Isang linggo ang lumipas matapos ang defense namin. Puro na lang kami review sa mga subject sa nakalipas na mga araw.
At dumating nga ang araw ng first day of exam. Last exam na ito bago kami tumuntong sa grade 12. Ang mga consistent honor namin ay nanatatiling mga competitive. Pero mababait naman sila.
"Sean," tawag ko sa lalaking katabi kong nag-rereview. Nagtaas lang siya ng dalawang kilay kaya nagpatuloy ako. "Anong ginagawa mo kapag exam? I mean, paanong review?"
Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. "Simple lang, hinahati ko ang subject na madadali at mahihirap," sagot niya. "Kapag madadali hindi ko na nirereview kasi madali naman, kapag mahirap naman, hindi ko na rin nirereview, mahirap nga e. Priority ang peace of mind kaysa rest in peace."
"Kaya pala nagrereview ka ngayon," sarkastiko kong sabi.
"Sinaniban lang ako ng demonyo." Aniya.
Umiling na lang ako bago siya tinigilan. Sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ako nag-review. Mas kailangan ko ngayon ang peace of mind.
Hindi ako nag-review kaya ang ending wala akong halos maisagot lalo na sa PR1. Nanganganib ang kakarampot kong grades, ah. Pero sure naman akong magiging grade 12 ako.
Nang matapos ang exam para sa araw na iyon ay agad akong naglakad papalabas ng room. Hindi ako makamove-on sa mga sagot kong malayo pa ata sa Antartica.
Pinaringgan ko sa Facebook si Sean pagkauwi ko ng bahay. Akala niya hindi ako gaganti.
Isang linggo ang exam naming iyon hanggang sa nag-announced si Sir sa group chat namin na may practice lahat ng may sinalihang sports sa Invictus. Halos lahat ng lalaki sa amin ay sumali, dagdag grades din kasi.
Ang alam ko sumali rin si Nimuel, hindi ko lang alam kung sa basketball, scrabble, chess, volleyball, swimming, track and field, or badminton.
Grabe, ang sporty niya tapos matalino at sobrang pogi pa. Bonus na lang talaga dahil mayaman din e. Tapos ako normal na estudyante lang. Hindi sporty tapos hindi pa matalino.
Para kaming 'yung achiever boyfriend tapos girl at the back na girlfriend. Kaso naalala ko, hindi pala kami. Haist.
Nung sabado ng umaga naman ay pinapunta kami sa school para bumili ng jersey. Sa mga may gusto lang naman. Wala pa akong jersey since birth, hindi naman nagbabasketball si Kuya kaya never pa akong nakapagsuot ng jersey.
Hindi rin ako pinapayagan ni Kuya na pumayag kapag may nag-yaya sa‘kin na gagawin akong muse. Nakakapagsuot daw ako ng jersey pero sobrang iksi naman kaya ayaw niya.
Akala ko makikita ko si Nimuel kasi kailangan lahat ng players may jersey. Hindi ko naman siya nakita, kaya after kong magbayad at magpasukat umuwi na kaagad ako.
Noong lunes ay pumasok ako, okay lang naman daw naka-sivillian basta kung anong color nung strand ay iyon ang kulay ng susuoting t-shirt.
Agad din naman naibigay ang jersey kaya sinuot ko. Nagpalit lang ako ng top pero hindi ko pinalitan ang skirt ko. Maiksi kasi 'yung short, for sure makikita ko si Kuya roon kasi mag-che-cheer sila para sa Humms.
Kakapalit ko pa lang ng jersey at bumalik ako sa room. Nagulat ako nang bigla akong tawagin ng mga kaklase ko. Kalma, naglalakad pa 'ko.
Lumapit ako sa kanila at may dalawang estudyanteng babae ang naka-jersey at nagtanong sa akin. "Ikaw muse nila?" Tanong nung isa.
"Ha?!" Gulat kong tanong. "Hindi ako muse, 'yung muse namin hindi na pumapasok."
"So, ikaw na muse nila?" Tanong pa nung isa.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...