Chapter 30

1.3K 25 6
                                    

Naglalakad na kami ngayon ni Sean pabalik sa building namin. Tahimik lang siya sa aking tabi hanggang sa mapatigil kami sa paglalakad. Bumaling ako sa lalaking naglalakad papalapit sa amin ni Sean.

Tumingin sa akin si Sean bago siya nagsalita. "Nandiyan na siya," sambit niya. "Alis na 'ko."

Hindi na ako nakapagsalita nang tumalikod na siya sa akin para maglakad papalayo. Nilagpasan niya si Nimuel.

Naglakad papalapit sa akin si Nimuel. "Anong pinag-usapan niyo?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako dahil parang hindi tama na i-kwento ko sa ibang lalaki ang pag-amin sa akin ni Sean. Poprotektahan ko pride niya. Wala namang lalaking gugustuhin malaman ng ibang lalaki na umamin sila.

"Are you sure?" Tanong niya pa. Tumango naman ako kaya nakumbinsi ko siya.

Sabay kaming naglakad papunta sa building ng room ko. Wala namang papasok na teacher kasi Valentine's week kaya ayos lang na mag-overtime kami sa labas.

"Maaga ang uwian ngayon. Ihahatid kita hanggang sa bahay niyo," saad niya habang naglalakad kami papuntang canteen.

Tumango naman ako. Pagpasok namin ng canteen ay hindi ko inaasahang makikita roon si Sean, Joseph, at Lanchuel.

Nang makita nila kaming pumasok ni Nimuel nang sabay sa canteen ay kumaway silang tatlo sa akin-na parang hindi umamin kanina ang isa sa kanila.

Kumaway ako pabalik sa kanila at ngumiti para malaman ni Nimuel na wala lang 'yung napag-usapan namin kanina ni Sean.

Umupo kami ni Nimuel sa lamesang hindi kalayuan sa lamesa nina Sean. Nakita ko siyang nakatingin sa akin, pilit na ngiti naman ang binigay ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin. Masama na ang mukha ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako dahil kahit sino naman na makakitang may kasama iba 'yung crush nila ay talagang magagalit o magseselos.

'Wag ko lang talagang may makitang kasamang iba si Nimuel. Gagi, masakit 'yon.

Tumayo si Nimuel para pumunta sa counter at bumili nang makakain namin.

Pagbalik niya ay may dala-dala na siyang dalawang bottled water syaka dalawang sandwich. Sa totoo lang, hindi talaga ako mahilig sa sandwich pero siya na ang bumili kaya kakainin ko pa rin.

Nang matapos kami sa canteen ay nagpaalam na akong babalik sa room, ganoon din siya kaya hinatid na niya ako sa tapat ng classroom ko.

Pumasok ako sa room ko at naupo sa upuan ko. Matutulog na lang sana ako nang biglang lumapit sa akin si Prinzeza. Galing sa labas ang kaniyang tingin.

"Boyfriend mo ba 'yon?" Casual niyang tanong sa akin.

Umiling ako sa kaniya. "Kaibigan ko lang 'yon," sagot ko naman.

Nag-make face siya sa akin, mukhang hindi naniniwala sa sagot ko. Edi 'wag siyang maniwala. Hirap sa mga tao ngayon, may nakita lang na kasama mo palagi, boyfriend mo kaagad.

"Ang swerte mo naman pala sa kaibigan mo," natatawa niyang sinabi. "Hinahatid-sundo ka niya rito sa room."

Sabihin ko sana na bilin din naman iyon ni Mama at Papa para palagi akong may kasabay umuwi dahil hindi kami same ng schedule ni Shia. Pero naalala ko hindi pala kami close nitong si Prinzeza.

Madalas ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin pero parang jina-judge niya ang buo kong pagkatao kaya medyo ilag ako sa kaniya.

"Alam mo, Hiraya, hindi kayo bagay," sambit pa ni Prinzeza.

Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. Never pa akong nakipag-usap sa mga taong nagkakagusto kay Nimuel, ito pa lang ang una. Halata naman kasing gusto ni Prinzeza si Nimuel. Tss.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon