27: Where the lines meet

1.3K 76 11
                                    

Thank you for the 40k reads! 💖💕 05-09-24 💕

Your votes and comments are highly appreciated ❣️🥹 Thankyou~

Keifer

Inilaan namin ang mga oras na magkasama. Kagaya ng pakiusap ko sa kaniya ay nilisan namin ang lugar na 'yon kahit na hindi hamak na nakalayo na kami nang kaunti sa lugar kung saan ko nakita si tatay kanina.

Ayaw ko lang mabagabag at usigin ng kalooban ko. Ayaw kong paulit-ulit na diktahan ang sarili sa ideyang nandiyan lang si tatay sa tabi-tabi at malaki ang pagkakataon niyang malapitan ako, masaktang muli. Mas maganda kung walang agam-agam at pangamba akong nararamdaman dahul hindi ko alam pero naiisip ko pa lang ang mukha ni tatay ay inuusig na ako ng matinding takot. Kung maaari lang na magtago ako ay gagawin ko, h'wag lang malapitan niya.

Nasa b'yahe kami ngayon ni kuya Damian at mabuti na lang ay bus ang nasakyan namin. Sa bandang dulo niya napiling maupo, nakasunod lang naman ako kanina at siya pa rin ang namili nang aming pe-pwestuhan. Mabuti na lang talaga at walang masyadong pasahero ngayon kaya malayang nahahawakan ni kuya Damian ang kamay ko.

Hindi nakatulong ang matinding kaba sa dibdib ko. Alam kong hindi na ito hatid ng takot ko mula kay tatay kundi sa ibang epekto ni kuya Damian sa akin. Siya ang dahilan kung bakit halos kumaripas ang puso ko sa pagtibok. Para akong nasa karera kahit na nakaupo lang naman ako rito sa tabi niya.

Ako ang nasa pinakagilid ng kinauupuan namin at inukopa niya naman ang tabi ko, sa parteng malapit sa dinadaanan ng tao.

Abala ako sa pagtingin mula sa labas at kumuha ako ng kaunting oras para lingunin si kuya Damian. Gusto ko lang sanang kamustahin siya o magnakaw lang sana ng tingin at saktong namataan ko siyang nakatingin sa gitnang daan ng hallway nitong bus.

Ilang segundo akong nakatitig sa mukha niya, iniidolo ang kag'wapuhan na meron ang nilalang na ito. Ano bang ginawa ko para magkaroon ng kagaya niya?

Nagtataka din naman ako kung anong tinitingnan niya kaya sinundan ko iyon. Wala naman ako ibang nakita kundi iyong konduktor na kasalukuyang kumukuha ng mga bayad ng pasahero.

Ibinalik ko ang tingin kay kuya Damian, nagtataka.

"Mukhang napakalalim naman po niyang iniisip niyo," sambit ko sa kaniya.

Bahagya pa siyang nagulat sa akin. Nilingon niya ako at bahagyang pinisil ang kamay kong hawak niya.

"Naisip ko lang na sana gumaling na si Dama para sa oras na pwede na siyang pumasok sa eskwela ay maranasan niya ang pagiging isang normal na bata. Lagi kong ipinagdarasal na sana pawiin na ni Lord ang sakit na nararamdaman ng anak ko," malumanay niyang sabi sa akin saka siya ngumiti.

Isinandal niya ang kaniyang ulo sa hand bar ng kaharap naming upuan. Muntikan pa akong matunaw nang titigan niya ako kaya ginawa ko rin ang ginawa niya, pinisil ko nang bahagya ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"I-I'm pretty sure, naririnig ni Lord ang prayers mo. Marami naman tayong dumudulog sa Kaniya para sa ikabubuti ni Dama. Kaya h'wag ka masiyadong mag-alala! Gagaling si Dama in the name of Jesus!" malapad ang ngiti kong saad sa kaniya.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa labi niya bagay na mas nagpatunaw ng puso ko. Gosh! Kung hindi lang talaga ako nagpipigil ay baka kanina ko pa siya niyakap! Napaka-gwapo ng sekyu na ito!

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon