Kabanata XXVIII

4.6K 93 5
                                    



Envy



Hindi ako makagalaw. Pa'no na to? Mas napasama pa yata ang pagkakasabi ko. Napailing ako. Dapat hindi ako magpaapekto sa mayabang na kumag na 'to.



I should have said na malayo ang bahay ko!



"So, where's your house?" Lingon niya sakin ngunit nagiwas lang ako ng tingin.



"Ako na lang ang uuwi. You don't need to be with me." Mahina kong bulong. Hindi ko na siya narinig.



"You don't have a house, do you?" Naniningkit mata niyang tanong. Sinusuri niya ang buong mukha ko na para bang ayaw niyang hayaang may isang emosyong dumikit sa mga mata ko. "Answer me."



Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya. Hahayaan ko kung anong isipin niya. "You won't tell me?" may pagbabantang aniya.



Ngunit bago pa ko makaangal ay naramdaman ko na lang na umangat ang katawan ko sa lupang kinatatayuan ko. Napatili ako. Pilit kong binaba ang dress na suot dahil panigurado makikitaan ako.



Shit! He's carrying me like I'm a goddamn pack of rice.



"Oh gosh. Put me down!" Tili ko sabay palo sa likod niya. Sa kasamaang palad walang taong pwedeng tumulong sakin. Kung kailan naman kailangan ng mga malditang babae kanina saka nawala.



"Ayoko. You don't want to say? Then, you'll go to my place." Sabi niya sabay halakhak. Nanlalaki ang mata ko. I can't believe this!





Nanggigil akong humawak sa buhok niya. "Grr. Ibaba mo ko sabi. Ahh. Wala kang karapatang--"



"Fuck. Ang sakit ah!" Angil niya pero hindi pa din ako binibitawan. "Umayos ka kung hindi may gagawin akong--"



"What? What exactly?" Frustrated kong sabi sabay ayos ng buhok kong dumidikit dahil sa pinagpawisan ako. "Tss. This is kidnapping." Nangingitngit kong sabi.



Hindi siya nagsalita. Nadaanan namin ang guard ng subdivision pero hindi manlang kami pinansin! Nakita niya lang 'tong ugok na 'to tapos okay na? Seriously? Naglakad pa siya ng kaunti nang ibaba niya na ko.



"Thank you." Sarkastikong kong sabi sabay ayos ng damit kong nagusot. Tumalikod na ko sakaniya.



"Oh no. You won't, woman." Pigil niya sabay higit saking palapulsuhan.



Nagulat ako nang patunugin niya ang nasa harapan naming puting Monterosport. Binuksan niya 'yon at dali-dali akong i-seat belt. Tumakbo kaagad siya sa para makaikot at buksan ang pinto sa katabi kong upuan.



Gigil akong tumingin sakaniya. "San mo ba ko dadalhin? I should go home." Umismid ako. Tumingin lang ako sa bintana para hindi na siya pansin.



"Where's your home, then?"Nanunukso niyang sagot porke wala akong masabing lugar kung saan ako tumitira.



What am I going to do?



Hindi kami close para sumama na lang ako ng ganito kadali. Ayoko na namang ma-mali ng akala ang makakakita satin. Ang masama pa, sa bahay niya! Oh gosh. Pano kapag nandun ang mga magulang niya? Mga kapatid niya? Pano ko sila haharapin?



Geez. I'm not his girlfriend so why would I bother myself?



Napapansin kong lumilinga siya sa gawi ko. "It's not that I have my family with me. I lived alone. You shouldn't feel nervous. " aniya tila ba nababasa niya ang naiisip ko.



"A-As if." Depensibo kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ako nauutal. Asa namang takot ako sa mokong na 'to.



Narinig kong tumunog ang cellphone niya. Kaagad naman ang baling niya ng atensyon d'on nang mabasa ang nasa screen ng telepono. "What?" Hindi ko na narinig ang lahat ng pinagusapan nila. "Just prepare all of it because we're near."



Napanganga ako sa pagkalabas ng sasakyan niya. Nanlalaki ang mata ko nang makita kung gaano kataas ang building na papasukin namin.



This man has its own condominium. Dammit! And it's not an ordinary condo somewhere. But in one of the chains of Dreson's! Kanila Sykie!



Nilagpasan niya lang ako na parang wala lang sakaniya ang pagkagulat ko. Malamang. Araw-araw lang naman siya dito. Pumasok kami sa isang elevator na binubuo ng purong salaming dingding. Pinindot niya ang 19th floor. Which is, the penthouse? Seriously? This man is deep-pocketed!



Itinipa niya ang password ng unit niya na hindi manlang sakin itinago. 81495. Nasundan ko iyon. Umecho sa isipan ko.



Shit! Bakit ko ba kinakabisado?



Napailing ako sa naiisip. Tumingin siya sakin ng nakakunot ang noo. "Come." aniya. Nangitngit ako sa sarili. Bakit ba kasi ang dali daling kabisaduhin ng password niya? Parang sobra kasing pamilyar.



Nakita ko kung gaano kaganda ang loob ng buong unit. Walang masyadong gamit d'on. Itinapon niya ang susi at cellphone niya sa sofa at dali daling pumunta sa kusina.



Natuod naman ako sa pagkakatayo dito sa pintuan. Anong gagawin ko dito? Niyabang niya lang ba sakin ang condo niya? Tss. "What are you doing there?"



Napatalon ako nang makitang nasa harapan ko na siya. "Come here." Aniya sabay hila sakin papuntang kusina.



Mas lalo akong napanganga dahil ang ganda ng kusina niya. Parang ang sarap magluto dito. Parang lahat ng gamit bago. Kumpletong kumpleto lahat. Mula sa measuring cups sa baking hanggang sa roller ng pizza.



Kaso parang may lumukob na isang masakit na bagay sa puso ko nang mapagtantong may pwedeng ibang nagluluto dito. "Did you like it?" mahina sabi ni Gray sabay pulupot ng braso niya sa bewang ko.



Tumatama na sa kanang pisngi ko ang hininga niya. Nagsitaasan ang mga balahibo ko mula likod hanggang batok. Kinikilabutan ako sa lapit namin! Humarap ako sa kaniya sabay tulak nang matauhan ako sa posisyon namin.



Ngumisi lang siya sakin. "Can you cook for me? I don't want to get envy by some dork in our team."





To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon