Chapter 8

1.8K 38 1
                                    

Nang dumating ang sabado ay tinapos na namin ang adaptation para sa RewRi. Nakakainis lang dahil ang dami kong lines doon kahit hindi ako ang bida. Ako lang ang focus ng kwento. Horror kasi 'yung in-adapt namin tapos ako 'yung babaeng namatay dahil tumalon sa rooftop ng school.

Naghanap pa kami ng school na pwedeng pumasok kahit hindi roon nag-aaral. Ang hirap maghanap lalo na hindi lahat ng school ay may rooftop.

Nung linggo naman ay tinanghali na ako ng gising dahil sinulit ko ang tulog. Sa buong linggo iyon lang ang naging pahinga ko. At least naging pahinga siya. Not totally pahinga talaga since kailangan ko pang aralin ang research namin dahil bukas na ang defense.

Pauulit-ulitin ko na lang siyang basahin mamaya, nung isang beses ko kasing binasa nang maigi medyo tagilid e.

Binuksan ko ang kurtina sa bintana ng kwarto ko. "Good morning, Pilipinas!" Sigaw ko na parang wala kaming kapit-bahay.

"Tanghali na uyy!" Sigaw ni Aling Lourdes, ang kapit-bahay namin.

Anong tanghali pinagsasasabi niya?

Pumunta ako sa clock na nasa side table ko. Mahina akong napamura nang makitang alas-dose na! Akala ko pa naman alas-otso pa lang!

Wala pa akong kain-kain, tapos tanghalian na.

Agad akong nagsuot ng tsinelas at mabilis na lumabas ng kwarto ko. Hindi pa ako nakakapaghilamos at nakakapagmumog. Okay lang, wala namang sinabi si Mama na mayroon siyang bisita ngayon.

"Mama!" Sigaw ko habang tumatakbong pababa ng hagdan. "Mama!"

Lumabas siya galing kusina. "Ano ba naman 'yan, Hiraya. Kakagising mo pa lang ang ingay-ingay mo na." Saway niya sa akin.

"Hindi po tayo nakapagsimba?!" Gulat kong tanong.

Tuwing Sunday ay palagi kaming nagsisimba tuwing alas-nuebe hanggang alas-onse ng umaga.

"Ang sarap kaya ng tulog mo kaya bakit kita gigisingin?" Tanong niya.

"Nagsimba ka na?" Tanong ko.

"Oo, kung gusto mo magsimba, sumama ka sa Kuya mo mamayang hapon, magsisimba siya." Sagot niya.

"Tatamarin na ako mamayang hapon, Mama. Next Sunday na lang ako magsisimba. Susulitin ko muna," nangingiti kong sabi.

Hinampas niya ang balikat ko. "Umalis ka nga riyan, satanas!" Pabirong saway ni Mama.

"Mama, hindi naman ako si Satanas pero kung hampasin mo 'ko parang anak ako ni Satanas e." Pagrereklamo ko.

"Oo nga pala, anak, may bisita ka." Ani Mama bago ituro ang sala namin.

Nagtataka akong lumingon sa sala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Nimuel na nakaupo sa couch at pinapanood kami ni Mama. Wait, kanina pa ba siya riyan?!

Agad kong tinakpan ang mukha ko dahil hindi ako sanay na nakikita ng iba na walang ayos sa mukha.

"Kanina ka pa?!" Gulat kong tanong sa kaniya.

Si Mama naman ang sumagot. "Pag-uwi ko galing sa simbahan siya kaagad ang naabutan ko sa labas ng gate. Umalis ang kuya mo at nasa work ang Papa mo kaya walang nagbubukas nung gate. Hindi ka man lang nahiya sa bisita." Sermon sa akin ni Mama.

Napanguso ako dahil kasalanan ko na naman. Napakamot ako sa aking batok. "Hindi ko naman kasalanan na hindi siya nagsasabi sa akin na pupunta siya." Rason ko.

"Lapitan mo na, nakakahiya sa tao. Wala ka pang ayos," naiiling na sabi ni Mama.

"Ang sama mo sa‘kin, Mama!" Inis kong sabi. Natatawa lang siyang bumalik sa kusina.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon