Chapter 33

1.3K 29 0
                                    

Pagkatapos ng debut ko ay tumulong ako sa mga naglilinis para maaga rin silang makatulog. Hinintay pa kasi nilang matapos ang after party ko.

Mga pinsan ko lang naman ang nag-inuman. Hindi nangisali sina Sean dahil kailangan pa nilang bumyahe pauwi sa bahay nila. Pinipilit ko nga silang dito na lang muna since marami pa namang vacant na room, pero hindi naman sila nagpapigil.

Ang mga natira lang sa bisita ko ay iilan sa mga pinsan kong college students. Umalis na rin ang mga Tita kong may aasikasuhin pang business.

Natira naman ang iilan kabilang si Marvin at Nimuel. Si Shia ay hindi ko nakita sa after party, ganoon din si Kuya.

Pagkatapos kong tumulong sa mga naglilinis ay pinuntahan ko sina Shia, Marvin, at Nimuel sa isang gilid. Ihahatid ko kasi sila sa kani-kanilang kwarto.

Si Shia alam naman niya kung saan ang kwarto niya, gusto niya lang magpahatid sa akin.

Si Marvin at Nimuel naman ay hahanapan ko pa ng room. Nakahiga na kasi sa kama nilang dalawa ang Tito ko na lasing na.

"Tara na, hatid ko na kayo sa kwarto ninyo," sabi ko sa kanila.

Sumakbit pa rin sa akin si Shia habang naglalakad kami. Hinawakan ko naman ang kabilang bahagi ng gown ko. Wala iyong bakal sa loob dahil hindi naman siya bongga at simpleng gown lang.

Una kong hinatid si Shia sa kaniyang kwarto. "Goodnight, Hira ko!" Masigla niyang sinabi. "Happy birthday ulit! Sana bongga rin debut ko!"

"Ang layo pa kaya ng debut mo," nakanguso kong sinabi.

Natawa naman siya bago ako niyakap ulit. "Basta," natatawa niyang sinabi nang makaalis siya sa pagkakayakap sa akin. "Goodnight na! Mag-beauty rest ka na. Tingnan mo eye bags mo, ang laki na!"

"Tutulog na talaga ako kaya ikaw, pumasok ka na sa room mo para makaalis na kami!" Singhal ko sa kaniya.

Kumaway siya sandali sa akin bago tuluyang pumasok sa kaniyang kwarto. Makulit ulit siyang kumaway sa akin bago sinarado nang mabilis ang pintuan.

"Tara na," natatawa kong sinabi sa dalawang lalaking kasama ko.

Una kong nahanapan ng room si Marvin. Syaka ko nahanapan si Nimuel.

Pagkahanap ko ng matutulugan ni Nimuel ay humarap kaagad ako sa kaniya. "Dito ka na muna ngayong gabi, bukas din naman ng umaga ay pwede na tayong umalis," sabi ko sa kaniya.

Binuksan ko ang kwarto at pumasok doon. Nang makita ko ang kama na malaki ay parang gusto kong tumakbo roon at matulog na lang.

Pagod na pagod na ako ngayong araw.

Muli akong humarap sa kaniya nang may maalala. "Oo nga pala. May sundo ka ba o sasabay ka sa sasakyan namin?" Tanong ko pa.

"May susundo sa akin," sagot niya.

Tumango-tango naman ako bago naupo sa sahig para tanggalin ang suot kong heels. "Kanina pa ako sa‘yo nagdudusa, tanggalin na lang kita." Pagkausap ko sa heels.

Hindi na ako makalakad nang mabilis kasi sobrang sakit niya sa paa. Tapos natatakot akong biglang matapilok. Minasahe ko ang masakit kong paa at naramdaman kong tumabi sa akin si Nimuel.

"Are you tired?" Tanong niya. Napatingin ako sa kaniya at nakitang mataman niyang tinititigan ang paa ko. Parang sinusuri kung may sugat ba.

"Oo, kanina pa ako umaga galaw nang galaw kasi kailangan," sagot ko naman. "Dapat talaga pinilit ko sina Mama na dinner date na lang kasama mga bisita ko e."

"You let your parents make decisions for you?" Tanong niya.

Tahimik akong tumango. "Wala naman kasi akong magagawa. Ang kulit-kulit ni Mama," sagot ko pa.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon