Ang Panimula
"Ma'am! Ma'am! Gising na po! Male-late na po kayo!"
Dahil sa biglaang pagsigaw ni Yaya ay napabalikwas ako at nahulog sa kama. Bigla naman siyang nagulat kaya lumapit kaagad siya sakin.
"Ya, ilang ulit ko bang sasabihin na wag niyo kong tawaging Ma'am. Kainis naman kayo eh!" tumayo ako lumapit sa bedside table ko.
"Naku! Ikaw talagang bata ka. Eh paano ka ngang gigising kung di kita tatawaging Ma'am." Tinawanan lang ako ni Yaya at lumapit sakin sabay hampas sa pang-upo ko.
"Yaya naman eh!" ngumuso ako dahil ang sakit parin kaya ng pang-upo ko. Tinawanan niya lang ulit ako sabay bukas ng pintuan.
"Bumababa ka na jan nang makapag-almusal ka na. Ang kulit mong bata ka!" magsasalita pa sana ko kaso naunahan na ko ng pagsara ng pinto. Napabuntong hininga na lamang ako at sinuot ang salamin ko.
Pumasok ako sa banyo at sinimula na ang pang-araw-araw kong gingawa. Pagkatapos ko ay inayos ko ang basang buhok ko at tinuyo ng tuwalya. Nagsuot lamang ako ng simpleng t-shirt na itim may tatak na "I'm proud to be a geek", jeans at isang pares ng converse na itim. Sinimulan ko na ding ayusin ang bag pack na gagamitin ko sa school at bumaba na.
"Ang tagal mo naman. Sya! Umupo ka na jan at ihahain ko na ang almusal mo." Ngumiti lang ako kay Yaya at pumunta sa upuan na inaalok niya. Luminga ako sa buong kusina pero di ko siya nakita. Napabuntong hinga na lang ako at yumuko.
"Papa mo? Wala na. Kanina pa siya umalis. Hindi ka na hinintay dahil alam mo naman yung kapag may tumawag sibat agad. Ewan ko ba sa ama mo, dinadaig yata sila Superman." Pilit pinapagaan ni Yaya ang situwasyon kaya pilit na lang din akong ngumiti sakanya. Inihain niya ang pagkain ko at nagsimula ng kumain.
Lumabas ako ng gate habang tulak-tulak ng paa ko ang skate board ko. Walking distance lang naman ang school na pinapasukan ko kaya di na kailangan mag-kotse saka ayoko maging sagabal pa sa bahay ang paghahatid-sundo sakin.
Nakarating ako sa school ng wala naman nangyari. As usual, isa na naman ito sa mga karaniwang araw ko sa Chandler University. Naglakad na ako patungo sa room na papasukan ko, nang makita ko na naman ang mga simpleng tingin ng mga tao dito. Tingin ng hindi pag-hanga, tingin kung saan manliliit ka. Kung hindi pa ako nasanay sa mga ito ay siguradong maiiyak na lang ako sa isang tabi. Pero dahil sa araw-araw na ganito, karaniwan na lamang ito.
Pumasok na lamang ako sa room naming at umupo sa pinakasulok at pinakadulo. Alam niyo na, anti-social. Hindi dahil sa wala kong kaibigan kundi ayoko na lang mapansin ng iba. Pero alam ko naman napaka imposible.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
General FictionChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...