Chapter 5

2.1K 59 6
                                    

Napagdesisyunan namin para sa 21st century ay doon kami sa subdivision kung saan ako nakatira. Ang magiging temple kung saan ipapadala si Pysche ay ang bahay namin nina Mama na hindi na namin natirhan. Syaka lang nagkakatao roon kapag may reunion ang pamilya.

Nang matapos ang discussion namin sa 21st century ay dumako naman kami sa research, habang nagbabasa ako ng mga pinagsasabi nila sa group chat ay ginagawa ko ang title ng pananaliksik namin nina Sean.

Si Sean ang leader ko sa pananaliksik at ang magaling na lalaki ay iniatang pa sa akin ang pagsasaayos ng paggawa ng title. Mas nauna kaming gumawa sa research pero mas naunang na-approved ang title namin doon kaysa sa pananaliksik.

Hindi ko alam kung anong meron pero mas nahihirapan kaming lahat sa pananaliksik kaysa sa research. May research kasi kami noong last school year sa Math at English kaya siguro mas sanay kami sa English version. Noon kasi sa Filipino puro si Rizal ang pinag-aaralan.

Mamaya si Rizal na gagawin kong paksa-Aha! Ang galing ko talaga! Si Rizal nga ang gagawin kong paksa! Pero sa paanong paraan ko mapapasok si Rizal?

Umiling ako sa aking sarili. "Patay na 'yung tao, Hiraya, 'wag mo na siyang idamay sa kabobohan mo dahil sa wala ka ng maisip na paksa." Pagkausap ko sa sarili.

Nagpatuloy ako sa pag-iisip ng paksa hanggang sa hindi ko namalayang alas-onse na pala ng hating-gabi.

Humikab ako bago ko pinaikot ng isang beses ang swivel chair ko para mawala ang antok ko. Kung sa iba, kape ang pampagising nila. Ako, pag-ikot sa swivel chair ko.

Patulog na sana ako nang biglang may mahinang kumatok sa aking pinto. Nawala ang antok ko at pumasok sa loob ng kwarto ko si Kuya Felestio.

"Ikaw pala, Kuya. Hindi ka pa natutulog?" tanong ko bago ko hinagis ang mga bondpaper na ginawa kong scratch paper.

Lumapit siya sa akin, saglit niyang sinulyapan ang trash bin sa gilid ng study table ko bago niya ibinalik sa akin ang tingin niya. "Why are you still awake?" tanong niya.

"May tinatapos lang, Kuya." sagot ko.

"Can't that be done tomorrow? You have to go to school early tomorrow," he said.

"Bukas ko nga ipapasa, Kuya," sabi ko. "Kailangan ko pang ipa-check sa leader namin, puro rejected."

"You need help?" tanong niya.

Umiling naman ako. "Okay lang, Kuya, kaya ko 'tong tapusin."

Pero syempre eme ko lang lahat 'yon. Mag-aala-una na ng madaling-araw pero hindi pa ako nakakatulog. Tinulugan na rin ako ni Sean at bukas na lang daw niya i-che-check.

Napahawak ako sa sentido ko nang biglang kumirot iyon. Pakshit, kaya ayokong nag-aaral e. It's either I'll passed my grades, or I'll passed away.

Nag-online ako saglit para tingnan kung online ba si Sean. Pero wala ng online kun'di si Nimuel. Napakunot ang noo ko dahil ganitong oras gising pa pala siya. Madalas kaya siyang nagpupuyat? Alam kaya niyang nakakasama sa kalusugan ang pagpupuyat? Kapag siya talaga maagang namatay, sinasabi ko sa kaniya.

Hindi pa man din kami kasal, byuda na kaagad ako.

Dahil gising pa naman siya ay naisipan kong sa kaniya ko na lang ipapa-check ang mga paksang nagawa ko.

Hi, Pres! Pwedeng patulong?
Ayaw mo? Edi 'wag, sino ka ba? 🙄

Nimuel Nathaniel Cuomo
Yes, what it is?

Halos mapatili ako nang mabilis siyang nag-reply.

Tulog na kasi ang leader ko sa
Pananaliksik kaya sayo ko na lang
sana ipapa-check yung mga nagawa
kong titles, pwede ba? 🥺🥺

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon