaki ang aking mata.
"Dad???!"
"Hindi na magbabago ang isip ko. It's your choice now, Tharnalie." sambit niya at saka ako tinalikuran.
Naiwan naman akong nakalugmoko sa sofa habang naglalakad na paalis si Daddy.
Impit akong napapikit at saka nagdesisyon.
'Hindi pwedeng mabawasan ang allowance ko at mas lalong hindi pwedeng mawala ang Ducati ko!'
"Okay, Fine! Pupunta na ako, Daddy! Just don't split my allowance!!" turan ko. Napatigil naman si Daddy at saka humarap sa'kin na nakapamulsa.
"Good choice. Pumunta ka doon mamayang 8PM. Alam mo naman kung saan 'yon. And please, huwag kang makikipagkarerahan, Tharnalie. This is your last warning." usal niya at saka ako tinalikuran.
Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang wala na talaga akong kawala sa pagpunta ko doon. Napatingin naman ako sa relo ko at maaga-aga pa naman.
Dahil sa labis na kapaguran ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sofa.
"Anak..Baby..Gising na."
Nagising ako noong naramdaman kong tinatapik-tapik ni mama ang aking balikat. Agad akong napabalikwas sa pagkakahiga ng maalala kong may kailangan pala akong puntahan.
'Shit! Yung underground!'
"Ma! What time is it?!" hysterical na tanong ko kay Mama.
"It's 7:45PM. Wh--"Hindi ko na pinatapos si mama sa pagsasalita dahil mabilis akong umakyat papunta sa aking kwarto upang maligo at magbihis.
Hindi ko alam kung papaanong nagawa kong kumilos ng napakabilis. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone at susi ng aking Ducati nang matapos ako sa pagbibihis.
Tanging black na pants, black na tank top at isan itim na boots ang aking suot dahil kung ano na lamang ang aking madampot sa sobrang pagmamadali.
Nang makababa ako ay sinalubong agad ako ni mama.
"Oh? Saan kaba pupunta at mukhang nagmamadali ka??" takang tanong niya sa'kin.
Sumagot naman ako habang mabilis na naglalakad patungo sa pinto palabas ng bahay.
"Sa undeground, ma! Inutusan ako ni Daddy!" pasigaw kong ani dahil medyo malayo na ako sakaniya.
Hindi ko na narinig ang kaniyang sinabi dahil mabilis akong sumakay sa aking motor ng makalabas ako ng bahay. Dali-dali kong sinuot ang itim kong helmet at mabils na pinaandar ito.
Mabilis lang rin akong nakarating sa lugar kung nasaan ang Underground na sinasabi ni Dad dahil halos maiwan din ang aking kaluluwa sa sobrang bilis ng aking pagpapatakbo para lamang hindi malate sa sinasabi ni Daddy.
Ang underground na sinasabi ni Dad ay nasa ilalim ng isang magadang hotel na sumisigaw ng karangyaan. kaya naman kung hindi mo alam o walang nagturo sa'yo ay talagang hindi mo ito mahahanap.
Nang makasakay ako sa elevator ay mabilis kong pinindot ang Basement 5 button. Ilang segundo lang ay bumukas na ito hudyat na narating ko na ang floor.
Bumungad sa akin ang isang pasilyo na blangko lang ngunit may chandelier ang kisame.

BINABASA MO ANG
SWITCH UP
عاطفيةAll about the switch. The twist. Tannie is a 22-year-old girl living in a condo unit. She lived peacefully, painted neatly, and loved herself tightly. But a twist happened after an expected commotion to her so-called peaceful life. Kung bakit nama...