"Are you going to your end-of-year party?" Tanong ko kay Nimuel nang dumating ang linggo.
Kahapon kasi ay busy siya sa pag-cram ng mga notes niya kaya ngayon ko lang naalalang itanong.
"I am the president, so I have to go, even if I don't want to," sagot niya habang inaayos ang kaniyang mga gamit dahil tapos na siyang mag-notes. "How about you? Are going?"
Nagkibit na lang ako ng aking balikat. "Hindi naman ako mahilig sa mga gano'n," sagot ko. "Naalala mo last year? Hindi ako um-attend ng end-year natin."
"I didn't force you to attend back then. So if you don't want to go, stand by your decision," sambit niya.
Napakamot na lang ako sa aking batok. "Kaso, sa buong section namin ako lang ang hindi a-attend. Parang nakakahiya," saad ko.
"What is embarrassing about not attending?" Tanong niya.
Muli akong nagkibit ng balikat. "Hindi ko alam," sagot ko bago nanahimik na lang.
Nandito kami sa loob ng bahay ko. Madalas na kaming nandito tuwing nag-aaral. Si Mama ang nagdadala sa amin ng tanghalian. Pagdating naman ng hapon ay bibisita muna si Nimuel sa bahay para mag-merienda.
Maaga pang umuuwi si Papa galing hospital para lang makipag-kwentuhan kay Nimuel.
Hindi kasi ma-kwentong tao si Kuya Felestio. Siguro gusto ni Papa 'yung ma-kwentong anak na lalaki. Sawa na siguro siya sa ingay namin ni Mama.
Sa totoo lang, hindi naman ma-kwentong tao si Nimuel. No choice lang talaga siya kapag sina Mama ang kausap.
Pagkatapos namin sa bahay ko ay umuwi na kami sa bahay. Himalang naabutan kong nandoon si Kuya sa kusina at nakiki-join kina Papa sa merienda.
Palagi na lang kasi siyang nasa kaniyang kwarto para mag-aral.
Minsan sumagi na rin sa isip ko. Mag-e-engineering si Nimuel, so, magiging ganoon din siya ka-busy katulad ni Kuya.
Haist, ma-mimiss ko talaga ang pagtuturo niya sa akin kapag college na kami.
Kada narito si Nimuel palaging ang daldal ni Papa. Pero kapag kaming dalawa lang ni Mama umiiling lang siya na parang sawang-sawa na siya.
Kaunti na lang talaga iisipin kong kapatid ko 'tong si Nimuel kay Papa. 'Wag naman, jusme.
***
Dumating pa ang ilang mga araw at nakumbinsi ako ng mga kaklase kong lalaki na um-attend ng end-year party. Kaya ang ending masasama na naman ang tingin sa akin ng mga kaklase kong babae.
Wala naman akong ginagawa e.
Hindi nga nila ako hilig kausapin, hindi ko alam kung bakit. Kahit si Prinzeza na madalas akong titigan ay hindi lumalapit sa akin.
Ewan ko ba sa mga babaeng 'to. As long as wala akong ginagawang masama hindi ko na lang sila kakausapin. Ayaw din naman nila sa akin. Edi ayoko na lang din sa kanila.
"Hindi bagay sa'yo 'yan, anak," sabi ni Mama habang tinutulungan niya akong mamili ng susuotin ko para sa end-year party.
Tanghaling-tapat na at hindi pa ako nakakapili ng susuotin. Dalawang oras na kami rito ni Mama. Kanina pa rin ako pabalik-balik sa banyo para isukat ang mga binibigay na dress sa akin ni Mama, tapos hindi naman babagay.
"Try mo 'tong backless," utos ni Mama bago binigay sa akin ang kumukinang na purple dress.
"Ayoko niyan, Ma, masyadong revealing," sabi ko. "'Yung pwedeng suotan ng bra. Hindi ako sanay na walang bra e."
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...