Alas-otso na ng gabi nakaalis ng bahay si Nimuel dahil inaral talaga namin ang research namin. Dito na rin siya pinaghapunan nina Papa. And for the first time na-meet na niya si Kuya. Close kaagad sila tapos puro about sa simbahan ang pinag-uusapan nila.
Nang paalis na si Nimuel ay hinabilinan siya ni Kuya na bumalik kapag may time para may ka-kwentuhan dahil wala raw akong kwenta kausap. Hmp!
Maaga akong natulog, pagkahatid ko kay Nimuel sa labas ng gate ay tumaas na kaagad ako sa kwarto ko para makatulog na. Gigising na lang ako ng sobrang aga para basahin ulit ang research.
Pagkagising ko ay nasa closet ko na ang formal attire na binili pa ni Mama kagabi. Puro kasi dress ang mayroon ako tapos hindi pa pinapagamit sa akin ni Mama kapag hindi sa simbahan ang punta ko.
Naligo muna ako syaka nag-ayos. Hindi ako nagmamake-up dahil allergic ang mukha ko sa ganoon. Tanging pulbo at lip tint lang ang gamit ko, hindi ko na rin naman kailangan ng mga pampaganda dahil mapula na ang cheeks ko. Makapal din ang kilay ko, tapos mahahaba pa ang pilik-mata ko.
Sinuklay ko ang medyo mahaba ko ng buhok na straight. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na kaagad ako para mag-almusal. Hindi ako nagising sa alarm clock ko kasi naka-snoozed.
Saglit lang akong nag-almusal habang binabasa ko ang research. Nag-search kami kahapon ni Nimuel ng mga common questions kapag research defense, na-practice naman namin 'yung mga sagot.
Nang makarating ako sa school ay kaliwa't-kanan ang may hawak na makakapal na papel. Lahat ng strand ay ngayon ang research defense, magkakaiba lang ng oras. Alangan naman magsabay-sabay sila.
Naglalakad ako sa hallway ng floor namin nang makita ko si Neyo, ang lalaki-este bakla pala na tinulungan ko noon dahil umiiyak siya.
Akala ko noon lalaki siya kasi sobrang pogi niya, 'yun naman pala umaarte lang siyang lalaki kasi ayaw raw ng Papa niya na may bakla itong anak.
Ngumiti siya nang makita niya akong papalapit sa kaniya. Hindi ko na kinuha ang color pink na headset ko sa kaniya dahil madalas niya nang gamitin kapag nag-rereview siya.
"Hi, Hira." Bati niya sa akin nang tuluyan akong makalapit sa kaniya.
"Hello, Neyo. Good morning! Ready ka na sa defense?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.
Tumango naman siya. "I have a good news now," aniya. "About my Dad..."
"Oh, anong meron sa Dad mo? Nasabi mo na sa kaniya na pusong babae ka?" Excited kong tanong.
"Alam na niya na naging pusong babae ako," sagot niya.
Napakunot ang noo ko. "'Naging'? Past tense na 'yon, ah." Saad ko.
Tumango siya habang nakangiti. "Oo, dati pusong babae ako, pero nung makilala ko 'yung isang babae na unang nag-comfort sa akin ng hindi nalalaman ang reason ko, doon ko napagtantong I found my comfort in her." Mahaba niyang sabi.
"Congrats!" Masaya kong sabi. "At least ngayon hindi ka na nangangamba sa Dad mo."
"Thank you, Hiraya." Nakangiti niyang sabi.
May sasabihin pa sana siya pero nakita ko si Nimuel na naglalakad sa hallway. "Sige, congrats ulit, Neyo, bye na pasok na 'ko!" Paalam ko sa kaniya bago kumaway at nagmamadaling tumakbo papalapit kay Nimuel.
"Good morning!" Bati ko sa kaniya. Natawa ako nang makita ang bahagyang pagkagulat sa kaniyang mukha.
"Are you ready?" He asked.
Tumango naman ako bago kami sabay na naglakad papasok sa room. Kumaway ako kay Neyo nang makita ko siyang nanonood sa amin ni Nimuel.
Pagpasok namin ng room ay para silang mga nagdadasal. May mga taong nakaharap sa pader habang may binubulong at may kung ano-anong dino-drawing na invisible roon.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...