Alam niyo 'yung mahirap kapag Stem student ka?
'Yung 1 week rest tapos whole school year stress.
Pangalawang linggo na simula noong bumalik kami sa school ngayong taon at bawing-bawi. Last week nagbibiruan pa kaming buong section kasali ang ibang teacher.
Pero ngayon halos mamura na nila ang mga teacher dahil sa sabay-sabay naman na gawain.
It seems like I see this movie last school year but I did like the ending kasi mas naging close kami ni Nimuel.
"Ang daming activities, nakaka-inspire magpasagana," naiiyak na sinabi ni Eurice.
Wala naman kaming magagawang mga estudyante kun'di magreklamo saglit tapos gagawa naman ng mga pinapagawa.
Tumunog ang bell senyales na tapos na ang break time. Pumasok si Ma'am Ariz. "Good afternoon, class!" Bati niya.
"Good morning, Ma'am," iilan lang kaming bumati sa kaniya pabalik.
Tumatawa siya habang nilalapag sa teacher's table ang kaniyang mga gamit. "Bakit ang lulungkot naman ata ng Stem 1?" At nagawa niya pa talagang mang-asar.
"Kamusta ang buhay estudyante? Kaya niyo pa?" Natatawa niyang tanong. "Nabalitaan ko sa baba na marami nang nagrereklamo sa inyo dahil sa maraming gawain? 'Wag kayong mag-alala, umpisa pa lang 'yan. Mas maraming gawain sa second semester."
"At sinong nagsabing aabot pa ako ng second sem," natatawang sinabi ni Prinzeza.
Mas tumawa lang si Ma'am dahil nahihirapan kami. "Alam niyo, Stem 1. Imbes na mag-reklamo kayo nang magreklamo riyan ayusin niyo ang time management ninyo para hindi niyo kailangan mag-cram," aniya.
"Wala, Ma'am," umiling-iling pa ako. "Thank you po sa mga activities na walang katapusan, sana ako na lang po ang matapos."
Natawa ulit si Ma'am. "'Wag kang magreklamo riyan, 'yung bestfriend mo sa kabilang building ay nagsisikap para matapos kaagad ang mga activity niya." Sambit niya.
Wala namang bago kay Nimuel. Palagi niyang tinatapos kaagad ang mga gawain kapag alam niyang kaya niyang tapusin iyon.
***
Hindi naman nagtagal ang paghihirap naming iyon dahil naghabol lang talaga kami ng mga gawain para sa papalapit na exam.
Mag-eexam na kami mamaya para sa huling exam bago ang second semester. Isang semester na lang after nito. Isa na lang makaka-graduate na ako. Magiging college student na ako na never kong hiniling.
Pagpasok ko pa lang sa room ay lahat sila halos nag-rereview. Kailangan pa palang mag-review. Akala ko hindi na.
'Wag na mag-review, palakasan na lang ng kutob.
Nag-umpisa ang exam namin. Magkakalayo ang mga upuan namin tapos may folder para gawing pantakip upang hindi makita ng malapit sa amin ang sagot.
Buti na lang ako never pang nag-cheat sa mga exam. Okay lang bumagsak at least honest ako. Syaka own answer ko 'yon. Galing sa utak ko-kung meron pa man.
Pagkatapos ng exam ay agad akong pumunta kay Nimuel dahil sure ako sa halos lahat kong sagot sa mga exam dahil ni-review niya ako kahapon.
As in hindi niya talaga ako tinigilan habang hindi ko nakakabisado ang mga kailangang kabisaduhin dahil karaniwan sa exam ay enumeration.
Malapit na ako sa kanilang building nang mapatigil ako dahil nakita ko siyang naglalakad papunta sa building kung nasaan ang room ko. Ayos na sana kaso kasama niya si Reece.
Palagi ko na lang silang napapansin na magkasama. Wala namang sinasabi si Nimuel kapag magkasama kami. Pero syempre paano siya magsasalita about sa kanila ni Reece, hindi naman ako nagtatanong e.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...