Chapter 21

1.5K 26 1
                                    

Ako ang kumuha ng tanghalian namin sa bahay. Alam na rin ni Mama na nagpatuloy ako ng matandang lalaki sa bahay ko. Wala naman siyang sinabi dahil busy siya sa mga bisita niya.

Pagkarating ko sa bahay ay natutulog na sa couch ang matandang lalaki. Ngumiti ako sa kaniya saglit, nakakatuwa lang na makitang nagpapahinga 'yung isang katulad niya.

Dumaretso ako sa kusina at naabutang nag-aaral doon si Nimuel. Nang makita niya ako agad siyang tumayo para kumuha ng mga plato at kutsara't-tinidor para makakain na kami.

Naupo ako sa kaniyang tabi syaka ko nilapag sa lamesa ang paper bag na may laman na pagkain namin. Sinobrahan ko iyon, good for three persons.

"Nimuel," tawag ko sa kaniya habang pinaglalagyan niya ako ng kanin sa plato ko.

"Hmm?" Himig niya.

"Pwedeng favor?" tanong ko pa. "Pwede ba nating samahan 'yung matandang lalaki mamaya? Samahan lang natin siya hanggang sa makapagbenta siya ng kalakal sa junkshop."

"Okay," tipid niyang sabi. "Let's eat."

Nag-umpisa kaming kumain. Pinagtira ko sa isang plato ang matandang lalaki, para kakain na lang siya pagkagising niya.

Pagkatapos naming kumain ni Nimuel ay nagtulungan kaming magligpit. Siya ang nagligpit ng lamesa at ako naman ang naghugas ng mga pinaggamitan namin.

Pagkatapos kong maghugas ay pumunta ako sa sala para tingnan ang matandang lalaki roon.

Mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya. Humiga ako sa katapat na couch kung saan siya natutulog. Ginawa kong unan ang dalawa kong kamay at ipinikit ang mga mata ko.

Maya-maya ay naramdaman ko ang marahang pagtapik ng kamay ng kung sino. Mahina akong umungol bago tumalikod. "Hiraya, wake up," narinig ko ang boses ni Nimuel.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at humarap kay Nimuel na nakaupo sa tapat ko. "Anong oras na?" Mahina kong tanong.

"Four-fourty," sagot ni Nimuel.

Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa couch. "Nasaan 'yung matanda?!" Gulat kong tanong.

"Nasa kusina," sagot niya. "Kakagising niya lang."

Napahinga naman ako ng maluwag. Akala ko umalis na siya e.

"Maya-maya samahan natin siya, ah," saad ko. Tumango naman siya. "Pagpahingahin muna natin siya pagkatapos niyang kumain."

Nakita ko ang mga gamit namin na nasa kabilang couch na. "Tulungan mo siyang magbitbit nung sako, ako na lang sa mga bag natin." Sabi ko pa bago tumayo at inayos ang sarili ko.

Napakadakila ko talagang tulugin. Ilang segundo pa lang akong nakapikit tapos nakatulog kaagad ako.

Naupo siya sa kaninang hinigaan ko bago ako pinanood kung paano magtali ng buhok ko. Hindi na ako naiilang sa mga titig niya. Actually, komportable ako kapag siya ang tumitingin sa akin.

Kapag ibang lalaki, nababastusan ako. Wala akong magagawa, favoritism ang pakiramdam ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko bago nag-scroll sa facebook ko habang hinihintay lumabas ng kusina ang matanda.

Pumunta ako sa kabilang dulo ng couch dahil iistalkin ko siya. Muli kong nakita ang bio niya. Hindi pa rin nagbabago. Iyon pa rin iyon.

Natatandaan kong tinawag niya akong Fel, tapos nag-sorry pa siya. Napatanong ako noon sa sarili ko kung sino ba iyong Fel. Mag-aassume sana ako na ako iyon pero nag-sorry siya e.

Sa pagkakaalam ko naman wala siyang ginawang masama sa akin para mag-sorry.

Nakalimutan ko rin siyang itanong kinabukasan kung sino si Fel. Kaso nahiya ako, baka private kung sino si Fel.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon