A Chandler
Hinila nila Kristen at Noreen ang tulalang si Sykie. Hindi pa rin sila makapaniwala, kaya naman ngayon papunta na kami sa Garden, kung saan kakaunti lamang ang mga taong pumupunta.
"Now, explain Zeph." Sabi ni Noreen. Napayuko na lang ako. Kaya ko kayang ikwento ang mga nangyari sa buhay ko? Hindi madali sakin 'to dahil sa sakit na nararamdaman ko tuwing binabalikan ko ang mga nangyari.
"What, Zeph?" iritang sabi ni Sykie. "Are you fooling us para makawala ka? Pwes. You're not going---"
Pinutol ko ang sasabihin niya at nagsalita. "No. Kapatid ko si Zake. Kakambal ko."
Nanlaki ang mga mata nila at napaawang ang bibig. Kung nasa normal kaming sitwasyon paniguradong matatawa ako pero iba ngayon. Problema ito.
"W-What? P-Paano? Hindi kayo m-magkamukha." Sabi ni Kristen. Tama siya. Hindi kami magkamukha. Kamukha ni Zake si Daddy samantalang ako ay kamukha si Mommy. Pero may parehas samin. Yun ay ang ngiti. Madaming nagsasabi samin niyan lalo na nung mga bata pa kami.
Tumango ako. "Hindi kami identical. May iilan lang na features kaming parehas pero di talaga kami magkamukha---"
"Hindi. Hindi kayo magkapatid. Naalala kong hindi ka Chandler. De Vera ang surname mo. Kaya pano kayo naging magkapatid at ang mas malala pa, kambal kayo!" giit niya. Alam kong tatanungin niya yan. Lalo pa't magkaklase kaming dalawa.
"Pinapalitan ko ang surname ko ng surname ng Mommy ko."
"Why? You're a Chandler. Why would you---"
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
قصص عامةChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...