Nakasuot ako ngayon ng white dress na hanggang tuhod ko, pinaresan ko iyon ng white rubber shoes na medyo mataas. Hindi ako comfortable sa heels kaya rubber shoes na lang. Bagay naman e.
Matapos akong mag-ayos ay bumaba na kaagad ako sa sala dahil kanina pa naghihintay doon si Nimuel.
Naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Mama. Tuwang-tuwa talaga sa kaniya si Mama.
"Nimuel, tara na," yaya ko sa kaniya habang hinahalungkat ang gamit ko sa handbad kong dala.
Lumapit ako sa kanila at tumayo naman silang dalawa. "Sige, alis na kayo. Ingat sa daan. Ingat sa pag-da-drive, Nimuel." Bilin ni Mama.
Hinatid niya kami hanggang sa labas. Naka-park sa gilid ng kalsada ang motor niya.
"Bye, Mama," paalam ko habang pinapaandar ni Nimuel ang sasakyan niya.
"Ingat kayo," saad ni Mama. "Nimuel, hanggang alas-otso lang sa labas si Hiraya."
Tumango naman si Nimuel. "Don‘t worry, Tita. I‘ll make sure she will be here before eight o‘clock," he assured my Mama.
"Sige, ingat kayo, ah." Sabi ni Mama bago humalik sa pisngi ko. "Eighteen na si Nimuel, for sure magkakainuman doon, 'wag kang iinom ka, ha?" Paalala niya pa.
"Ayoko nga po ng amoy ng alak e," rason ko naman.
"Sige, umalis na kayo," sambit naman ni Mama.
Hindi ako sanay na hindi nakasaklang kapag nakasakay sa dalawang gulong na sasakyan kaya kahit naka-dress ako ay sumaklang pa rin ako. Wala namang makikita.
Humawak ako sa balikat ni Nimuel nang paandarin na niya.
Hindi naman sobrang layo ng bahay nila. Nilalakad niya nga lang 'to kapag may pasok. Bumukas ang malaking gate at may iilan ng bisita roon.
Tumigil ang sasakyan ni Nimuel sa pagitan dalawang kotse. Marami-rami ng mga sasakyan ang naka-park doon.
Nauna akong bumaba ng motor bago sumunod si Nimuel. Nakita ko sa hindi kalayuan si Crimzon at Mari na nagkekwentuhan habang nakatingin sa amin ni Nimuel.
Bumalik ang titig ko kay Nimuel nang hawakan niya ang helmet ko bago iharap sa kaniya at tinanggal ang helmet sa ulunan ko.
May hinagisan siya ng susi ng motor bago ako samahan sa loob ng bahay. Pupuntahan ko sana sina Crimzon dahil baka kung ano na ang isipin nila.
Kagabi nagsabi ako sa kanila na hindi ako makakasabay sa kanila dahil may maghahatid sa akin. Hindi ko sinabing si Nimuel iyon dahil baka humaba pa ang usapan namin.
Pumasok kami sa loob ng napakagandang bahay nina Nimuel. Isang malaking chandelier ang nakasabit sa kanilang kisame. Mayroon ding mga pictures na nakasabit sa mga dingding.
Sa kanang dingding ay puro family pictures, graduation pictures niya syaka nung isa pang lalaki na parang kakambal niya dahil halos walang pinagkaiba ang kanilang mukha. Buti na lang may pangalan sa itaas.
Sa kaliwang side ng dingding ay puro sculpture ni Jesus Christ at ni Mama Mary. May mga pigura rin ng mga angels.
Parang palasyo ang kanilang bahay dahil may engrandeng hagdan sa gitna pataas sa second floor.
Napatingin ako kay Nimuel nang magsalita siya. "Why don‘t you mingle with our former classmates outside for a while? I‘ll just change my clothes and then I‘ll join you downstairs." Paalam niya.
Tumango naman ako. Nauna akong naglakad palabas bago siya naglakad palayo. Paglabas ko ay nakita ko ang mga dati kong kaklase na nasa iisang table na mahaba. Halatang para talaga iyon sa amin.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...