Gabi rin ng araw na iyon ay hindi ako makatulog. Iniisip ko 'yung nasa bio ni Nimuel.
Parang hindi ata ako makakatulog kung hindi ko malalaman kung sino si Fel.
Bumangon ako sa pagkakahiga bago kinuha ang naka-charge kong cellphone sa side table. Nag-online ako sa messenger at tiningnan kung sino ang pwede kong makausap na medyo close ni Nimuel.
Lahat naman ng tao sa room namin noon ay kinakausap niya, hindi lang super close.
Tiningnan ko kung sinong mga online ang pwede kong makausap. Sakto naman na nakita ko sa pinakadulo si Mia.
Hindi ko alam kung close ba sila pero si Nimuel lang ang kinakausap ni Mia sa room dati, so baka close sila.
Naging friends kami sa facebook ni Mia dahil kailangan ko siyang i-add sa gc noon, pero never pa kami nagkaroon ng conversation.
Para sa ikatatahimik ko ay nag-first move na ako sa kaniya.
Hi Mia!
Mia Llannela
Hello, Hiraya!May itatanong lang sana ako
Mia Llannela
Sure, ano 'yon?Nagdalawang-isip pa ako kung magtatanong ba ako. Pero no choice ako. Kaysa hindi ako makatulog ngayong gabi, lulunukin ko na lang hiya ko.
Close ba kayo ni Nimuel?
Mia Llannela
Bakit mo naman natanong?
Btw, medyo close kami, bakit?May kilala ka bang kakilala niya
na Fel ang pangalan?Mia Llannela
Fel? Wala bang kasunod 'yan?Napaisip din ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko rin alam kung may kasunod pa ba 'yon.
Wala, Fel lang talaga
Mia Llannela
Sorry, Hiraya, pero wala akong
kilala na kakilala niyang Fel
ang pangalan. Wala rin siyang
taong tinatawag na ganoon.Ayy, gano'n ba? Sige thank you!
So, sino si Fel?!
Mia Llannela
Actually, ikaw lang ang kakilala
kong may Fel sa pangalan mo,
pero hindi ka naman niya
tinatawag na ganoon.Fel? Second name ko ang may ganoon. Felestine.
Napatigil ako sa pagkakatanto kong iyon. Posible bang ako iyon? Pero imposible naman. Bakit naman niya ako ibi-bio. Wala naman siyang pake sa'kin.
Binalik ko na lang sa pagkaka-charge ang cellphone ko bago humilata sa kama ko. Nagkatitigan kami ng kisame hanggang sa mainis ako dahil kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko.
Gumulong ako sa kama at pumulupot sa akin ang kumot ko hanggang sa malaglag ako sa kama.
Mahina lang naman iyon syaka nakabalot ako sa kumot kaya hindi masakit. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakapulot sa akin ng kumot ko. Nang matanggal ko ay bumalik muli ako sa kama.
Minabuti ko na lang na hindi na isipin ang bagay na iyon. Natulog na lang ako nang sapilitan.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Mama dahil magsisimba kami. Syempre, hindi dapat kami kulang. Kahit busy si Kuya ay isinantabi niya muna ang ginagawa para makasama sa amin. Ganoon din si Papa.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...