Wakas

10.2K 159 25
                                        

This ends the story of Zeph and Gray. No more #ZephGrayMoments 

NAKITA ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ni Luke. Shit! I would give everything just to see those smiles again. But with other men? I'll kill them. Umupo siya sa tabi ng mga team mates ko at nakita ko kung paano lumihis ang iba sakanila sa tabi ni Zeph. Si Luke lang ang nanatili.

Sinenyasan ko si Zake na sipain ang bola papunta sakin. May ilan ilan pang humarang bago tuluyang makarating sakin ang bola. Tinakbo ko 'yon hanggang sa makaisa ako ng goal. Mukhang tanga akong ngumisi sakanila. Nakipag-high five lamang ako kay Zake.




"PLEASE, Gray. You know how much I like him. I will do everything for him. Please." Pagmamakaawa ni Stary nang kausapin niya akong lumipat sa School nila.

Kumunot ang noo ko sa pinsan ko. Lumingon si Mr. Montenora samin kahit nakinakausap niya ang Daddy ni Starly, nang marinig na parang nagmamakaawa si Starly sa akin. Napabuntong hininga ako."If you like him, you don't have to force him to be with you.

Humawak siya sa braso ko at niyugyog 'yon. "I'm not forcing him. I know he may like me. Kaya nga you should transfer to our school. Please, kausapin mo 'yong girlfriend niya." Umiiyak na siya sa balikat. Pilit ko siyang nilalayo. I'm happy now. I'm in a public university para maiwasan ang pressure dahil sa 'tatay' ko kuno.

"Starly, liking someone isn't supposed to be forced. If he doesn't like you, then go find somebody else to like." Pilit kong pinapaliwanag kay Starly ang punto ko. Hindi ko siya maintindihan sa gusto niyang mangyari. If she really liked him dapat ito ang kinakausap niya hindi 'yon gagawa pa siya ng paraan pa lang maghiwalay ang dalawa.

"Gray! I don't want anyone else. I want Zake! Please--"

"Yes, Gray. Why don't you join your cousin in her school?"


NGUMIWI ako habang hinahanapan ako ng I.D ng Librarian. Umatras ako nang nakitang may bugso ng mga estudyanteng papasok. Nang abala siya sa pag-check ng I.D nila, gumilid ako sa mga cabinet ng card catalogue para di niya ko makita.

What will I do, then? I'll sleep, I guess. Pumunta ako sa kasuluk-sulukan ng Library. Umupo ako sa table at nagsimula ng dumukdok dun.

Nagising lang ako nang parang may mga bubuyog ng nagsasalita sa gilid ko.

"Siya ba yung transferee? Damn. Likod pa lang—"

Sinilip ko sila at nakitang di sila kalayuan sa kinakakaupuan ko. Tumayo na ako dahil naiirita ako kapag halatang halatang ikaw ang pinag-uusapan. Tumayo na din sila at umalis. Akala siguro lalapitan ko.

Nakita ko sa medyo sulok ng library ang isang babaeng mukhang seryoso namang nagbabasa. Maybe I should go there. Walang mag-iingay na iba kasi parehas naman kaming abala. Sinilip ko siya. Ahh. Too busy, huh? Di man lang napansin na nasa tabi lang ako.

Sinundan ko lang siya ng tingin nang makitang tumayo siya. She forgot her book. Pinuntahan ko 'yon at nakitang may nakaipit na bookmark sa libro. Binuksan ko ang libro. Isang cursive at italicized na pangalan ang nakasulat sa bookmark niya. Zephyrielle Bliss Vera Chandler. How ironic. She must be the daughter of the owner of this school. Kinuha ko ang bookmark saka sinauli ang libro sa tamang section nito.


TINEXT ako ni Starly na mag-usap kami bago umuwi. Ihahatid ko siya sakanila dahil may sasabihin din sakin ang daddy niya tungkol sa negosyong gusto niyang ipahawak pagkatapos ko.

"Hey, Gray!" Humalik siya sa pisngi ko bago ko nakita ang nakangisi niyang mukha. "I'm so happy now. I thought you'll never try to talk to that girl." Ngumingisi niyang sabi habang ako naman ay nakakunot ang noo. Anong pinagsasabi nito? Nakita niya yun kaya umirap siya. "The girl? Si Zeph? Yung Nerd?"

To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon