Kabanata XXIX

4.5K 99 12
                                    

WARNING: MEDYO SPG





Insane





What the heck! Dork? Sino? Si Zake? Adik ba siya. Kapatid ko lang naman ang sinabihan niya ng dork. Nanliit ang mata kong tinignan siya. Ngumisi lang siya sakin sabay lapit.





"Why? Why are you squinting your eyes, woman?" Nakangisi niyang sabi na parang tuwang tuwa sa kinikilos ko.





"Zake's not dork! You're a dork!" Umirap ako sakaniya sabay lagpas. Dumiretso ako sa pintuan.





Binuksan ko ito. Ngunit di ko mabuksan! What the-? Pa'no ba 'to? Sumilip ako sa peep hole at nakitang may dalawang lalaki d'on. Nilock ba nila sa labas? Pa'no? Eh nabubuksan naman 'yon galing sa labas. And you can't lock it outside!





Oh gosh! This is insane!





Bumalik ako sa kusina. Naabutan kong kumukuha ng tubig si Gray sa double-door refrigerator niya. "You're fast. Kala ko sisirain mo pa 'yong pintuan bago ka bumalik dito." Ngumisi lang siya sabay inom ng tubig niya.





Napalunok ako. Parang nanuyo kasi ang lalamunan ko sa ginawa niyang pag-inom. "Ano bang gagawin ko dito? I need to go home."









Nagkibit balikat lang siya sabay sandal sa bar counter niyang maliit. "You should tell me first kung saan ka nakatira. Then, I'll let you go. For now." Nilagay niya lang ang magkabila niyang kamay sa dalawang bulsa ng pantalon niya.









"What for now? I don't care about you. Wag mo na kong guluhin." Nagulat ako nang mabilis siyang lumapit sakin at hinawakan ang magkabila kong braso. Ngunit hindi ako nagpatalo. "Even if me and Zake were not real. Wala ka ng pakialam tungkol d'on."



Nanggigil kong sabi. Hindi ko na mapigilan dahil sa nagagalit talaga ko sakaniya. Sinasagad niya ang pasensya ko. "Then, why? Why did you pretend? What's with you two?" Hindi rin siya nagpatalo. Nakaigting na ang panga niya sa sobrang pagpipigil.





"Wala ka ngang pakialam! Dammit! I'm not even your friend! I'm not even your girl. So shut--" Pinigilan niya ko ng kabigin niya ang batok ko para mapalapit sakaniya at siilin ako ng halik.







Nagpumiglas ako dahil hindi tama ang nangyayari. Nasampal ko na siya ngunit di niya ininda. Ipinulupit niya ang mga kamay niya sa bewang ko.









Naghuramentado ang puso ko. Hinihingal ako dahil sa sumisikip ito. Napahawak ako d'on. Hindi ko alam kung bakit. Napahinga ako ng malalim at nakuha ko 'yon mula sa mga labi ni Gray.





Napansin siguro ni Gray na parang nahihirapan akong huminga kaya agad niya kong binitawan. Napaluhod ako. Nagtubig ang mga gilid ng mata ko sa nangyari. Naawa ako bigla sa sarili ko. Huminga ako ng malalim dahil sa hindi ko maayos ang normal na takbo ng puso ko.



"Shit! Anong nangyari? I'm s-" Napahinto siya nang buong lakas na dumapo ang kamay ko sa kanang pisngi niya. Bumuhos ang mga luha ko at napahagulgol. Hindi pa rin ako makahinga ng maayos kaya napahawak ako sa puso ko.





Hindi nakareact si Gray sa nangyari. Umiyak ako dahil hindi talaga ako makahinga. "Ahh. Uh-Ahh." Napayuko ako. Ang sikip ng puso ko. Wala akong hanging nasasagap.









Niyakap ako ni Gray. Hindi ako nakaangal dahil sapo sapo ko ang puso ko. Dumako ang kamay niya sa likod ko. Hinawi niya ang buhok kong dumikit at tumatabing sa mukha ko dahil sa pawis at luha ko. Hindi pa rin ako makahinga na parang may sumasakal sakin.







"Tangina. Don't cry, Zeph. It will only get worst." Hinigit niya ko palapit sakaniya at inabot ang likod ko. Tinanggal niya ang lock ng bra ko.







Hindi na ko makaangal nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Pinigil niya ang paghinga ko sa ilong. Napaawang mga labi ko dahil sa ginawa niya. Pipiglas pa lang sana ko ngunit naramdaman kong hinalikan niya ako at binibigyan niya ng hangin mula sa bibig. CPR!





Nahinto ang pagbuhos ng mga luha ko at na-focus sa ginagawa ni Gray. Umangat ang mukha niya at humiwalay sakin. Huminga siya ng malalim muli at binigyan ako ng hangin.





Pakiramdam ko bumigat ang talukap ng mata. Bigla akong nakaramdam ng pagod. Umayos ang naghuhuramentado kong puso. Itinanggal ni Gray ang kamay niya sa ilong ko. Naging maayos ang paghinga ko dahil nagkaroon ng tamang suplay ng hangin.







Dumapo ang kamay niya sa batok ko at iniangat ako. "Fuck. I'll get insane with you, woman." Niyakap niya ko na parang takot na takot na may manyari sakin.





Naramdaman kong kumakabog ang puso niya dahil sa lapit namin. Hindi ko inaasahan na mangyayari sakin 'to. Dahil siguro sa kaba ko ay naging ganon ang takbo ng puso ko. It's not healthy. Hindi ko alam na posible akong magka-asthma.





Tumingin siya sakin. "You okay?" Nag aalala niyang sabi. Hindi ako makapagsalita dahil sa nangyari. I can't get over with this easily! Nagulat ako. Of all time and people. Bakit ngayon at sakaniya pa?







"May sakit ka ba? You want to--" Pinatigil ko siya nang kumapit ako sa batok niya para bigyan siya ng magaang halik.







I don't even know kung anong ginagawa ko. I should be thankful kasi nandito siya. "Thank you." Mahina kong sabi.







Tumitig lang siya sakin na parang namamangha. Hindi siya makapaniwalang ginawa ko 'yon. "Shit. I'll surely get insane. Now. And this is fast."





To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon