Chapter 48

1.5K 32 0
                                    

"Kuya, turuan mo na kasi ako!" Pagmamaktol ko pagkalabas namin ni Kuya ng kusina.

"Busy nga ako ngayong araw, Hiraya," aniya.

Padabog akong umupo sa couch bago humalukipkip. "At saan ka na naman busy? Palagi ka na lang busy, ah. May girlfriend ka na ba?!" Sigaw ko.

Napatigil si Mama at Papa sa paghaharutan nila dahil sa sinigaw ko. Si Kuya naman ay naiiling na lang habang inaayos ang kaniyang suot sa body mirror.

Kanina ko pa siya kinukulit, gusto kong magpaturo sa kaniya kung paano mag-drive pero hindi niya ako pinapansin dahil aalis siya.

Nag-file na nga ako ng leave for 1 week para maturuan niya akong mag-drive ng kotse, kasama na roon ang binyag ni Mizzy sa makalawa.

'Yung kotse ko ilang linggo ng nakatambak sa garahe. Hindi ko magamit dahil hindi ako marunong mag-drive!

Ayaw naman gamitin ni Kuya kasi pambabae. Hindi ako maturuan ni Papa kasi madalas siyang nasa hospital. Minsan may biglang tawag pa galing hospital kaya hindi ako makapagpaturo sa kaniya.

Si Kuya lang kilala kong marunong mag-drive tapos ayaw pa akong turuan!

"Kuya, please," pinagdaop ko pa ang dalawa kong kamay at nagpa-cute sa harapan niya habang inaayos niya ang sintas ng kaniyang sapatos.

Napabuntong hininga siya bago humarap sa akin. "I'm always busy, Hiraya, you can teach others," aniya.

"Wala nga akong ibang kilala na marunong mag-drive," inis kong sinabi. "Si Shia medyo marunong lang. Baka kapag nagpaturo ako sa kaniya mamatay lang kaming dalawa."

"Ako, may kilala ako," pangingisali ni Papa.

"Oh, may kilala naman pala si Papa. Doon ka na lang magpaturo," ani Kuya.

"Sino naman po?" Kuryoso kong tanong.

"Si Jerome, 'yung bumibisita sa‘yo kada umaga para bigyan ka ng breakfast," sagot niya.

"Jerome?" Tanong ni Mama. "Nirereto mo si Hiraya sa kung sino-sino lang?"

"Hindi naman 'yon kung sino-sino lang," depensa ni Papa kay Jerome. "Mabait, at matalinong bata 'yon si Jerome. Pinakamagaling na surgeon 'yon sa hospital. Pogi at mayaman pa."

"Kahit kasing pogi pa 'yan ng Greek gods hindi ako papayag na siya ang magtuturo kay Hiraya," kontra ni Mama. "Si Nimuel na lang."

"Ha?!" Gulat kong tanong.

Tumikhim si Mama bago nag-iwas ng tingin. "Last week mo pa kinukulit ang Kuya mo para maturuan ka. Hindi ka naman matuturuan ng Kuya mo kaya pinapapunta ko si Nimuel ngayon para siya na lang magturo sa‘yo." Litanya niya.

"Mama?" Dismayado kong tanong.

"Hindi ka ba natutuwa?" Tanong niya.

"Iniiwasan ko nga 'yung tao tapos uutusan mo." Napatampal na lang ako sa aking noo.

"Hindi naman 'yon basta utos. Sinabihan ko siyang magbabayad ka," ani Mama.

Magrereklamo pa sana ako nang biglang tumunog ang door bell sa gate. "See? Ang bilis niyang dumating," nakangising sinabi ni Mama bago tumayo at lumabas ng bahay.

"Si Mama talaga paladesisyon," naiinis kong sinabi bago umupo sa couch.

"Why don't you want Nimuel to teach you? He was also your tutor when you were still studying," ani Kuya.

"Noon 'yon, Kuya. Marami nang nagbago," sambit ko naman.

Bumukas ang pinto at sobrang laki ng ngiti ni Mama habang nakasunod sa kaniya si Nimuel.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon