Flirting
Napatingin ako bigla kay Gray. Pinahihirapan niya si Zake dahil lang sa pang-aaway ko sa kaniya? Napailing ako. Napaka isip bata naman niya kung ganun.
"It's my job lalo na at ako naman ang Captain. May umaangal ba dun, Zake?" Nanlaki ang mata ko sa pagtatanong niya kay Zake ng ganun. Pasalamat siya at kung hindi dahil kay Zake ay hindi siya ang pinagmamalaki niyang Captain.
Humalakhak lang si Zake ng parang wala lang sa kaniya. "None, Captain." Sabay saludo pa. Hinila na ko ni Zake bago pa ko makaangal.
"Wait! Sa'n tayo pupunta?" Nagulat na lang ako dahil papunta kami sa kwarto ko. "Sa kwarto mo." simpleng sabi niya.
"May kwarto siya dito?" Tanong nun epal sa likod. Ah! Hindi niya nga pala alam.
"Ha-Ha-Ha ano bang sinasabi mo Zake?" siniko ko siya kaya napabitiw siya sakin.
INinda niya pa yung siko ko. "Uggh. Anong Zake? Ku---"
"Uhh. Ha-Ha ikaw talaga. Uuwi na pala ako. Bye." sabi ko sabay halik sa pisngi niya para mas effective ang acting. Saka di din naman papayag si Zake ng di makakakiss sa noo ko. Kaya ako na lang.
"Wait! Ihahatid na lang kita." pahabol na sigaw niya pero dumiretso na ko sa pagbaba ng hagdan at baka maabutan pa niya ko. Ang kulit talaga ni Zake. Alam naman niyang dun nag-aaral si Gray tapos wala man lang siyang ingat. Punta na lang muna ko kanila Sykie.
Dumiretso na lang ako sa gate. Nang makalabas ako.
"Buti dala ko yung skateboard ko." sabay kapa sa likod ko.
"Aissh. Naiwan ko nga pala sa sala yung backpack ko." Napatingin ako sa suot ko. " Tapos naka-dress pa ko. Wala din akong pera." Ang malas ko yata ngayon.
Napakamot ako sa ulo ko. At bigla kong napapalo sa noo. Magagalit nga pala si Noreen.
Napaupo na lang ako sa mga bato sa gilid ng gate kaso bigla kong napatayo ng bumukas ito at lumabas si Gray na hingal na hingal. Luminga linga siya at namahinga lang ang tingin niya sakin.
Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Bakit nandito ka pa? Hinihintay mo ba kong umalis bago ka pumasok?"
Di ko na lang siya pinansin at tinalikudan na siya. Maglalakad lakad na lang muna siguro ako sa park ng subdivision namin. Naramdaman kong sumunod siya.
"Delikado ng maglakad dito." Anong alam mo. Gusto kong sabihin pero alam kong mag-aaway lang naman din kami. Safe ang buong subdivision na 'to. Di ko pa rin siya pinapansin.
"OMG!" Napalingon ako sa mga tumili na nakaturo sakin. Napahinto ako. Napansin kong wala si Gray sa likod kaya posibleng ako talaga. Pansin kong mga estudyante sila ng CU dahil sa logo ng mga papel na hawak nila na mukhang para sa CU Festival. Lumapit sila sakin.
"How dare you? Why you're nandito sa subdivision namin? You're not belong here." maarteng sabi nung isa. Napayuko ako. Umiiral na naman ang pagiging duwag ko. Siguro di pa ako handa sa ganito.
"Wait! I think I saw you somewhere? Ah! The Nerd sa College of Bussiness and Management." Aisssh. Nakilala pa ko.
"Why are you here? Why are you wearing clothes like that. I'm sure you're not mayaman to afford such dress." Ano bang gagawin ko?
"Nagkakamali kayo. Naligaw lang--" depensa ko pero tinulak lang ako nung isa.
"Balita ko, you're flirting with the Captain and Vice Captain ng Football team. You're so kapal. So disgusting!" irap niya pa. Itinulak pa ulit ako pero di ako nabuwal dahil napasandig ako sa matigas na bagay sa likod ko.
"She's not flirting with the Vice Captain. She's only flirting with me. Only me." Kinilabutan ako sa tono ng boses niya. At alam kong kung lumingon man ako sakaniya ay manghihina lang din ako.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Fiksi UmumChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...