[TRIVIA: Have you seen the book cover of TBWH? Yung dati. Kung hindi pa. Ayan na. Nagpalit na kasi ako. Eto na 'yong moment na 'yon :) ]
Won't tolerate
Nangangatal ang labi ko at alam kong hindi 'yon dahil sa lamig. Narinig kong may ingay na paparating dito at natatakot akong makita nila ako na nasa ganitong sitwasyon. Who would have thought na pagkatapos ng pakikisama ko sa mga sikat sa eskewelahan na 'to ay makikita pa rin nila akong wasted?
Na wala pa ring naitulong sakin ang mga kaibigan ko dahil isa pa rin akong kawawa at mahinang babaeng kahit kalian di nila mapagbabago. Hinding-hindi. Dahil duwag ako.
"I just don't get it kung bakit na-dismiss agad ni Sir ang klase. Hindi pa nga nababasa ang swimsuit ko." Naiiritang boses ang narinig ko malapit na sa pintuan.
"Maybe because may meeting ang faculty and staff. It doesn't matter. We can go out and stay muna malapit sa Trinity 'til our next class, right?" pagsasa-anyon ng isa pang boses.
Hindi pa rin ako tumatayo kahit abot-abot ang kaba ko sa magiging eksena pagkapapasok nila. Diba dapat hindi na big deal sa akin ang mga ganito? Once I've felt this feeling. Once I've took all this shits.
"Let's change, then. So-" Nahinto ang babae sa pagsasalita at hindi ko alam kung bakit. Napag-isipan na ba nilang wag ng magpalit a dumiretso na lang?
Narinig kong may bubulong-bulungan.
"What? I don't fucking ca-" Nahinto ako sa pag-iyak at marahas na pinunasan ang pisngi ko dahil sa malakas na tunog na narinig ko.
May sinampal sigurado ako. Malakas yun at lumagapak sa isang pisngi. At rinig na rinig ko 'yon dahil mukhang pintuan lang ang dibisyon namin.
Napatalon ako sa gulat nang maulit ang tunog na 'yon. Handa na kong tumayo nang marinig ang pagpapatuloy ng babae. "S-Sorry. Le-e-t's go."
Hinintay kong mawala ang mga tumutunog na sapatos papalayo. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Gusto kong pasalamat kung sino man 'yon dahil parang naiintindihan niya ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.
"Yes, thanks."
Narinig ko ang malamyos at mababa niyang boses. Kumalabog ng husto ang puso ko dahil sa kaba. Mabilis kong pinusan ang pisngi ko at tumalikod nang makitang pumihit ang door knob ng pintuan. Taas baba ang balikat ko dahil hindi ko ang alam ang dapat na maramdaman. Galit ako. Galit na galit. Pero bakit may parte sa utak at puso na gusto siyang pakinggan?
"Zeph."
Pumikit ako nang marinig na lumapit siya. Wag kang lumapit! I have never been hurt by someone like this. Kahit ng mamatay si Mommy. Nasaktan ako ngunit hindi ko alam na mas masakit pala ang pakiramdam ng trinaydor at niloko ka. It feels like hell!
"Zeph."
Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. "What did she tell you?" Lumuhod si Gray sa tabi ko nang mapansin niyang hindi ako nagsasalita. Tumutulo ang luha ko kahit hindi parang wala na kong nararamdaman.
"What did she tell you, Zeph? Please answer me, woman."
"Please go, Gray. I don't need you." May riin kong sabi dahil kahit anong sabihin niya saradong sarado na ang puso ko sa kahit anong paliwanag na sasabihin niya. "No, Zeph. I know, you didn't mean that."
Marahas akong napatingin sakaniya at nakita ko kung paano bumalatay sa mata niya ang sakit ng sinabi ko. "I didn't mean? You think I'm not serious about this, Gray? Tingin mo lokohan lang lahat ng 'to? If you're thinking about that. Well then, congratulations because you're right."
Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko na kayang magsalita. Malakas na ang hikbi ko at nakikita ko na ding namumuo ang luha sa mga mata ni Gray. "Just listen. I'm not telling you to believe me, even if I wanted to. Just please listen!"
Tumaas ang boses niya kaya napapikit ako. "Then, tell me! Kasi kahit anong gawin kong tanong sa sarili kung anong ginawa ko sayo para gawin mo 'yon ay wala akong maisip na dahilan. Just to be a captain, really Gray? That's so fucking unreasonable!" Napahawak ako sa dibdib ko nang may bigla akong naramdamang pagsikip d'on.
Napamura din siya nang mahina. Nagulat ako nang abutin niya ang batok ko. Siniil niya ako ng nakakahilong halik. Napapikit ako at nagagalit ako sa sarili ko dahil d'on. Kumakalma ang puso ko kapag hinahalikan niya ako. Tapos okay na dahil mas pinaramdam niya sakin mahal na mahal ko siya?
Napakapit ako sa collar ng polo niya dahil sa paggalaw ng mga labi niya sa labi ko. Gumaan at bumabaw ang halik niya para magkaroon ako ng segundo para makahinga. Ngunit hindi niya tinigilan ang labi ko. Gumapang ang kamay ko papuntang buhok niya at mas diniin ang labi niya sa akin.
Bumitaw siya at hinalikan ang gilid ng labi ko. Sinapo niya ang pisngi ko at mariin akong tinignan sa mga mata. Seryosong seryoso siya at hinalikan muli ako bago nagsalita.
"You don't cuss when I'm with you. Even if I love you, I won't tolerate that, understand?"
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
General FictionChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...