Chapter 19

1.5K 43 11
                                    

Umupo ang mga couple nang matapos ang slow music para sa kanila. Hinila ako ni Mari nang tumugtog ang isang kanta. Pang-party, familiar sa akin dahil mahilig si Mama sa mga ganoong tugtugan.

Pumunta kami sa gitna, kung saan walang mga upuan. Nag-umpisang sumayaw ang mga kaklase ko noon na mga babae habang nasa gitna nila ako.

Bubuka ang bulaklak ba 'to?

"Ooh, you can dance, you can jive~
Having the time of your life~
Ooh, see that girl, watch that scene~
Digging the dancing queen~"

Pagkanta nila habang nakaturo sa akin. Nakikisabay ako sa kanilang pagsayaw. Naririnig ko ang pag-cheer ng mga kaklase naming lalaki noon.

"You are the dancing queen~
Young and sweet, only seventeen~
Dancing queen~
Feel the beat from the tambourine~
Oh, yeah~"

Tinuro nila ako dahil ako na lang ang seventeen ngayong taon. Gusto kong maulit ang ganitong reunion namin. Next year, kapag nag-debut ako ay iinvite ko rin silang lahat para masaya.

Tinapos lang namin ang "Dancing Queen" bago ako lumayo sa kanila at bumalik sa upuan. Nandoon ang mga lalaki at nagtatawanan habang pinapanood ang mga kaklase naming babae sa gitna.

Tumabi ako kay Nimuel dahil doon naman talaga ako naka-upo. "Magaling ka palang sumayaw, Hiraya." Pang-aasar sa akin ni Joseph.

"Hindi, kaya nga sa banyo lang ako sumasayaw. Hidden talent ko talaga 'yon," sambit ko.

"Dapat lang na i-hide," pagbibiro ni Marcuz. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Parang hindi umamin sa akin during valentine's day last year.

Makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin bumabalik sina Mari. Umalis sandali sina Sean, Joseph, at Lanchuel para mag-rest room.

Kami-kami lang nina Nimuel ang natira roon. Pinapanood ko sina Mari na nag-eenjoy sa pagsasayaw. Si Nimuel naman ay tahimik lang sa aking tabi.

"Nimuel," kahit hindi naman ako ang tinawag ay lumingon ako sa lalaking tumawag kay Nimuel.

Tumayo si Nimuel nang lumapit ang dalawang lalaki at isang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong iyon ang kapatid niya tapos ang kasama nito ay ang mga magulang nila.

"Kuya," tawag ni Nimuel bago lumapit dito at nakipag-fistbump.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakita nila akong nakatingin, ang bastos ba kapag hindi ako ngumiti? Ano ba dapat ang ginagawa?! Hindi ko naman alam na pa-meet with his family na pala.

Nang makita ni Nimuel na nakatingin sa akin 'yung kapatid niya ay lumingon siya sa akin bago ako inalalayang makatayo at makaharap sa pamilya niya. Omg!! Meet the family na nga!

"Mom, Dad, Kuya, this is Hiraya, my former classmate," pagpapakilala sa akin ni Nimuel sa pamilya niya. "Hiraya, my family."

Tumango ako sa kanila bago shy na ngumiti. "Hi po," hiya kong sambit.

Ngumiti sa akin ang Mom ni Nimuel. "Hi, ija, your name sounds familiar. Hiraya-"

"Mom," putol nung kuya ni Nimuel. Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. "Hello, Hiraya, I'm Manuel, Nimuel's older brother."

Tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad. Nagpakilala rin sa akin ang Mom and Dad ni Nimuel. "How was your visit here, ija? Aren't you left out?" Tanong ni Tita Mary. Sabi niya kasi Tita na lang tawag ko sa kaniya e.

"Hindi naman po, enjoy din po ako rito," nakangiti kong sagot.

Ngumiti siya sa akin. Hindi makakaila na sa kaniya namana ni Nimuel ang ngiti nito. Ang ganda nung ngiti niya. Mukhang batang-bata pa rin siya dahil sobrang ganda niya.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon