Chapter 39

1.4K 28 3
                                    

"Anak, kain na tayo," mahinang sinabi si Mama habang nakayakap siya sa akin.

"Ayoko po," mahina ko ring sinabi.

Bumuntong hininga siya sa pang-isang daang beses ngayong araw.

Dalawang araw na pala simula nang huling usap namin ni Nimuel. Dalawang araw na rin akong hindi lumalabas ng kwarto ko.

Kahit si Papa hindi ako magawang mapalabas ng kwarto ko para kumain. Alam kong na-mimiss na nila ako na makasalo sa hapag-kainan pero hindi ko kayang lumabas muna ng kwarto.

Ang daming memories sa labas ng kwarto ko.

Sa sala, 'yung mga pagtuturo niya sa‘kin. Sa kusina, 'yung mga pagkakataon na pinapasabay siya ni Mama na kumain ng tanghalian, merienda, at minsan hapunan pa.

Tapos pati rito sa kwarto meron din. Para akong mamamatay sa sakit kapag naalala ko ang lahat.

Partida hindi pa naging kami pero ganito na ako magmukmok.

"Dalawang araw ka nang hindi sumasabay sa amin sa hapag-kainan. Hindi mo rin kinakausap ang Kuya at Papa mo," sambit niya. "pareho na silang nag-aalala sa‘yo, Hiraya."

Mahina akong humikbi dahil naalala ko na naman ang mga sinabi ni Nimuel. Kung alam ko lang na pangarap niya noong bata pa lang siya ay maging pari. Edi sana pinigilan ko ang sarili kong mahulog sa kaniya ng lubos-lubos.

Hinagkan ni Mama ang buhok ko habang pinapatahan niya ako. I‘m so lucky na mayroon akong Mama na katulad niya. Hindi ko pa man sinasabi kung ano ang naging bunga ng pag-uusap namin ni Nimuel ay mukhang alam na niya.

Hindi siya nagtatanong sa akin dahil alam niyang iiyak lang ako kapag kinuwento ko pa.

Nang hindi ako mapilit ni Mama na lumabas ng kwarto ay tumayo na siya para lumabas. Paniguradong pagbalik niya ay may dala-dala na siyang pagkain ko. Hindi ko rin naman nauubos ang dala niya.

May kumatok sa kwarto. "Nakabukas po 'yan," sambit ko.

Nakahiga ako habang nakatalikod sa pintuan ng aking kwarto. May nagbukas ng pinto ay naramdaman ko ang paglapit niya sa aking kama.

Naupo siya ng tahimik sa gilid ng kama ko. Ramdam ko na ngayon ang kaniyang titig. "Are you going to be like this forever, Hiraya?" Rinig kong tanong ni Kuya.

Ipinikit ko ang aking mga mata. "Don't pretend to be asleep. We're going to talk so stand there," seryoso niyang sinabi.

Napilitan akong tumayo dahil sa pagkakaseryoso ng kaniyang boses. Never ko pang narinig na sumigaw o nagalit siya pero may something sa boses niya na mapapasunod ka na lang kasi nakakatakot.

Umupo ako sa aking kama at nagtagpo ang tingin namin ni Kuya. Halo-halong emosyon ang nasa kaniyang mga mata. Lungkot, at pag-aalala.

"Anong pag-uusapan natin, Kuya?" Tanong ko.

"I know why you are like that. Nimuel told me the reason," pag-uumpisa niya.

"I understand why he is walking away from you now. Your dream is different from his dream." Sambit niya. "I told you my dream before, didn't I? To be a priest."

"M-Magsasabay ba kayo ng pasok sa simbahan?" Nauutal kong tanong.

Tumango naman siya bago bumagsak ang aking mga balikat. "We discussed on graduation day that we would take the board exam together, and we would also study for the priesthood together." Sagot niya.

"Bakit parang ang dali lang?" Nag-umpisang mag-unahan ang mga luha ko.

"It is not easy to become a priest if you like someone and want to marry them," sagot niya.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon