Chapter 40

1.5K 29 7
                                    

"Hira, anak, gising na," pambubulabog sa akin ni Mama isang umaga.

"Inaantok pa po ako," inaantok kong sinabi.

"Paanong hindi ka aantukin madaling-araw ka na natulog," saad niya. "Bumangon ka na riyan at baka ma-late pa tayo sa Misa."

Mabilis akong napamulat nang marinig ang salitang "Misa". Panaginip ba 'yon o totoo?

Nakitang muli kami ni Nimuel pero parang walang nagbago sa kaniya. Ganoon ang pa rin ang hubog ng kaniyang katawan kahit na ganap na siyang pari.

Umupo ako sa aking higaan. "Ma, anong grade na ako?" Walang kwenta kong tanong.

Napakunot ang noo ni Mama bago napatigil sa paghahanap ng dress sa kabinet ko. "Bakit mo natanong? Hiraya, hindi ka pa nakakapasok ng college." Sagot niya.

Confirmed! Panaginip lang lahat!

Grabe, kinabahan ako kasi akala ko totoong nag-pari na talaga siya. Kaya kong tanggapin pero ang sakit makita, ah. Kahit sa panaginip lang naman 'yon.

"Bilisan mo na riyan," sambit niya bago nilagay ang susuotin ko sa aking kama.

Lumabas siya ng kwarto ko. Tumayo naman ako sa pagkakaupo para pumunta sa banyo.

Dalawang linggo pagkatapos nang naging pag-uusap namin ni Nimuel ay unti-unti akong bumalik sa dati.

Nangako ako sa aking sarili na kahit anong mangyari ay gagawin ko pa ring inspiration si Nimuel para magpatuloy sa goal ko.

Walang gabi na hindi ko siya sinasali sa mga panalangin ko bago matulog.

Pinapanalangin ko na matupad niya ang kaniyang pangarap. Na kahit masakit para sa akin kapag nalaman kong pari na siya ay titiisin ko.

Ganoon ang tunay na pagmamahal. Kailangan mong mag-sakripisyo para sa taong mahal mo. Hindi pwedeng mahal mo lang siya at hindi ka mag-sasakripisyo.

***

Dumating ang unang araw ng pagiging college ko. May mapa ako ng buong university. Nakarating ako sa building ng college of nursing. Karamihan sa kanila ay puro babae.

Ang katabing building naman nila ay college of Engineering na karamihan naman ay puro lalaki. For sure college nila ang magiging pinaka-maingay dahil mga lalaki sila.

Napanganga ako nang makita ang college of Minimally Invasive Gynecological surgery—ang building ko. Shocks, katabi lang ng building nina Nimuel.

Pero okay lang naman siguro iyon? Malayo naman ang field na pinag-aaralan naming dalawa. Hindi kami magkakaroon ng same subject.

Napatagilid ang aking ulo dahil sa iniisip ko. Mukha ko siyang iniiwasan.

Umiling ako sa aking isipin bago pumasok sa building ko. Karamihan sa mga estudyante ay puro may mga salamin na. Kakaaral siguro nila iyan.

Kumpara sa ibang course, sa aming course ata ang isa sa pinakamaliit na bilang ng mga estudyante.

Nang mahanap ko ang aking room ay kaagad akong pumasok. Ang tahimik nila. Mga mukhang hindi makabasag pinggan.

Pinagtinginan nila akong lahat kaya napayuko ako. Naupo ako sa upuan na pinakamalapit sa pintuan para mabilis na makalabas mamayang uwian.

Wala pa naman sigurong gagawin ngayon since first day of school. 'Wag muna silang mang-cu-culture shock. Hindi pa ako ready.

***

Dumating pa ang mga buwan, hindi kami nagkikita ni Nimuel. Tinuring ko iyon bilang sign na kailangan naming maghiwalah ng landas dahil bawal ang pagtingin ko sa kaniya.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon