Chapter 45

1.5K 25 3
                                    

Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ulit kami nagkita ni Nimuel. Ganoon din kay Kuya dahil muli silang pumasok sa simbahan.

Hindi ko na gasinong iniisip ang araw na iyon simula nang mag-umpisa na akong mag-trabaho.

Palagi kaming sabay ni Papa mag-tanghalian. Tapos sa gabi naman ay umuuwi kaming dalawa para sabayan si Mama sa hapunan. Paulit-ulit lang iyong araw-araw.

Ganoon din ang trabaho ko. Umpisa sa umaga ay mag-ro-rounds ako sa mga buntis, chine-check ko ang kalagayan nila. Sunod naman ay a-attend ako ng mga check-up. Syaka makikipag-video call para sa mga nasa bahay na buntis.

Hindi nakakapagod ang trabaho ko dahil gustong-gusto iyon. Ang mag-alaga sa mga buntis.

Dahil sa marami akong pasyente ay mukhang marami rin ang magiging inaanak ko nito. Nasa sinapupunan pa lang kasi ang mga baby ay parang gusto ko na agad maging Ninang nilang lahat.

"Ultrasound?" Tanong ko kay Melly, isa sa mga pasyente ko.

Ngumiti naman siya bago tumango. Kasa-kasama niya ang kaniyang asawa. Magkahawak-kamay silang sumunod sa akin papunta sa ultrasound room.

Tinulungan ni Jonas ang kaniyang asawa para makahiga sa mini bed habang inihahanda ko naman ang mga gagamitin ko para sa pag-uultrasound.

Nang matapos sa ginagawa ay nilapitan ko ang buntis at itinaas ang kaniyang daster na suot. Hindi na bago sa akin na makakakita ako ng mga kapwa ko babae na nakapanty, or minsan cycling lang. Syempre buntis sila e. Alangan magsuot sila ng sexy dress.

Una kong nilagay ang warm water-based gel sa buo niyang tiyan. Importante iyon bago gumamit ng transducer. Ang Gel kasi ang pangtanggal ng anumang air pockets sa pagitan ng transducer at balat ng buntis.

Sunod kong nilagay sa tiyan ni Melly ang transducer. Ang transducer naman ay ginagamit para maging sender at receiver ng sound waves. Sa pamamagitan no‘n ay makikita namin ang image ng baby nila.

"Madalas sigurong sumakit ang tiyan mo. Ang likot-likot ng baby niyo e," komento ko habang pinapalipat-lipat ang transducer sa iba‘t-ibang pwesto para masubaybayan namin ang galaw ng baby nila.

"Nararamdaman ko na nga ang pagsipa niya palagi. Ang sakit," natatawang sinabi ni Melly.

Pagkatapos ng ultrasound ay nagpaalam na rin sila na aalis. Naiwan ako sa loob ng room habang inaayos ang mga pinaggamitan.

Napatingin ako sa screen kung saan naka-flash kanina ang image ng baby sa tummy ni Melly. Mapait akong humawak sa tiyan ko. Hindi 'yan mangyayari sa‘kin.

Humawi ang kurtina ng ultrasound room at pumasok ang kambal kong ka-trabaho. Napatingin sila sa kamay kong nakahawak sa aking tiyan.

"'Wag mong sabihing buntis ka na rin, ah," ani Sally.

Umupo naman sa bangko si Sammy. "Paano mabubuntis 'yan, e, wala ngang boyfriend." Komento niya.

"Mag-boyfriend ka na kasi, girl," panghihikayat naman ni Sally.

"'Wag mo 'kong igagaya sa‘yo na hindi nauubusan ng boyfriend." Sambit ko.

"At least healthy living," tumatawa niyang sinabi bago sila nag-apir ng kambal niya.

Umiling na lang ako sa kanila habang nakisali na rin sa kanilang tawa. "Tara na nga lang sa canteen, baka nandoon na si Papa." Yaya ko sa kanila. Sabay-sabay naman kaming lumabas ng office ko.

Magkakatabi lang ang office naming tatlo kaya silang dalawa lang din ang ka-close ko. Palagi rin silang sumasabay sa amin ni Papa.

"May irereto ako sa‘yo," excited na bungad ni Shia sa akin ng gabing tinawagan ko siya.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon