Pagkatapos ng pageant ay may ibang estudyante na pumunta sa kani-kanilang building. Unang laro ang basketball boys. Grade 12 Stem at Grade 12 H.E.
Sumunod ako sa mga kaklase kong bumalik sa aming building. Pagpasok sa room ay hindi ko na lang pinansin si Mia at Nimuel na naghaharutan. Bungad pa talaga ng pintuan, ah!
Tahimik akong naupo sa upuan ko, masamang tinititigan sina Mia at Nimuel. Napairap na lang.
Lumapit sa akin si Sean, Joseph, at Lanchuel. "Oh, bakit nakabusangot ang muse namin?" Pang-aasar ni Joseph sa akin.
"'Wag ngayon, Joseph, baka bumakat ka sa pader," pagbabanta ko sa kaniya bago padabog na tumayo.
Wala naman akong gagawin sa loob ng room. Tapos na ang 2nd semester. Next week naman ang clearance namin.
Naisipan kong lumabas muna at nagtungo sa hindi mataong part ng school. Ang likod ng building ng aming strand. Masarap tumambay doon kapag hapon dahil mahangin tapos tanging huni lang ng ibon ang maririnig.
Umupo ako sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Hindi ko namalayang dala-dala ko pala ang banner. Nilatag ko iyon bago ako humiga.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang marinig ko ang mga dahon na may tumatapak doon. Papalapit ang yapak sa akin hanggang sa makita ko ang pamilyar na mukha.
"Why the muse of stem 11 is here?" Tanong niya.
Kung hindi ako nagkakamali siya 'yung class president ng TVL 1. Umupo siya malapit sa akin, nakahilig sa katawan ng punong mangga.
"Porket muse wala na bang karapatan dito?" Maldita kong tanong.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Is that really how you women are? It's like you always have your menstruation," aniya.
Umupo ako, naiinis pa rin. "Mabait naman ako. Talagang nakakainis lang 'yung nakita ko." Parang bata kong sabi.
"Jealous?" Tanong niya.
Tumango ako. Hindi ko naman itatanggi. Matagal ko nang gusto si Nimuel, wala ng sense kung itatanggi ko. Syaka masama ang magsinungaling.
"Do you have rights?" Tanong niya ulit.
I glared at him. "Hindi ako magkakaganito kung may karapatan ako, bhe. Hindi naman ako magseselos kasi may karapatan ako." Sambit ko.
"Baliktad, weird." Aniya. "By the way, I have to go. May dragon na magagalit."
"Okay," tipid kong sabi.
"Can I asked one question?" Tanong niya.
"Oo, ayan sinagot ko na, pwede ka ng umalis." Sagot ko.
"Not that question," aniya. "Do you have a boyfriend?"
Sinamaan ko ulit siya ng titig. "Ano sa tingin mo, ha?!" Sigaw ko.
Umiling siya. "That's weird, you're pretty but you don't have a boyfriend." Aniya.
"Takot sila sa magaganda," saad ko.
"I have to go now, see you around-whoever you are." Paalam niya bago tumayo at nagpagpag ng kaniyang pants at nag-umpisang maglakad palayo.
Inayos ko ang banner at muling humiga roon. Pumikit ako bago nag-umpisang magpaantok. Hindi in-expect na makakatulog pala ako.
Naalimpungatan ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Tumagilid ako at may naramdaman na may nag-ayos ng kung ano malapit sa hita ko.
Napabalikwas ako dahil sa pagpapanic. Agad ding namang nawala ng makita ko si Nimuel na nakaupo malapit sa akin at nakatingin sa jacket na nasa bandang hita ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Genç KurguForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...