"Hi, Hiraya!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Nakita ko si Sean, isa sa mga kaklase ko.
"Oh, Sean, ikaw pala." Saad ko.
Sumabay siya sa akin sa paglalakad sa hallway ng floor namin. "Good morning, Hiraya, wala ka atang kasabay pumasok?" Tanong niya.
"Meron talaga, doon lang sa gate kasi ibang building siya." Sagot ko.
Pumasok ako sa room para maiwasan siya. Umupo ako sa upuan ko. Ilang saglit lang ay bigla siyang lumapit sa akin, kasama si Lanchuel. "Hi, Hiraya!"
"Hello," awkward kong sabi.
Ilang linggo pa lang ako rito, wala akong close sa mga babae kong kaklase dahil parang lahat sila ay bothered sa presensya ko. Ang sama nila makatingin sa akin simula ng mag-umpisa ang klase. Ewan ko ba sa mga 'to. Porke maganda ako.
"Hiraya, may nakapagsabi na ba sa'yong sobra mong attractive?" Tanong ni Sean. Umiling na lang ako para matapos siya, kakaurat e.
Kinuha ko ang binder ko at kunwaring nagbabasa roon, kahit wala talaga akong maintindihan sa pre-calculus lesson namin.
"Gets mo 'yung lesson natin sa pre-calculus, Hiraya? Ako gets ko, gusto mo turuan kita?" Tanong ni Lanchuel.
"'Wag ka ngang sumapaw, lamang ako sa'yo ng 3 points last quiz." Pagmamayabang ni Sean. "Gusto mo turuan kita, Hiraya?"
Umiling na lang ako. Bakit ba ayaw akong lubayan ng dalawang 'to? Hindi ba sila nakakakutob na ayaw ko sa kanila?
Kumuha ako ng ballpen sa bag ko, without looking pa para astig tingnan. Pagkakuha ko ay tinanggal ko ang takip ng ballpen ko, dama ko ang pinupukol nilang titig sa akin. Nang isulat ko ang ballpen ay halos magsumigaw ako dahil walang tinta!
Jusme naman!
"Gusto mo ballpen?" Sabay na alok ni Lanchuel at Sean.
"No, thanks, marami akong ballpen." Saad ko.
Nagiging nonchalant talaga ako kapag ayoko sa kausap ko e.
"Hoy, Sean, Lanchuel! Dito na nga kayo!" Sigaw ni Crimzon, ang babaeng pinaglihi sa watercolor dahil daig niya pa ang kulay ng Ibong Adarna sa dami ng kulay sa kaniyang mukha.
Natahimik ang buhay ko nang umalis si Sean at Lanchuel sa gilid ko. Tiningnan ko ang bag ko dahil titingin sana ako ng ballpen nang maalalang isang piraso lang pala ang pinabili ko kay Kuya sa National Bookstore kaya wala akong ballpen!
Napahawak ako sa aking sentido, kunwari namomoblema sa ballpen, pero okay lang naman talaga sa akin na walang ballpen kasi hindi naman ako nagsusulat ng lesson.
Nasa likod ako kaya hindi nila kita na nag-s-scribble lang ako kapag nag-didiscuss ang mga teacher.
Napataas ang tingin ko sa pinto nang pumasok si President Nimuel. Parang nag-slow motion ang lahat ng bagay sa paligid ko nang makita ko siyang naglalakad papalapit sa kaniyang upuan na malapit lang sa pintuan. Mayroon siyang headphone sa kaniyang tenga, tinanggal niya iyon pero naka-slow motion pa rin sa akin.
Tiningnan niya ang babae niyang katabi, si Mia na mahinhin at hindi man lang nagsasalita. Nag-pout ako nang tumigil ang slow motion dahil tinanguhan niya si Mia.
Bumagsak ang tingin ko sa binder ko. Hindi niya man lang ako tinititigan simula noong first day. Tapos pansin kong palagi siyang nakatitig kay Mia. Nalulungkot ako. Suggest inumin, 'yung mawawala sana feelings ko sa kaniya.
Dumating ang first teacher namin. Wednesday ngayon kaya General Mathematics ang agahan, mamaya General Chemistry naman, merienda iyon sa umaga namin.
Halos umiyak ako dahil wala akong ma-gets sa tinuturo ni Ma'am Dhelvie. Like, 'yung utak ko ay parang saranggola tuwing Math and Science, nag-pa-fly fly na lang.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...