Chapter 32

1.2K 24 0
                                    

Pagkatapos ng cotillion dance ay nagkaroon ng welcome remarks na sinundan ng toast, kung saan ang mga Tita, Tito ko na hindi kasali sa 18 roses and candles ang magbibigay sa akin ng kanilang short message.

Si Mama ang huling nagbigay sa akin ng message. "Hi 'nak," nangilid kaagad ang luha ko sa una pa lang na sinabi ni Mama.

"Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa nasa itaas dahil ikaw ang binigay niya sa amin. Hindi ka man nasundan pa—katulad ng plano namin ng Papa mo, sobrang okay naman na kami na dalawa lang kayo ng Kuya Felestio mo."

"Hindi kami nagsisisi na ikaw ang naging bunso namin. Sobrang worth it mong pag-alayan ng mga bagay-bagay. Deserve mo lahat ng mabubuting bagay sa mundong 'to, Hira."

"Ang Papa mo ang nagbigay sa‘yo ng pangalang Hiraya, na ang ibig sabihin ay pangarap."

"Pangarap ng Papa mo na magkaroon ng babaeng anak, habang ako naman ay pangarap na magkaroon ng lalaking anak na dalawa."

"Naalala ko noon na nagtatalo pa kami ng Papa mo sa magiging gender ng sunod naming anak."

"Hiniling ko talaga na lalaki para lumaking kasing-pogi ni Kuya mo. Pero tinupad Niya ang hiling ng Papa mo. Na magkaroon ng babaeng anak."

"Ikaw ang sumagot ng pangarap na iyon ng Papa mo."

"At isa pa, kaya Hiraya ang pinangalan niya sa‘yo para kung ano man ang pangarap mo sa buhay ay maabot mo."

"Waterproof daw po 'yung make-up kaya okay lang na umiyak 'yung debutante," umurong ang luha ko nang biglang umeksena ang emcee.

Pagkatapos ng message ni Mama ay nagkaroon ng break dahil kinakailangan kong lumabas kasama si Kuya para makapagbihis na ng bagong gown.

Bumalik din naman kaagad kami sa loob pagkabihis ko. Hindi nila ginalaw ang make-up at buhok ko. Tanging heels—na lumiit ng kaunti ngayon ang suot ko. Kulay crimson naman ang gown na suot ko, habang may crimson crown ako sa ulo.

Pagdating namin doon ay nakapila na ng magkakasunod-sunod ang mga 18 roses. Una si Kuya na susundan ng mga lalaki kong pinsan at mga lalaking kaklase.

Pang-seventeen si Nimuel at last dance ko si Papa.

Dinala ako ni Kuya sa gitna at kinuha sa organizer ang isang rose. "And now, we will watch the heart-melting dance of our debutant with the important men in her life," anunsyo ng emcee.

"She will start the dance with her only older brother, followed by the debutante's cousins, classmates, and friends. The last dance will be with her loving father."

Pagkatapos iyon sabihin ng emcee ay tumugtog ang mabagal na kanta na hindi pamilyar sa akin. Binigay ni Kuya sa akin ang rose syaka niya kinuha ang dalawa kong kamay para ilagay sa kaniyang balikat. Nilagay naman niya ang kaniyang dalawang kamay sa bewang ko at nag-umpisa kaming sumayaw ng mabagal.

Nagpatuloy ang mabagal na kanta sa tatlo ko pang sumunod na mga pinsan.

Matapos ang mga pinsan ko ay tumugtog ang familiar na kanta ng One Direction. Lumapit sa akin si Marvin. Wala pa ring pinagbago ang ekspresyon niya; seryoso pa rin iyon at mukhang wala sa kaniyang dictionary ang ngumiti kahit ngayon man lang.

Nagsimulang tumugtog ang 18 ng One Direction. Ibinigay sa akin ni Marvin ang rose. Mabagal kaming sumayaw katulad sa mga naunang rose. Sinulyapan ko ang susunod at nakita si Joseph na. Susundan ni Lanchuel, at Sean. Syaka si Nimuel at huli si Papa.

Nagbago ang kanta nang si Sean na ang magsasayaw sa akin. Tumugtog ang Shut Up and Dance ng Walk The Moon.

Binigay niya sa akin ang rose. "Gawin natin 'yung nasasabi sa lyrics, ah!" Malakas niyang sabi dahil nangingibabaw ang tugtog syaka ang tili sa buong paligid.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon