Second Step
Simula ng malaman nila na Chandler ko, lagi na lang nila kong kinukulit kung bakit hindi ko mailantad ang sikreto ko. Katulad na lang ngayon.
"Zeph, you know? You should broadcast the news. Para wala ng mambubully sayo kung sakali man." Pangungulit ni Noreen ng nasa Cafeteria kami. "Look." sabay turo sa buong paligid. "Everyone staring at you. Halatang nagtataka kung bakit ka namin kasama." Kung hindi ako sanay sa mga sinasabi niya, panigurado masasaktan ako sa mga sinasabi nito.
Umiling lang ako. "Ayoko ng gulo. Dagdag lang yan sa iisipin ko." Sumubo ako ng lasagna na order ko.
"Iniisip?" Tumingin si Sykie ng nakakaloko. "Ano naman yan? Or Should I call it, who? We're friends, right? So, you should take all your secrets away." Nagsitanguan naman yung dalawa. Ngumuso lang ako sa pangungulit nila sakin.
"I don't have secrets." Simple kong sabi.
Nagkibit-balikat lang si Sykie na halatang di naniniwala."Bakit ayaw mo magsabi ng sekreto? Is it too personal or what? Diba sinabi mo naman yung tungkol sa pamilya mo?"
"No. it's just too awkwa--"
"Awkward? Tss. Sabihin mo, nahihiya ka lang. Bakit ano ba yun? Wala kang confidence sa pagsasabi dahil baka kung ano ang sabihin namin?" napayuko ako dahil tama si Noreen sa mga sinasabi niya. Oo. Hindi ako komportable dahil baka sabihing masyado akong nangangarap.
"I know. I know. Siguro, just give me some time para pag-isipan pa ito." Ani ko. Pero nagulat ako ng biglang hampasin ni Sykie ang lamesa. Nagsilingunan din ang ibang mga taong nakarinig sa hampas niya.
"What Sykie? You're so damn ann--"
"Shut it. I know what to do. Let's go. Alam kong ikaw ang pinakagugusto sa gagawin natin." Kinuha ni Sykie ang gamit niya kaya napatayo na din kami at nagpatianod na lang.
Dumiretso si Sykie sa Parking Lot at nakita kong may kinuha siya sa kaniyang bulsa at pinindot ito. Umilaw at tumunog ang isang parte sa gilid ng Parking kaya napalingon kami dun. Kotse niya pala. Nagulat ako dahil kaya niyang magmaneho.
"Hop in." sumakay siya sa driver seat at sa front seat naman si Noreen. Sumakay na din kami ni Kristen sa likod.
"I think magugustuhan namin ni Noreen ang gagawin natin." Ngumisi lang si Kristen. Samantalang nakakunot-noo lang ako. Naguguluhan ako sa nangyayari.
Nakita kong lumingon si Sykie sa rear view mirror. "Don't worry, Zeph. It's time for you to learn how to be confident."
Pumasok kami sa Parking ng isang Mall. Pagkatapos mag-park ni Sykie. Isa-isa kaming bumaba at dumiretso sa Entrance nito. Mayroong pumapasok na ideya sakin pero hindi ko maisip kung anong epekto nito sa confidence ko.
Hinila ako ni Noreen sa isang Salon. "It's time para magbago ka ng fashion statement mo. Medyo boyish na nerd ka eh." Bago pa ako maka-angal sa sinabi niya ay nahigit niya na ako sa babaeng mukhang may lahi na naghihintay sa tabi ng counter.
"Racquel, please assist her. I want you to curl the ends of her hair and put color on it. She also needs contact lenses that will fit her. The rest--" napaisip pa si Noreen at ngumiti. "Ikaw ng bahala. You know what to do." At iniwan na ako dun. Kumaway lamang sila Sykie at Kristen habang lumalabas at mukhang pumunta sa ibang stores.
"Ma'am, let's go?" napilitan akong sumama sa babaeng tinatawag na Racquel ni Noreen. Pinaupo niya ako sa isang high stool chair na may sink.
"Ah...Miss. Kailangan ba talagang kulutin yung buhok ko? I think---"
"Pardon me, Ma'am?" napaisip ako. Di nga pala nakakaintindi 'to ng tagalog. Wala na kong nagawa. Baka hindi din ako sundin dahil sa hindi naman ako ang amo. Naisip ko yun dahil Racquel lang ang tawag ni Noreen kaya mukhang siya ang may ari nito.
Sumandal na lang ako at napabuntong-hininga. "None."
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Genel KurguChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...