Chapter 12

1.4K 33 2
                                    

Hinihila ko ang braso nung bakla hanggang sa aksidente niya akong makalmot kaya napalayo ako sa kanila. Nakita ko namang dumalo si Crimzon pero hindi para umawat pero para makigulo. At the end si Isabella ang umawat katulong 'yung dalawang babaeng Humss. 'Yung isa ko namang kaklase na natutulog lang ay lumabas ng room.

Napahawak ako sa arm chair ng upuan ni Sean habang hawak-hawak ang braso kong may tumutulo ng dugo ngayon.

Nakarinig kami ng mga yabag na papalapit sa room pero hindi naawat 'yung bakla, si Crimzon syaka si Mari. Pumasok ng room si Sir Jay syaka si Ma'am Kaye.

"Mari, Crimzon," tawag nina Sir Jay.

Agad namang nagpaawat silang tatlo. Gulo-gulo na ang buhok ni Crimzon, habang wala na ang dalawa niyang butones. Si Mari naman ay nagdudugo na ang braso dahil marahil nadali rin sa kuko ng bakla. 'Yung bakla wala man lang galos.

"Bakit kayo nag-aaway?" Tanong ni Ma'am Kaye na agad dumalo kay Crimzon para tulungan itong matakluban ang lumalantad niyang dibdib.

Dinuro ni Mari 'yung bakla. "Ayang baklang 'yan kasi Ma'am, ang lakas ng loob na hablutin ako, sila naman ang may kasalanan!" Sigaw ni Mari.

"Nawala lang saglit ang adviser ninyo nakipag-away na kayo Stem 2." Sabi ni Sir Jay.

"Sir, sila ang nanguna," depensa ni Isabella.

"Pinaparinggan niyo kasi kami!" Sigaw nung bakla.

"Ang disrespectful mo kasi," sabi ni Isabella. "Ilang beses namin kayong sinaway kasi nga natutulog 'yung mga kaklase namin pero hindi pa rin kayo natitinag, ang iingay niyo pa rin."

"Stop na, stop na," awat ni Sir. "Umalis ang adviser ninyo kaya bukas natin pag-uusapan ito. Sabihan ninyo ang adviser ninyo, Humss."

Tumango naman sila pero masama ang tingin nung bakla kina Crimzon at Mari. Mahinahon silang kinausap ni Ma'am Kaye kaya naman lumabas na sila ng room. Iniwan na rin kami nina Ma'am at hinabilinan na mag-cheer na lang sa court.

Naupo ako sa isang upuan bago hinayaang magdugo ang sugat ko. Si Mari at Crimzon naman ay lumabas ng room para pumuntang clinic. Kami lang ni Isabella ang nasa loob ng room.

Isa-isang nagpasukan ang mga kaklase naming mukhang narinig na ang nangyari. Bilis talaga ng issue.

"Anong meron? Usap-usapan ang Humss at Stem sa buong school?" Bungad na tanong ni Joseph.

"Nagkainitan lang pero maaayos din naman bukas," sagot ni Isabella.

"Ating section ang issue?" Tanong ni Sean. Tumango naman ako. "Anong buong nangyari?" Nag-kwento naman kaagad si Isabella. Wala akong masabi kasi nagising na lang ako tapos nagkakainitan na sila.

"Ang wa-war freak naman nila," komento ni Lucheal. "Dapat sinabihan mo, Isabella, "1v1 na lang Calculus"."

"Kaya nga," gatong pa ni Sean. "May pa-humanity humanity pang nalalaman, ang a-attitude naman."

"'Wag mong lahatin, hindi naman sila lahat war freak. 'Yung bakla lang talaga ang G na G, akala mo may kiffy." Sabi ko.

Napatingin kami sa pinto nang balabag na pumasok si Crimzon at Mari, nasa likod nila ang iilan naming mga kaklase. Kasama na si Nimuel. "'Wag lang talagang magpapakita sa'kin 'yung baklang 'yon, tatanggalan ko talaga siya ng kaligayahan." Inis na sabi ni Crimzon.

"What happened? Where did it start and where did it end?" Tanong ni Nimuel nang makaupo ang mga kaklase namin na gustong makichismis, nakatayo naman sa harap ni Nimuel.

"Ganito kasi 'yan, Nimuel..." Pag-uumpisa ni Crimzon. "Tahimik lang kami rito, nag-cecellphone lang kami ni Isabella roon sa isang gilid. Tapos itong si Mari, Hiraya, at Joy ay natutulog."

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon