Chapter 44

1.4K 26 4
                                    

"May ibang tao sa bahay niyo?" Tanong ni Shia habang nasa biyahe kami.

Hindi ko na lang tinanong 'yung tungkol sa sleeping pills kasi natural lang naman 'yon sa mga tao. Syaka minsan nahihirapan talaga siyang matulog sa gabi.

Napaisip ako sa tanong ni Shia. Ibang tao sa bahay? Si Mama at Kuya lang naman ang nandoon. Walang ibang tao.

Umiling ako kay Shia. "Wala naman, kami-kami lang nina Mama, bakit?" Tanong ko naman.

Nagkamot siya sa kaniyang ulunan. "Pwedeng doon muna ako? Makikikain lang ng tanghalian?" Tanong niya bago nagpungay ang kaniyang mga mata.

"Wala ka bang bahay?" Tanong ko sa kaniya.

"Kung sariling bahay, syempre wala, nangungupahan nga lang ako e," sagot niya.

"Tss," komento ko bago naman pumayag na roon na siya sa bahay namin mag-tanghalian.

Nang makarating kami sa bahay ay halos magtatalon-talon siya dahil sa sobrang saya niya. "Yehey! Ngayon na lang ulit ako nakabisita rito," tuwang-tuwa niyang sinabi.

Binuksan ko ang gate at nagtuloy-tuloy kami sa loob ng bahay. Pagdating sa kusina ay nandoon si Mama. Mukhang hindi pa nagluluto.

"Tita!" Malakas na sigaw ni Shia na halos umabot hanggang sa labas, at rinig hanggang sa pangatlong palapag ng bahay.

Tinakbo niya ang distansya nila ni Mama at mahigpit niya itong niyakap na parang Mama niya ang Mama ko.

"Kasama mo pala si Shia?" Medyo gulat na tanong ni Mama bago bumitaw si Shia sa yakapan nila.

"Bakit parang ayaw mo, Tita?" Nag-tunog bata na naman si Shia.

"Hindi naman, masaya nga ako at may time kayong magkita ni Hiraya," sagot ni Mama.

"Aksidente niya lang akong nakita sa canteen ng hospital, tapos nagpalibre ng pamasahe papunta rito at makikikain na rin daw siya ng tanghalian," litanya ko.

"Buti naman kung ganoon," ani Mama. "Mas mabuti nang nandito ka, Shia, hindi pa naman ako nakakapagluto kaya tutulungan ninyo akong dalawa."

"May alam na po si Hira ko sa pagluluto, Tita?" Gulat na tanong ni Shia.

Pabiro akong umirap sa kaniya.

"Tuturuan natin siya," natutuwang sinabi ni Mama.

Pinagsingkitan ko naman silang dalawa ng aking mga mata.

"Tara na sa kusina," yaya ni Mama. Sumunod naman kaagad kami ni Shia.

Pagkarating namin doon ay wala pang nasisimulan si Mama. "Wala pang sinaing, Ma?" Tanong ko.

"Wala pa, nasira kasi bigla 'yung rice cooker natin." Sagot niya habang naggagayat ng mga sibuyas para sa lulutuin niyang menudo.

"Ako na lang po magsaing," sambit ko bago kinuha ang kaldero ng rice cooker.

"Hindi ka pa ba tataas para magpalit ng damit mo, anak? Pahiramin mo na rin itong si Shia ng damit mo," sabi ni Mama.

"Mamaya na po after nating kumain." Sambit ko naman.

Tumango-tango si Mama bago nagpatuloy sa ginagawa. Tinutulungan na siya ngayon ni Shia.

Hinugasan ko ang bigas bago iyon isalang sa kalan. Naupo naman ako sa upuan na katabi ng kinauupuan ni Mama. Nasa harap naman namin si Shia.

"Ang Kuya mo, tumawag na ba sa'yo? Ngayon ang uwi niya, hindi ba?" Tanong ni Mama.

"Opo, tumawag na siya kanina," sagot ko naman. "Ang sabi niya malapit na raw sila."

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon