Chapter 20

1.6K 30 0
                                    

Madaling lumipas ang isang linggo. Wala namang bago sa routine ko. Kapag may pasok ako maaga akong ginigising ng alarm clock ko. Kapag nakalimutan kong mag-alarm clock, bunganga ni Mama ang gumigising sa akin.

Pagkarating ko naman sa school ay uupo lang ako roon. Kapag may quiz sa mga subject si Sean ang nagpapaalala sa akin. Tapos nirereview niya pa ako.

Hindi ako manhid para hindi maramdaman na may nararamdaman sa akin si Sean. Pero siguro infatuation lang iyon. Mawawala rin kaagad 'yung nararamdaman niya sa akin once na mag-college na kami. For sure, hindi na kami magkaklase no'n.

Tuwing hapon naman ay palaging naghihintay sa akin si Nimuel kapag mas maaga ang labas niya. Tuwing ako naman ang maagang umuuwi ay hindi na ako naghihintay sa kaniya. Iyon naman ang bilin niya sa akin.

Kaysa maghintay pa raw ako ng isang oras sa labas ng room nila ay gamitin ko na lang 'yon para maglakad at maagang makauwi.

Minsan din kaming nagsasabay kumain sa canteen, kapag nagbe-break lang ako. Kapag may time pa sandali niya akong tuturuan.

Kahapon lang ay tinulungan niya kami ng mga kaklase kong cleaners na maglinis para mas mapaaga ang uwi namin.

"Good morning, anak," bati sa akin ni Mama pagkababa ko sa kusina.

Nag-unat muna ako. "Good morning, Ma." Bati kong pabalik.

"Kakaalis lang ni Nimuel," para akong nagising dahil sa kaniyang sinabi.

"Po? Ang aga naman niyang pumunta," taka kong sinabi. "Saan daw po siya pupunta?" Tanong ko pa.

"Sa bahay mo, kung saan kayo nag-shooting noon. Binigyan ko siya ng susi para makapasok sa bahay," sagot ni Mama.

Napatulala ako nang maisip kong mayroon akong mga pictures sa sala na kakalagay ko lang last month!

Masyado na akong maraming picture frames sa kwarto ko kaya nilagay ko roon sa sala. Wala namang pumupunta roon at wala pang planong mag-reunion ang pamilya ko kaya tinambak ko roon.

Hindi ko naman alam na papapuntahin ni Mama roon si Nimuel! Makikita niya ako noong bata pa ako! Kakaiyak! Para pa naman akong yagit sa ibang pictures! 'Yung picture ko lang ata nung nag 5 years old ako ang matino roon e.

"Bakit mo naman pinapunta roon, Mama?" nagmamaktol kong tanong.

"May bisita ako mamaya, bawal kayo rito dahil hindi kayo makakapag-focus," katwiran niya. "Kayong dalawa lang naman doon sa bahay kaya makakapag-focus kayo."

"Mama naman," sambit ko pa.

Natawa naman siya bago niligpit ang pinagkainan niya. "Wala namang mangyayari sa inyong dalawa roon, wala sa mukha ni Nimuel ang gawan ka ng masama." Confident niyang sabi.

"Wow, kilalang-kilala si Nimuel, ah. Anak mo ba 'yon, Mama?" Sarkastiko kong tanong.

Ngumiti siya ng malaki sa akin. "Soon, kapag nagpakasal na kayo," natatawa niyang sagot.

"Never 'yan mangyayari," sabi ko.

"Ayy bakit? Hindi mo na siya crush?" Nang-aasar na tanong ni Mama.

"Crush! Pero wala akong chance sa kaniya. Mukha ni Nimuel, mukha ng mas uunahin pa ang pangarap niya kaysa mag-asawa," sambit ko.

Nagkibit lang siya ng kaniyang balikat. "Kumain ka na riyan at puntahan mo na sa bahay mo si Nimuel. Baka naiinip na 'yon," sambit ni Mama bago ako naupo.

Tahimik akong kumain ng breakfast. Pagkatapos ko ay ako na rin ang nagligpit. Pagkatapos ko ay dumaretso na ako sa kwarto para makaligo at mapuntahan na si Nimuel.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon