"What‘s this?" Sinamahan ako ni Nimuel sa kwarto ko para samahan ako sa pagtulog pero ang hindi ko alam ay may plano pala siya.
"Mga papel?" Tanong ko kahit obvious naman na papel 'yon!
Pumikit siya. Pinipigilan na gustong kumawala na galit sa loob niya. "Of course, it‘s a paper. But not a normal paper," mariin niyang sinabi.
"E? Ano ba kasi 'yan?" Tanong ko naman. "Akin na nga titingnan ko ang loob." Akma kong kukunin sana ang papel pero kaagad niyang itinaas kaya hindi ko na abot.
"Blood tests, pelvic exam, and physical exam, and inside that drawer have your ultrasound," sagot niya.
Pinanlamigan ako ng katawan dahil sa kaniyang sinabi. Hindi kaagad ako nakabawi kaya muli siyang nagsalita.
"You have PCOS, right?" Tanong niya.
Wala sa sarili akong tumango.
Napaupo ako sa gilid ng kama ko habang nakatulala.
Inuwi ko rito ang result ng mga ginawang pagsusuri sa akin ng isa pang doctor na nilapitan ko kasi baka mali ang paggawa ko kaya nag-double check ako. Pero ganoon pa rin ang resulta.
Inuwi ko rito dahil madalas maghalughog ng mga gamit ko ang kambal na doctor. Ayokong malaman nila dahil alam kong kakaawaan nila ako.
Kaya sinasabi ko na lang na ayokong magka-boyfriend para umasa talaga silang hindi ako magkakaanak.
Talagang nasa akin ang problema.
Lumuhod si Nimuel sa harapan ko, nilapag niya sa sahig ang mga papel bago hinawakan ang dalawa kong kamay na nakapatong sa hita ko.
"Is that stopping you from saying you love me too?" Tanong niya. Hindi ako sumagot. "Hiraya..."
"Does anyone else know about this besides you? No one at home with you knows that you have PCOS. Why are you keeping it a secret?" Tanong niya ulit.
"K-Kasi alam kong kapag sinabi ko sa kanila, mas hahanapan nila ako ng lalaking okay lang kahit hindi magkaanak 'yung asawa," sagot ko.
"Will you look?" Tanong niya.
"Hindi ako tanga," sagot ko naman. "Walang lalaki na magiging masaya sa babaeng hindi siya mabigyan-bigyan ng anak."
Nagkibit siya ng kaniyang balikat. "I think I'll enjoy it more if my wife doesn't get pregnant? I mean, It's okay even if we have sex every night," aniya.
Hinampas ko ang kaniyang balikat. Tumawa naman siya na akala mo may nakakatawa. "Ang bastos mo na, Father," pang-aasar ko sa kaniya.
Sumama ang tingin niya sa akin. "Engineer," pagtatama niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Engineer?" Tanong ko.
"I have already decided last night, I will not continue to be a Priest. I will marry you, Hiraya," seryoso niyang sabi.
"Sure ka na ba?" Tanong ko. "Parang ang bilis kasi natin. Chapter ano na ba tayo?"
"Chapter 5 siguro," sarkastiko niyang sagot.
"Okay, fine, seryosohan na nga," sambit ko.
"Sure ka na bang hindi ka tutuloy sa pagpapari mo? I mean, that‘s your dream—"
"My former dream," pagputol niya sa akin.
"Baka naman kaya ka umurong kasi alam mong may chance ka sa‘kin?" Tanong ko pa.
Umiling naman siya bago mas lumapit sa akin. Dahil matangkad siya, kahit nakaupo na ako sa kama at nakaluhod lang siya ay mas mataas pa rin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...