Pagkapasok ko nang bahay ay nakita ko sila Mama na nasa sala. Lahat sila ay may pinagkakaabalahan sa cellphone. Sumisigaw pa si Mama habang kausap niya ata si Miztieh sa cellphone.
"Ma..." Mahina kong tawag na ikinatigil nilang lahat sa ginagawa.
Sabay-sabay silang napalingon sa akin. Hindi ko pa inaasahang nandoon sina Tita Mary.
"Hiraya!" Sigaw ni Mama bago niya tinakbo ang pagitan naming dalawa.
Niyakap niya ako nang mahigpit. Bumagsak ng sunod-sunod ang mga luha ko. At muli, umiyak na naman ako katulad nang pag-iyak ko kanina habang ginagawa iyon ng mga lalaki.
Humihingi ng saklolo. Nagmamakaawang tulungan ng kahit sino man.
Lumapit sa amin si sina Papa. Napatulala si Kuya nang makita niya ang kalagayan ko. Sunod-sunod naman ang naging mura ni Papa. Hindi siya palamura at ito ang unang beses na narinig kong nagmura siya.
Humiwalay si Mama sa pagkakayakap niya sa akin. Tiningnan niya ang kabuuan ko. Hindi ko naman tinatanggal ang kamay ko sa punit kong damit dahil bakat ang dibdib ko.
Hindi ko na nagawang pulutin 'yung bra ko sa damuhan e.
"Hiraya, a-anong nangyari sa‘yo?" Nauutal na tanong ni Mama.
"Sinong gumawa sa‘yo niyan?" Narinig ko ang baritonong tanong ni Nimuel.
Kinakalma na siya ngayon ni Tita Mary. "Sinong gumawa sa‘yo niyan?!" Nagsabay si Kuya at Nimuel sa pagsigaw kaya nagulantang ako.
"H-Hindi ko kilala," ang bobo ng sagot ko, ah. "Ibig kong sabihin, h-hindi ko nakita 'yung mga mukha—"
"Mga? Marami sila?" Galit na tanong ni Kuya.
Tumango naman ako. "A-Anim sila, Kuya," nauutal kong sagot. "Pero okay lang—"
"Okay lang?!" Putol ni Kuya sa akin. "It will never be okay to do that!"
"Alam ko, Kuya," pagpapakalma ko sa aking sarili. "Pero nakaligtas naman ako. H-Hindi nila naituloy ang balak nila sa akin."
Nagkatitigan si Kuya at si Nimuel. "Is it inside of Cebu?" Tanong pa ni Nimuel.
"Oo, medyo malayo pa ako sa exit nung nangyari iyon, basta ang natatandaan ko malawak na damuhan iyon na katabi ng daan," litanya ko.
"If we go back tomorrow, will you recognize those who did this to you?" Tanong ni Kuya.
Umiling ako. "Madilim sa damuhan, hindi ko sila namukhaan, ang tangi ko lang natatandaan ay 'yung boses nung nasa ibabaw ko, since mukhang siya ang leader nila," nahihirapan kong sinabi.
Umimik si Tita Mary. "I think Hiraya needs to rest first? Let's just ask her about those things, later. At isa pa, sobrang fresh pa sa isip niya 'yung nangyari, sobrang traumatizing nun para sa kaniya."
Tumango naman si Mama. Inalalayan niya akong makaalis sa nakapaligid sa akin. Tumingin siya kay Nimuel na susunod sana sa amin.
"Sa susunod mo na lang siya kausapin about sa sinabi ko sa‘yo," ani Mama.
Tumango naman si Nimuel bago lumapit sa akin at pinatakan ako ng isang malambot na halik sa noo. "Magpahinga ka, may kailangan pa tayong pag-usapan," sambit niya.
Dahil sa sobrang pagod ay tumango na lang ako.
Dahil sa sobrang sakit ng buo kong katawan ay pinaliguan ako ni Mama. Pagkatapos ay hinayaan niya akong magbihis mag-isa. Syaka niya ako hinatid sa kama ko.
Pina-check-up niya ako kay Papa at nagsisigawan pa sila dahil ang tagal ni Papa magsalita about sa kalagayan ko.
Si Mama kung makasigaw akala mo nasa operating room na ako e.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Teen FictionForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...