"May Clinical Care raw mga nursing ngayon. Sa covered court," sabi ni Tina, isa sa mga ka-block mates ko.
"May thesis din mga Engineering ngayon, mukhang busy silang lahat." Dagdag pa ni Erika.
At tingin mo sa ‘tin? Hindi tayo busy? Hindi pa nga ako tapos mag-review para sa finals.
"Nagagamot din kaya ng mga nursing 'yung sugat ko sa puso?" Tanong ni Reason. Ang weird nung name niya 'no?
"Mukha bang may puso sa clinic?" Nagtataka kong tanong.
"Depende sa Mama mo," balabag niyang sagot. Hala ka! Nagtatanong ako ng matino rito e.
"Cafeteria tayo!" yaya ni Clarisse. "Sama ka, Hiraya?"
Tumango ako bago tumayo sa aking kinauupuan para sumama sa kanila papuntang cafeteria.
Habang naglalakad ay nakakakita kami ng mga Engineering student na nang-iinterview sa iilang professional Engineer. Bawat sulok ng school hindi mawawalan ng Engineering student.
'Yung iba kasi may jowa sa ibang building. Parang gusto ko na rin tuloy ng jowang Engineering. Kaso hindi pa kami nagkikita ni Nimuel.
Baka nga pari na siya kapag nagkita kami e.
Nakatingin ako sa mga estudyanteng nagdadaan sa labas ng cafeteria nang mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki.
May kausap siyang isang babae na mukhang ka-block mate niya. Tumatawa ang babae habang siya ay hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil nakatalikod siya sa direksyon ko.
Dumating si Clarisse at Tina na bitbit ang aming mga order. Nawala ang atensyon ko sa lalaking pamilyar sa akin. Ayon sa aking nararamdaman, siya si Nimuel.
"Ang mahal talaga ng mga bilihin sa cafeteria, namumulubi talaga ako kapag nandito sa school," sambit ni Tina.
Totoo namang mahal ang mga bilihin sa cafeteria. Buti na lang araw-araw akong binibigyan nina Mama at Papa ang allowance dahil alam nilang patay-gutom ako.
Hindi naman kasi nila ako sinusundo. Hinahayaan nila akong umuwi mag-isa kaya nilalakad ko na lang para tipid.
Isang oras ko lang naman nilalakad. Isang oras lang. Hanep.
Kapag pagod kasi ako sa school natututulala na lang ako habang nasa biyahe kaya minsan lumalagpas ng kaunti 'yung jeep. Ending, lalakarin ko pa pabalik.
Edi ginawa ko nilalakad ko na lang kada may pasok ako. Hindi na ako lumalampas sa subdivision, nakatipid pa ako. Galing ko talaga!
Hindi talaga ako makakalagpas kasi parang binabantayan ata ako nung guard na bantay gate ng subdivision. Kapag narinig ko kasi boses niyang malakas pa sa boses ni Mama ay bumabalik ako sa lupa.
Nag-umpisa kaming kumain nina Tina at Clarisse nang mapalingon ako sa direksyon ng pamilyar na lalaki kanina. Hindi ko muna siya kikilalanin bilang Nimuel kasi ilang taon kaming hindi nagkita.
Malay ko ba kung ano-ano ang nagbago sa kaniya.
Ngunit hindi ko na sila nakita nung babae roon kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Umiinom ako ng juice habang nakatingin sa tarangkahan ng cafeteria nang biglang bumukas iyon ay may pumasok na dalawang tao.
Naibuga ko kay Tina at Clarisse ang juice sa bibig ko. Pareho silang napatili dahil sa pandidiri.
"Hiraya!" Inis nilang tawag sa akin.
Natanggal ang tingin ko sa dalawang kakapasok lang sa cafeteria. Nataranta ako dahil basa na ang damit nung dalawa kong kasama. Kaagad kong kinuha ang panyo sa aking bag.
BINABASA MO ANG
Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)
Novela JuvenilForbidden Love Series #1 Hiraya Felestine Serraño is a Senior High School student who believed that she is not smart. Her family never pressure her in academics so she didn't do her best when it comes to studying. Until she met Nimuel Nathaniel Cuo...