Kabanata XIII

5K 105 2
                                    



Silbi

 

 

 

Gumising ako ng maaga para maabutan kong mag-breakfast si Zake at para matanong ko siya kung bakit si Gray ang sinabi niyang boyfriend ko. Naiinis ako dahil di ako nakatulog. Alam kaya ni Gray? Paano ko siya haharapin, kung sakaling magkita kami?

 

 

 

 

"Arrgh!" ginulo ko ang buhok ko at pumadyak. Nakakaasar dahil di ko maialis sa isip ko. Tumayo ako at kinuha ang salamin ko. Oo may salamin na ako. Binilan ako ni Zake. Nakita ko na lang to kagabi bago ako matulog. Dumiretso na ako sa kusina para hanapin yung mokong na yun..

 

 

 

 

"O aga mo yata ngayon?" lumingonlang saglit si Yaya habang nakaharap siya sa niluluo niya. "Kakain ka na ba? Kumuha ka muna ng plato mo at matatapos ko naman na 'to." Sumunod ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang buong kusina. No sign of Zake?

 

 

 

 

 

"Ya! Asan si Zake?" tumingin ulit siya sakin at pinagpatuloy ang pagpi-prito.

 

 

 

 

 

"Di na naman nag-paalam sayo? Aba! Makulit na ata ang kapatid mong yan? Aba't sabi nagpaalam daw sayo. Nagmamadali nga kanina at kumuha lang ng toasted bread, yun na lang daw kakainin niya. Nagpapagutom na ba siya ngayon? Papagalitan ko yun mamaya pag-umuwi." Parang umusok naman ang tenga ko sa narinig ko. Arrrgh! Na-isahan na naman ako. Tinakasan pa ako.

 

 

 

 

 

"Tama yan Ya! Pagalitan niyo siya. Hmp!" umupo na ako at nagsimulang kumain.

 

 

 

 

 

 

Sumakay ako sa skateboard ko at pinagbuksan naman ako ng guard ng gate. Ayoko nga dapat akong pagbuksan dahil kaya ko naman. Kaso ang kukulit nila. Kesyo trabaho daw nila yun. Tss eh ano naman?

 

 

 

 

 

Pagdating ko sa School. Ano pa bang iba? Pinagtitinginan na naman ako. Pero bakit parang may iba? Parang may galit? I hope wala naman akong ginawa dahil ayoko na namang ma-bully.

 

 

 

 

To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon