Chapter 50

1.5K 30 0
                                    

Pagkatapos ng pagbibinyag sa simbahan ay dumaretso naman kaagad kami sa bahay para makapagpahinga si Mizzy.

Ang arte niya masyado. Umiiyak siya kapag hinahawakan nung Pari. Akala mo kinakatay e.

Kamukha ko siya pero hindi naman ako ganoon kaarte. Manang-mana sa Mommy niya.

Pagkarating sa bahay, binigay niya muna si Mizzy kay Nimuel dahil mag-aasikaso pa siya ng creater.

Nakaupo ako sa couch ng sala habang pinapanood si Nimuel, at Kuya kung paano laruin si Mizzy.

Ang cute siguro nila kapag naging tatay na rin sila.

"Parang gusto ko na rin magkaanak," napahawak ako sa dibdib ko nang biglang tumabi sa akin si Shia.

"Mahirap kaya manganak," sabi ko sa kaniya.

"Ayos lang, every pain worth it naman," aniya na parang may pinaghuhugutan.

"Tingnan mo ang Kuya mo syaka si Nimuel," dagdag niya pa. "Kung magiging Tatay sila in the future, for sure ang swerte nung mga magiging anak nila. Spoiled sila panigurado."

"So, kailangan may istriktang Nanay?" Tanong ko.

Humarap siya sa akin, nakangisi. "Hindi tayo istrikta," sagot niya.

Maya-maya ay may pumasok na mga lalaki na may mga dalang DSLR camera. Sinalubong naman sila ni Kercin bago pinaupo sa harap namin ni Shia.

Ngumiti sa akin ang isang lalaki. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Hello, baby Mizzy," sambit ni Shia. Hindi ko namalayang nakaupo na pala si Kuya sa tabi ni Shia, bitbit si Mizzy.

Umupo ako tabi ni Kuya para laruanin si Mizzy. "Nimuel will sit there," ani Kuya.

Tiningnan ko ang space sa gilid ko. "Dito na lang siya sa tabi ko," saad ko bago pinaglaruan si Mizzy.

Pinisil-pisil ko ang matambok niyang pisngi. Kada pisil ko ay namumula ang pisngi niya sabay iiyak. Ang cute!

Hinampas ni Shia ang kamay ko. "'Wag mo ngang kinukurot, maglalaway 'yan e!" Saway niya sa akin. "Come, baby Mizzy, dito ka na lang kay Ninang pretty."

"Hindi pwede, pamangkin at inaanak ko 'yan," kontra ko. "Come to me, baby Mizzy, dito ka kay Tita-Ninang Ganda."

Litong-lito si Mizzy kung kanino siya titingin dahil salitan kami ni Shia kung magsalita. Panay baling tuloy si Mizzy.

Lumapit si Miztieh para magdala ng pagkain sa mga cameramen. "'Wag niyong pinag-aagawan anak ko, ah. Gumawa kayo ng inyo," bilin niya.

"Oh, gawa ka raw ng iyo, Hira ko," ani Shia. "Magsarili ka na lang daw tutal wala kang boyfriend."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Kuya, ang sama ng ugali oh," pagsusumbong ko.

Bigla naman akong may naalala. "Si Kuya dapat tinutulak natin sa pag-aanak, 30 years old na wala pang anak," sabi ko bago malakas na tumawa.

Siya naman ngayon ang binigyan ako ng masamang tingin. Kaagad akong natahimik nang biglang may naupo sa tabi ko.

"Nimuel, gusto raw ni Hira ko ng anak, bigyan mo raw siya," pang-aasar ni Shia.

Tumingin ako kay Nimuel para makita ang reaksyon niya. Nakakunot ang noo niya sa akin. Tumalikod na lang ako sa kaniya at syaka sinandal ang likod ko sa kaniyang biceps.

Naramdaman ko ang paglapit niya pa lalo. Nakangiti ako habang pinagmamasdan si Kuya na nakatitig kay Shia habang nilalaro ni Shia si Mizzy na malakas na ang tawa ngayon.

Forbidden Dreams (Forbidden Love #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon