"Patapos na akong magbihis. Nasaan ka na?" Tanong ko kay Nimuel sa kabilang linya.
Kanina pa kami magkatawagan dahil ina-update namin ang isa‘t-isa. Napag-usapan kasi namin na magkikita na lang kami sa pinakamalapit na convenience store sa university.
Ngayon ang araw kung kailan kami mag-tatake ng entrance exam. Ihahatid ako mamaya ni Kuya tapos sabay kaming uuwi ni Nimuel.
Nakasuot ako ng pantalon at t-shirt na plain white.
"Nandito na ako sa convenience store," sagot naman niya.
Nakakarinig ako ng mga busina ng mga sasakyan kaya alam kong nandoon na nga.
Agad akong nagmadali sa pagsusuklay dahil iyon na lang ang kulang at pwede na akong umalis. "Bakit ang aga mo?! Ang usapan ay alas-otso!" Sambit ko.
Eight-thirty kasi ang umpisa ng entrance exam namin. Ang balak namin ay same day lang pero naging same time rin. Hindi lang same ang tapos ng exam namin dahil mas marami ang examinees na kasama ko.
"Para ako na lang ang maghihintay sa‘yo," aniya.
Minadali ko na ang pagkuha ko ng mga gamit at sinigurado kong wala akong naiwan lalo na ang ballpen na binili sa akin ni Nimuel. Lucky charm ko na 'yon mula ngayon.
Nagpaalam na ako sa kaniya na babyahe na kami ni Kuya, syaka ko pinatay ang tawag.
Habang nasa sasakyan kami at nag-da-drive si Kuya ay nirerecall ko lahat ng mga inaral ko ng isang buong linggo.
Nag-aral lang ako nang nag-aral kapag walang ginagawa sa bahay. Halos hindi na ako pakilusin ni Mama at Papa sa bahay dahil mas gusto nilang mag-focus ako sa pag-re-review.
Hindi ko alam kung entrance exam pa ba 'to o board exam na. Thrill na thrill sina Mama e.
Inaral ko lahat ng may kinalaman sa medical field. Nag-search ako sa mga website kung ano ba ang dapat aralin kapag mag-tatake ka ng entrance exam.
Hindi kami nakapagkita ni Nimuel, nung araw pagkatapos lang ng practice para sa graduation. 'Yun ang araw na binilhan niya ako ng ballpen.
Sabi niya maganda raw ang tinta no‘n. Hindi bumabakat sa next page. Nagustuhan ko kaagad. Iyon na ang ballpen na ginamit ko habang nag-re-review.
Para sa‘kin lucky charm ko 'yon kasi madali kong nakakabisado 'yung mga kinakabisado ko basta itatatak-tak ko lang siya sa kukote ko habang binabasa 'yung reviewer.
'Yun din gagamitin kong ballpen sa board exam ko at kahit sa pag-re-review ko before finals. Para matataas grades ko.
Kapag grumaduate siyang cum laude, kailangan ko ring grumaduate bilang cum laude. Siya kaya inspirasyon ko.
Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami ni Kuya sa tapat ng convenience store. Agad nahagip ng mga mata ko ang mga mata ni Nimuel na nakatingin kaagad sa akin.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at sinalubong kami ni Kuya. Nag-fistbump muna sila bago humarap sa akin si Nimuel. "The exam will start in just thirty minutes," inform niya sa akin.
Tumango naman ako bago bumaling kay Kuya. "Sige na, Kuya, alis ka na. Baka naman may pupuntahan ka pa." Nanliit ang mga mata ko habang sinasabi iyon.
Tumango si Kuya bago humarap kay Nimuel. "Ikaw na munang bahala sa kaniya. Kahit 'wag mo nang iuwi." Ani Kuya.
"Ang sama mo talaga, kunin ka na sana ni Lord," sambit ko.
"Tagal nga," komento niya.
Inirapan ko naman siya bago lumapit kay Nimuel. Pinasadahan ko nang tingin ang kaniyang likuran. Hinahanap 'yung sinasabi niyang pinsan na sasabay daw sa amin sabi niya.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...