Andiyan na
Tumatakbo ako palapit sa harap ng Gym at nataranta ako nang makitang nag-uumpisa na ang laro. Shit! I'm late. Noreen will definitely kill me! Naramdaman kong nag-vi-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Sinilip ko ito at nakitang si Sykie naman ngayon ang tumatawag. This is worse than I imagined. Una, si Kristen. Then, Sykie at any time now si Noreen na ang tatatawag and I don't want that to happen dahil yun na ang warning na it's my last chance.
Sumingit ako sa mga babeng nagkakagitgitan sa harapan ng Gym. May mga nagrereklamo pa at ayaw mapadaan ngunit nang masilip na ako 'yon ay sila na ang kusang gumilid. Di ako sanay sa ganoong trato. Natatakot siguro sila sa tatlo kong kaibigan, or either Zake or Gray? I don't know.
Hinila ako paupo ni Sykie. Samantalang umiirap lang si Noreen. Kumakain lang ng popcorn si Kristen na parang walang pakialam. "It's alreading starting. San k aba galing?" Naiiritang sabi ni Noreen.
Kagat kagat ko ang ibaba kong labi bago magsalita"Ah. Kanila Gray."
"Oh. Yeah. I forgot." Nag-iisip na sabi ni Noreen sabay ismid nang may maalala. "Magkasabay nga pala ang oras ng Soccer at Basketball. But then, dapat nagmadali ka. You know naman na ayaw kong mahalata ng lalakeng 'yan na papanuorin ko siya. That's why inaya ko kayo."
Natawa na lang ako sabay abot sa kinakain ni Kristen. Napansin kong may tinetext si Kristen ngunit nang mapansin niyang sinisilip ko ay tinabi niya kaagad ang cellphone niya. Agad naman ang pagkunot ng noo ko.
"Dapat di ka na pumunta kung ayaw mong makita ka. Tss. Meaning to say, you just want see him playing. In-denial brat!" Napipikang sabi ni Sykie na parang naiirita din.
"Don't call me brat! If I know. Gusto mo lang mapanood yung Ex mo. Ikaw ang in-denial!"
Nanlaki ang mata ni Sykie at umawang ang bibig. "I don't! " Namumula ang pisngi ni Sykie. Kaya natawa ako. Lumingon siya sakin na nanlalaki ang mga mata kaya natahimik ako.
"Sinasayang mo lang kasi ang oras ko. Sa halip na may ginagawa ako. Eto at sinasamahan kang magpapansin sa lalaking yan!" Umiirap na sabi ni Sykie. Hindi pa rin nagpapatalo.
"Oh my gosh! I'm not an attention-seeker, Sykie! Ayoko lang na makitang pakalat-kalat yung bruhang si Sabrina dito."
"Di ko sinabi 'yan. Self-proclaimed." Nangingising sabi ni Sykie. Na parang alam niya ng panalo siya.
"At paanong nasama si Sabrina sa usapan? Okay. You lose." Tumawa si Sykie nang makitang inis na inis na si Noreen at wala ng masabi. Nagulat ako kay Sykie lang talaga siya natatalo.
Nag-vibrate ang cellphone ko at sinilip ko 'yon. Saglit akong napahinto at medyo lumayo muna sa ingay bago sagutin 'yon.
"Dad."
Abot-abot ang kaba ko nang hindi siya nagsalita sa kabilang linya. Kinakabahan ako sa dapat kong marinig na sasabihin niya. Kaya nagsalita muli ako. "Daddy."
"Sorry darling. I just can't hear you kanina. How's your brother game? The airplane just landed and I'm in California." Nangiti ako nang marinig na safe siyang nakarating doon.
2 weeks ago, hindi ko alam na kinausap na ni Zake si Daddy tungkol sa nangyayari sakin. He talked to him na hindi na nakakabuti para sakin yung pagiging Vera dahil nag-cause yun ng bullying. He's so shocked at muntik na niyang patalsikin lahat ng mga may report na konektado sakin.
He apologized to me at pati na rin ako sakniya. I just can't take na makitang umiiyak na naman si Daddy dahil sakin. Pinapalit niya na ang surname ko at doon pa lang ako nakilala ng mga kaklaseng kong gulat na gulat sa balita.
"I haven't see him play, Dad. I'm with my friends sa Gym. I'll go mamayang pagkatapos ng first half ng basketball. Take care, Dad. I'll give you news. I love you."
Natawa siya sa kabilang linya. "Yeah. I definitely want that. I love you too, Zeph." Pinatay ko na ang tawag at nang pabalik n asana ako sa upuan ko ay nakitang tumatawag naman si Gray.
Sinagot ko yun at naabutang hinihingal ang nasa kabilang linya. Nakagat ko ang ibaba kong labi. Sinilip ko ang wrist watch ko at nakitang 10 minutes pa lang nag-uumpisa ang laro nila.
"Where are you?" Hinihingal niyang sabi.
"Ah. Gym?" Kinakabahan kong sabi dahil panigurado ay maiinis na naman siya.
"And what are you doing there? Andito ang game namin." Naiirita na nga niyang sabi. "Sorry Gray, sinamahan ko lang sila Noreen na panuorin yun-"
"Cut it. Matatapos na ang time-out na hiningi ko kay Coach. Balik na ko sa game."
Pinatay niya ang tawag. Nanlalaki naman ang mata ko dahil akala ko end na ng game nila ngunit humingi lang pala siya ng time-out para matawagan ako. Tikom ang bibig ko habang papunta kanila Noreen. Nakita ni Sykie ang reaksyon ko kaya siniko nito si Noreen. "What?"
Takang sabi ni Noreen kaya napairap naman si Sykie. "You can go, Zeph. Wala namang kwenta 'tong laro na 'to."
"What—"
Pinanlakihan naman ng mata ni Sykie si Noreen kaa natahimik 'to. Ngumiti lang ako ng bahagya at bumeso sakanila. "I'll meet you mamaya."
"Kahit wag na. Haha" Tumawa si Kristen. "Alam naman naming may moment kayo ni Gray. We understand. Go. Wag mo na kaming pansinin."
Tumawa din ako at kumaway. Agad naman ang pagtakbo ko papunta sa oval, kung saan naglalaro ang kapatid at boyfriend ko. Nakitang lamang naman sila ngunit di masyadong sinisipa papunta kay Gray ang bola.
Tumigil ako sa isang gilid at napansin naman kaagad ako ni Luke. Kaagad niya akong kinawayan para pumunta dun. Ngumiti lang ako saka lumapit papunta sa bleachers. Kaso nagulat ako nang biglang sumigaw ito sa mga players.
"Captain! Oh. Andyan na. Umayos ka na ng laro mo!"
Tatawang sabi ni Luke kaya kaagad ang pagbagal ng takbo ni Zake at gumala ang mata niya. Huminto 'yon sakin. Ngumisi lang ito at kumindat. Sabay ng pag-takbo kaagad para maabutan ang nakalagpas na kalaban. Tumawa na lang ako sa ginawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/15033332-288-k26498.jpg)
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
General FictionChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...