Chapter 42

1.3K 25 7
                                    

At iyon ang huling beses na nagparamdam sa akin si Nimuel bago ako maka-graduate ng college.

Ipinasok ako ni Papa sa medical school kung saan din siya nag-aral noon. Apat na taon din ang ginugol ko sa pag-aaral doon.

Minsan nakakapagod pero buti na lang pogi inspirasyon ko. Kapag napapagod ako iniisip ko 'yung sinabi sa akin ni Nimuel noon. "Study is really hard, but don‘t give up."

Napapagod ako pero patuloy akong bumabangon para mag-aral. Kahit minsan mas gusto ko na lang isuko ang pag-aaral ko at maging palaman na lang sa sandwich.

Sa kabila nang mga pagrereklamo ko ay sa wakas after 4 years na naka-graduate rin naman ako. Nag-take ako ng board exam.

Thanks to God dahil isang beses lang akong nag-take ng board exam. Hindi man ako isa sa mga matataas ay ayos na. At least nakapasa ako. Pinagpuyatan ko rin ang pag-re-review para roon.

Pagkatapos ng board exam ay hindi na ako dumaretso sa Residency Training in Obstetrics and Gynecology kasi karagdagang apat na taon na naman ang gugugulin ko.

Kaya pumasok na lang ako sa Fellowship Training kasi dalawang taon lang iyon. Hindi na masama. Para naman mas marami akong alam sa profession ko bago tuluyang mag-umpisa.

At pagkatapos ng lahat-lahat napaiyak na lang ako nang makuha ko ang lisensya ko bilang isang Ob-Gyne doctor!

Si Mama ang unang yumakap sa akin nang sabihin ni Papa na roon ako sa hospital magta-trabaho kung saang hospital siya nag-ta-trabaho.

"Congrats, anak!" Naluluhang sinabi ni Mama habang pinapatahan ako dahil umiiyak na ako sa sobrang tuwa.

Thank you, Lord! Kung wala ang gabay mo hindi ko magagawa 'to. This time, it‘s you who give me this! Ang bait-bait Mo po talaga!

"Lahat ng paghihirap mong mag-aral sa mga nakalipas na taon ay nabayaran na ngayon," sabi ni Papa.

Tumango-tango naman ako habang nagpupunas ng luha. Sobrang tagal kong hinintay ito. At ngayong nandito na, gagawin ko ang lahat para manatili rito.

Sayang at wala rito si Kuya dahil kasalukuyan siyang nasa loob ng kumbento at nag-aaral para sa kaniyang pagpapari.

Tuwing gabi ko lamang siya nakakausap dahil iyon lang ang pahinga naming dalawa noong nag-aaral ako.

Minsan nga wala na talagang pahinga.

Nagluluto si Mama sa kusina habang sumasagot ako sa mga email na ipinadala sa akin ng iba‘t-ibang health clinic at mga hospital. Isa na roon ang President ng hospital na pinagtatrabauhan ni Papa.

May mga email din na bumabati sa akin. Ilan sa kanila ay mga junior high school classmates ko. Meron din noong college at sa medical school.

Sean Sales
Congratulations, Hiraya! Sa wakas Ob-Gyne doctor ka na! May mag-aalaga na sa asawa ko in the future!

Napatawa ako dahil sa email na iyon ni Sean.

Hindi na kami gasinong nakakapag-usap dahil sa pareho kaming busy. Kung hindi ko pa siya nakausap last year ay hindi ko pa malalaman na isa na pala siyang Marine Engineer.

Hiraya Serraño
How's life, Sean? Chat mo 'ko sa messenger HAHAHAHA

Nag-reply naman kaagad siya sa email ko pero hindi ko na binasa dahil sumagot pa ako sa ibang email.

Pagkatapos ko roon ay kinuha ko ang cellphone at bungad kaagad ang message ni Sean.

Gusto niyang makipagkita sa akin bukas para personal niya akong mabati. Buti naman at kabababa niya lang sa barko.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon